Kabanata 16

10.5K 227 5
                                    

Kabanata 16

Confession


"Nagawa mo na ba iyong report natin, Anna?" Si Caddie.

By partner kasi ang reporting namin sa isang subject, automatically we are partners. Siya lang naman ang close ko sa klase namin pero siya ay amraming friends maliban sa akin. Though, I am also friends with my classmates but not that close like we are.

"I already emailed the ppt to you, Caddie." Saad ko.

Kumagat ako sa aking tuna sandwich. Vacant namin at kanina lang ay nagutom ako kaya namili kami ng pagkain. Tumambay muna kami sa Cafeteria bago babalik sa room.

Hawak ko ang phone ko sa kabilang kamay. Sancho texted that he'll pick me up later. Pumayag na ako dahil mukhang hindi naman siya tatanggap ng hindi mula sa akin.

From: Sancho
*What do you want for dinner?*

Napangiti ako. I am happy to receive something like this. Hindi ko na inisip ng sobra ang tungkol sa usapan namin ni Janine. I decided to just let myself feel free. Ayokong magkaroon ng regrets kapag dumating ang panahon. Sana lang ay tama ito.

To: Sancho
*Adobo or sinigang*

"Sana sinabihan mo ako na hindi mo pala ako papansinin. Sana 'di nalang ako sumama sa'yo!" Maktol ni Caddie.

She was talking continuous awhile ago. Kaso busy ako sa text kay Sancho kaya hindi na ako nakikinig pa sa kanyang mga kwento.

Tumawa ako. "I'm sorry, Caddie." Umirap siya sa akin.

"Kung hindi ka lang talaga baliw na baliw diyan sa asawa mo baka matagal na kitang inilakad kay Flynn. Loyal iyon, unlike your husband."

"Sure ka ba talaga na sa'yo lang umuuwi 'yan?"

"Caddie, you know that I don't wanna conclude somethng."

She groaned in frustration. "You know too that I know guys like him too well! Mga paasa lang 'yan. Kapag nagsawa ay para ka nalang hot potato na idodrop!" She lamented.

"Hindi naman siguro siya ganoon, Caddie."

"Remember Alexis? After going under my pants he fucking left me with his other fling! Ang gago hindi man lang binayaran ang pinautang ko sa kanyang fifteen thousand!" She added to her laments.

Hindi ko talaga alam kung matatawa ba ako kay Caddie dahil sa mga karanasan niya o maaawa sa kanya. Bilib rin naman ako kasi sa kabila ng lahat ng panloloko sa kanya ng mga exes niya ay matatag pa rin siya.

"Ang bilis mo kasing bumigay, Caddie. What is it called again?" Nag-isip pa kunwari ako. "Marupok." I said in a low voice.

"Hoy! Hindi, ah! I loved him kaya! Ikaw kaya ang marupok!" Kulang nalang ay sumigaw siya. Kung hindi ko lang siya sinenyasan ay baka naghuhurumentado na siya. Napakadefensive.

"Deny it all you want." Kibit ko nalang sa balikat ko.

Nagtalo pa kami hanggang sa makarating sa room namin for the next class.

I waited for Sancho to pick me up. Isang oras mula sa uwian ko ay walang dumating. I texted him but he didn't response. Tinawagan ko rin si Gardo pero out of coverage.

"Okay lang naman siguro siya?" Bulong ko habang nagtitipa ng isa pang mensahe para sa kanya.

"Anna!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ng may biglang tumawag sa aking pangalan.

"Christian!" I called when I saw a familiar face.

He flashed his friendly smile to him. Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa tapat ko.

"Sinong inaantay mo?" Tanong niya saka sumilip sa relos. "It's getting late."

"Iyong sundo ko." Sagot ko habang nakangiti.

"Mukhang na traffic na, ah?" He said jokingly.

"I already texted him."

"I can give you a ride. Mukhang malapit ka lang rin naman dito." He gestured.

Napatingin ako sa aking orasan. Pasado alasais na ng hapon. Medyo papadilim na rin at kung magtatagal pa ay baka madatnan na talaga ng gabi.

"Is it really okay?" Alanganin kong tanong.

Agad na lumawak ang ngiti ni Christian kasabay ng sunod sunod na pagtango niya. He opened his door and jog to the other side to open the door for me.

"Thanks." Sambit ko.

"I think Sancho must have forgotten about you. Ang alam ko ay may important business metting siya with the Lopezes." He stated while driving.

Naagaw nun ang atensiyon ko. Medyo nakahinga ako ng maluwag kasi wala namang nangyaring masama sa kanya at mukhang abala lang sa trabaho.

"Lopez." Bigla kong saad ng matanto na Lopez ang kabusiness meeting niya. Kung ganoon ay si Janine? O ibang Lopezes ba iyong tinutukoy ni Christian.

I want to ask him more but I refrained myself from doing it. Ayokong magmukhang kawawa, ano. Magmumukhang wala akong alam tungkol aa asawa ko. Though, I am not sure if Christian knows about my contract marriage with Sancho.

"Do you like him?" He suddenly asks.

Ilang minuto kaming natahimik bago niya itanong iyon sa akin.

"I do." Nagbuntong hininga ako. Hindi ko kayang tumingin sa kanya.

Sancho is like a light in my darkness. Ipinakita niya sa akin ang mundong hindi ko kaagad nasilayan. I wonder if I did not met him that night, would I be free like this?

"Guess that's my cue. Mukhang wala talaga akong laban sa kanya." He whispered but I heard it.

Namilog pa ang mata ko, hindi makapaniwala. I have no idea about infatuations and love but I know that what he said was an indirect confession.

"I-I... What--" he sighed, interupting me. "It's fine. Crush palang naman kita. Atleast now I know that I have no chance."

Nagkamot siya ng batok gamit ang isang kamay. Namumula ang tenga niya at kitang kita ko iyon. Christian is a great guy. Hindi ko man alam kung ano sila ni Sancho ay alam kong mabait siya. I still want to be friends with him.

"I'm sorry..." I trailed. Nag-iwas ako ng tingin. Nangingilid ang luha ko.

This is my first time rejecting someone. Ang hirap pala lalo na kapag itinuring mo ng kaibigan. I have a very few friends. Mabibilang lang sila sa kamay kaya naman sobrang pagpapahalaga ang ibinibigay ko para sa kanila. It hurts to think that after this I might lose my friendship with him. Isa siya sa kaibigan ko at ayokong matapos iyon ng dahil dito.

"Dito ka nalang, 'no?" He asked without looking at me.

Nasa lobby na kami ng condo unit ni Sancho. Napabuntong hininga ulit ako. Ang bigat naman nito sa puso.

"I'm really sorry, Christian. I still want to be friends with you... Ayokong matapos ang pagkakaibigan natin---"

"I don't think I can do that, Anna. Maybe someday but not now. Sa ngayon, thank you for coming into my life, it was nice to meet you." He said softly then pulled me for a hug.

Yumakap ako at nang bumitaw sa yakap ay guilty akong tumingin sa kanya bago bumaba mula sa sasakyan. He did not wave or said anything. Pagkasara ko ng pinto ay pinaharurot niya na ang sasakyan palayo.

I sighed heavily. Maybe this is how life works. Kailangan mong bumitaw sa mga taong hindi ka na kayang pangahawakan. Maybe letting go will result to more better situation.

Taming The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon