Kabanata 9

10.5K 221 22
                                    

Kabanata 9

College


Inaantok kong kinusot ang aking mata. Nagising ako ng tanghali na. Hindi pa maganda ang pakiramdam ko dahil sa jetlag.

Inihatid ako ni Christian sa hotel room namin ni Sancho. Nagpasalamat ako at nangako rin siya na magkikita pa ulit kami sa pilipinas.

Inasahan ko na pagpasok ko ay madadatnan ko doon si Sancho ng gabing iyon pero wala. Si Gardo lang ang naroon at sinabihan ako na magkasama si Sancho at Janine, matapos iyon ay umalis din naman siya.

Nang gabing iyon umiyak lang ako dahil sa sama ng loob. It's not like it's something to me but I am so upset by the fact that he doesn't care about me. Kinaumagan naman ay hindi ko na iyon inalala pa. I shouldn't think about that.

Gardo entered the room with my plane ticket. Bilin daw ni Sancho na iuwi na ako habang maiiwan siya rito dahil may aasikasuhin pa. I know that it is only a reason but he's really with his woman. Siyempre susulitin na niya na magkasama sila. If I only know they are enjoying each other's warmth.

"Miss Anna, nakahanda na po ang almusal." Saad ng kasambahay ni Sancho.

"Susunod na ako." Sagot ko.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at nag-ayos. Sancho is still not here. Naboboring ako at balak ko sanang simulang magtanim dito sa bakuran ng mansiyon niya. Sa side ng balkonahe ko. Magandang tumanaw doon kapag may mga namumulaklak ng halaman.

Bumaba ako para kumain. Tahimik ang lahat. Si Gardo ay nakatayo na naman sa gilid habang parang robot na nakatingin sa kawalan. Parang CCTV ko 'yan. I am sure that he's reporting me to his devil boss. Inis ako sa kanila dahil doon. Bahala sila.

After eating, I decided to go out the garden. As usual, Gardo followed me. Bitbit ang radyo sa isang kamay at nakabulsa ang isa ay sumusunod siya hanggang sa maupo ako sa kahoy na duyan.

"I won't escape, just in case that's what you are thinking." Kibit ko sa aking balikat.

Tiningnan ako ni Gardo pero nag-iwas rin ng tingin kalaunan.

"P'wede bang magtanim dito?" Tanong ko habang sinisipat ang mga nalanta ng halaman sa paso malapit sa kinatatayuan ko.

"Walang bilin si Mr. Monroe, miss." He spoke.

Umirap ako at tumayo na para lapitan ang mga paso.

"Come on, I am so bored. Kung hindi mo ako hahayaan na magtanim ay baka makaisip pa ako ng escape plan." Saad ko sa seryosong tono. Takot ko lang na tumakas rito. Baka isang yapak ko aplang sa labas ng bakod ay nabaril na ako sa ulo.

I'm happy that Gardo agreed to my wish. Kinahapunan ay may mga halaman na nakalagay sa tabi ng mga paso. Ililipat nalang iyon at saka p'wede ng i-maintain.

Naisip kong maglandscape sa parte ng hardin na iyon kaya sobrang abala ako. Tatlong sunod sunod na araw akong nagbilad sa araw para gawin ang landscaping. Nagsearch pa ako ng magandang design para doon. Sa ikaapat na araw ay masama na ang pakiramdam ko. Patapos naman na ang garden kaya tiniis ko nalang ang bigat ng ulo habang ginagawa ang paglipat ng mga orchids.

Gabi ng araw na iyon ay pagod na pagod ako at masama na talaga ang pakiramdam. Walang ganang kumakain ako sa kusina ng marinig ko ang mabibigat na yabag ni Sancho papasok sa kusina.

Wala akong balak na pansinin siya pero kaagad siyang dumiretso sa akin. Hinila niya ang buhok ko para iharap sa kanya. Napadaing ako kasabay ng pagharap ng ulo sa kanya. His lips immediately landed on mine. His kisses are rough and punishing. I feel like I am getting drunk just by those deep kissing. Sinubukan ko siyang itulak ng maalalang sinisipon ako at baka mahawaan siya epro hindi siya natinag.

"Sancho!" I shouted in between his rough kisses.

"What baby?" He asked back.

"Stop!" Pigil ko sa kanya.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya napapikit ako ng mariin.

"Sancho, may sakit ako." Saad ko saka inilayo ang ulo niya sa akin.

Natigil naman siya at tiningnan ako ng mariin. His jaw clenched at he stares at me. Napalunok ako. Mukhang pagod siya at konti lang ang tulog. Nag-iwas ako ng tingin bago pa ako mahulog sa kanyang titig.

"What happened?" He asked.

He stand straight then held on my forehead to check on my temperature. I flinched at his sudden warmth.

"Anong ginawa mo rito at nilagnat ka?" Bigla niyang tanong sa medyo galit na boses o baka guni-guni ko lang iyon.

"Wala lang ito." Pinalis ko sa kamay niya.

"Gardo reported that you were busy planting in the garden. Hindi mo na dapat pa ginawa iyon." He said, now, anger is lacing his voice.

"I was bored. Mas gusto kong kumilos kaysa humilata nalang sa kwarto ko." Nakasimangot kong saad. Suminghot ako saka niligpit ang pinggan kong hindi gaanong nabawasan ang laman dahil wala akong panlasa.

"You shouldn't over do yourself. Sa susunod na mangyari ito ay makakatikim ka na ng parusa sa akin. I own you so you can't just do what you want, young lady." He said then pulled me to him.

Napatili ako ng pangkuin niya ako. Napahilig ako sa kanya at nag-init ang pisngi ko. Parang nung nakaraan lang ay kasama niya si Janine at paniguradong gumawa sila ng kung ano ano sa new york tapos ngayon ay heto siya't buhat buhat ako.

"You should rest now." He said then laid me on my bed.

Napatango ako sa kanya.

"What are you doing?" Tanong ko ng makita kong hinuhubad niya ang kanyang damit.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Dito ako matutulog."

"Ha? Hindi p'wede, Sancho!" Bumangon ako. "Mahahawa ka sa sakit ko!"

"I don't care." Tanging sagot niya saka pumasok sa aking bathroom.

Paglabas niya ay may dala na siyang bote ng gamot at pinagsalin na ako ng tubig mula sa pitsel sa bedside table. Iniabot niya iyon sa akin at siya pa ang nagpainom. Parang bata akong sumusunod sa gusto niyang mangyari.

"I will let you attend a university for your college. You should rest and then we will go for your interview." Saad niya na parang maliit lang na bagay iyong sinabi niya.

Literal na nanlaki ang mata ko at hindi ko napigilan ang sayang umusbong sa dibdib ko. Makakapasok na ako sa eskwelahan!

"Are you serious?" Nakangiti kong tanong.

"I already fixed your papers. Your interview is the the last process then you can start on monday." He said then laid next to me.

Taming The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon