Kabanata 15
Collection
Naging hatid sundo sa akin si Sancho. Minsan ay maaga siya ng dumadating sa University at malakas pa ang loob niyang pumasok sa loob at sa labas ng room ko pa siya mag-aantay sa akin. Gusto ko naman iyon, ang kaso lang ay marami siyang naaagaw na atensiyon. May ilan pa akong nakikitang lumalapit sa kanya para yatanmagpapicture o humihingi ng number niya pero iniilingan niya lang. Kahit ngiti ay hindi niya pinagbibigyan.
"I told you that it's fine if you won't pick me up. Busy ka sa work." Salubong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at nilaro ang singsing doon.
"I want this. Isa pa, gusto kong makita kung may umaaligid sa'yo." Saad niya.
Napahalakhak ako sa mga kalokohan niya. Ito ang isa sa napapansin ko sa kanya. Ayaw niyang may nakikita siyang malapit sa akin, maliban sa kanya. Kahit kay Caddie ay inis rin yata siya pero hindi naman niya ako sinasabihang layuan ko ang kaibigan. Hindi ko gusto kapag nangyari iyon.
"Ikaw talaga." Tawa ko sa kanya.
"Kain tayo sa labas ngayon." Saad niya.
It was a sudden decision. Bibihira lang itong magyaya siya na sa labas kami kumain kaya pumayag na ako. Dinala niya ako sa isang French restaurant. Alam niya na gustong gusto ko ang mga ganoong pagkain.
"I've been thinking of buying you a car. Is it okay?" Kumakain na kami ng magtanong siya.
May kotse naman ako na ginagamit pero sa kanya iyon. Naisip ko rin ang tungkol sa sariling sasakyan noon pero ngayon ay parang masasayang lang yata iyon.
"Okay pa naman iyong isang sasakyan, ah?"
"New collection?" He smirked.
"Tsk. Hindi ko gustong mangolekta ng sasakyan, sayang sa pera, Sancho."
"I just want the best for you." He smiles genuinely to me.
Naghurumentado nanaman ang puso ko sa kanyang sinabi. He really got his way to my heart. Paanong noon ay ang sama ng ugali niya? Kaya naman pala niyang maging mabait.
Pagkatapos kumain ay niyaya niya pa akong mamili ng mga damit ko raw at sapatos. Ayaw ko sana pero namilit siya. Sa huli ay namili nalang kami ng kaunti. Pag-uwi sa condo niya ay diretso agad ako sa bathroom para maligo.
I am simply happy by our set up. Wala na ata akong mahijiling pang iba dahil sobra sobra na ang ipinaparamdam niya sa akin.
Naging abala ako sa finals namin sa school. Pansin rin ni Sancho ang stress ko kaya lagi niya akong sinasabihang magrelax kahit saglit. Sometimes he would distract me for a kiss and then talk with a light conversation. Naging effective naman yung relaxing technique niya dahil nakakalimutan ko ng panandalian ang stress.
After my exams, our block decided to have a party. Isang bar ang nireserve para sa gabing iyon. Caddie is so excited. Siya pa ang tumulong sa pagdadamit at pag-aayos ko.
Nagpaalam ako kay Sancho kahapon at sinabi niyang okay lang basta naroon lang si Gardo sa malapit. Mukhang may isang malaking project siya this month dahil abala rin siya sa trabaho. Minsan ay nadadatnan ko siyang gising pa ng madaling araw sa study habang abala sa kanyang laptop.
"Drink more!" Si Caddie na nag-abot pa sa akin ng alak.
Sanay na sanay talaga siya sa ganito.
"Flynn will be here later! You should hang out with him!" Halakhak pa ni Caddie.
Umiling ako sa kanya. Ayokong magalit nanaman si Sancho. Mayamaya ay umalis na si Caddie para makisayaw sa kanyang bagong kilala. Thankfully, she left me. I took the opportunity to escape from Caddie.
Lumabas ako mula sa bar patungo sa lounge area. I am a bit dizzy because of the alcohol drinks. Humawak ako sa gilid ng sofa ng bahagyang umikot ang paningin ko.
"Oh God." Bulong ko sa sarili.
"Ops, sorry!" Saad ng isang babae na nakabunggo sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay si Janine iyon.
"Anna?" She asked then held my arm a bit tight.
"You're here getting drunk, huh? Nasaan si Sancho? I didn't know you can be this low. Hindi ako makaisip ng kahit isa man lang na rason kung bakit ka nagustuhan ni Sancho. You are so far from his standards." She bitched out.
Hindi ko naman napigilan ang pag-usbong ng galit sa aking sistema. I get that she's the first one in Sancho's life and I can't blame her. Ito rin ang ipinag-aalala ko noon pa. Kahit na alam kung may kung ano sa pagitan namin ni Sancho ay hindi niya parin nililinaw kung anong meron sila ni Janine. Now I realized that maybe he's having us both. Hindi niya kayang bitawan si Janine at reserba naman niya ako.
I smirked with disgust. Bakit hindi ko kailanman naisip ito noon at ngayon lang pumasok sa isip ko ang ideyang ito. I am such a fool.
"Alam ko ang tungkol sa inyo." She suddenly stated. "Do you think he agreed to marry you because he wants? So... Here's the truth little princess, he wants you business and that's what he---"
"Anna! Kanina pa kita hinahanap!" Biglang hinila ni Caddie ang palapulsuhan ko kaya nahila rin ako.
"Wait, Caddie! I have to talk with Janine!" Pigil ko sa kaibigan pero hindi naman ito nagpatinag.
"Bitch." Janine mouthed to me when I look back to her.
Hindi nakaligtas sa akin iyon kaya nabagabag ako sa pakikitungo niya. Did Sancho told her about our setup? Pero bakit naman niya sasabihin kay Janine? Isa pa, kung sila pa hanggang ngayon, e'di ano niya ako?
Ininom ko ang mga bumabagabag sa akin. Sobra sobra ang mga nakakainis na ideya ang pumapasok sa isip ko. Maybe he's not really busy with work. Baka kapag sawa na siya sa akin ay kay Janine naman siya umuuwi?
Ayokong mag-conclude pero doon patungo ang lahat ng ito. Kung wala na naman kasi silang relasyon ay dapat na linawin ni Sancho sa akin iyon. Though, Sancho is not really vocal on what he feels. Hindi ko siya kailanman na nagtapat kung anong nararamdaman niya kaya tingin ko ay baka wala naman talaga.
Ginagawa niya lang ito dahil kay Papa. Bakit ko nga ba kinalimutan ang katotohanang pambayad lang naman ako ni Papa sa kanya at kahit kailan ay hindi niya ako mamahalin ng gaya ng pagmamahal ko sa kanya. I am just like a collection to him. Binili at kapag sawa na ay iiwan nalang o kaya'y itatapon.
BINABASA MO ANG
Taming The Devil's Heart
Teen FictionAnna Eleanor Sanchez is sheltered inside their own house. She's not allowed to go out and to socialize with other person. Just one night, everything changed. Awoken by the chaos inside their house, she came up face-to-face with the ruthless man with...