Kabanata 5

11.5K 268 8
                                    

Kabanata 5

Lips


"Miss Anna nandito na po iyong dinner niyo." Katok ni Gardo sa pinto ng kwarto.

Tumango ako sa kanya. Agad rin naman siyang bumalik sa pwesto niya kanina. Seryoso siyang nakikipagtitigan sa dingding ng hotel room.

I was about to start eating when I remember to order some wine.

Sabi kasi sa isang nabasa kong libro ay maeenjoy mo lang ang hotel kung susulitin mo talaga. Ordering wine is one of my wish to do while staying here, gaya ng mga napapanood ko sa movies.

Walang pakundangan kong kinuha ang telephone para tumawag ng room service. Ilang minuto lang ay dumating rin naman ang order ko. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagsunod ng tingin ni Gardo sa hawak kong wine. Hindi ko nalang siya pinagtuunan ng pansin.

Nanood ako ng movies sa sala habang sumisimsim sa aking glass wine. Hindi ko namalayan na nakailang baso na pala ako dahil abala ako sa panonood. Kung hindi lang ako nilapitan ni Gardo ay hindi ko mapapansing halos napangalahatian ko na ang laman ng bote.

"Paakyat na po rito si sir, Miss Anna."

Napangisi naman ako sa sinabi ni Gardo. "Tapos na ba ang conference?"

"Lasing na po kayo, Miss." Saad ni Gardo saka kinuha ang bote ng wine at sinubukang kunin rin ang basong hawak ko.

"No. I am not." Bawi ko saka inilayo ang baso.

Iyon ang nadatnan ni Sancho. Gardo was leaning to get the glass from my hand while I was leaning away from him. Sabay pa kaming Napalingon sa banda ni Sancho ng marinig namin ang pagbukas ng pinto at pabagsak na pagsara nito.

His eyes immediately darted to us. Napalunok ako at umayos naman ng tayo si Gardo. Walang imik itong bumalik sa kanyang pwesto kanina.

"Why did you let her order that?" pagbaling niya sa kanyang tauhan.

"I'm sorry, Sir." Sagot lang ni Gardo.

"It's not his fault. I wanted to try what I've watched on T.V." saad ko.

Sancho clenched his jaw and glared at me. Niluwagan niya ang kanyang necktie at saka naglakad papalapit sa akin. Agad niyang nahablot ang baso ng wine at saka tinungga iyon.

"Don't drink too much." He said.

Nagtama ang paningin namin. Para naman akong sinisilaban habang nakatingin sa kanyang mga mata. His orbs are light gray. Kahit sino atang mapapatingin dito ay mamamangha. I was mesmerized by his eyes. Hindi ko namalayan na humawak na pala ako sa kanyang pisngi. Nakita kong sumulyap siya sa pwesto ni Gardo saka siya nagbuntong hininga.

"Let's go to our room." He reached out for my hand and pulled me to the room.

Doon ko naramdaman na lasing na nga ako dahil umiikot na ang aking paningin. My knees wobbled so I leaned to his body. Kaagad na yumakap ang braso niya sa aking baywang para alalayan ako.

"Fuck!" I heard him hissed under his breath.

Tumawa ako sa kanyang reaksiyon. I feel lightheaded.

"You're dismissed for today, Gardo. You can go." Rinig kong saad ni Sancho sa kanyang tauhan bago kami tuluyang makapasok sa loob ng silid.

I smile so wide as we enter the room. Amoy ko ang mabangong amoy niya. A mix of perfume and his natural scent smells nice. Ito na ata ang paborito kong amoy simula ngayon.

"Why did you drink?" He asked.

Iniupo niya ako sa kama saka tumayo sa aking harap. Nagpamaywang siya saka sinipat ako gamit ang kanyang nakakalunod na tingin.

"You know what..." I trailed as I wonder his handsome looks. "You are handsome but your personality sucks."

Humikab ako saka ulit siya tiningnan. Naglakad siya patungo sa walk-in-closet. I layed on the soft bed. I suddenly thought how I end up here.

Kaya ko bang kumawala kay Sancho?

But I don't have that amount of money to pay my father's debt. Hindi pa ako nakakapasok sa college kaya hindi pa ako makakakuha ng trabaho na may malaking sahod.

Taming The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon