Kabanata 18

10.4K 230 10
                                    

Kabanata 18

Pretend


I cried all the way to Papa's house. At first, I am hesitant to go home because I think Papa won't like it but I have nowhere to go except our house.

Madilim na madilim na habang nasa daan patungo sa mansiyon. Pasado isang oras na ang pagdadrive ko. Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan si Gardo mula sa parking lot kanina pero nagawa ko.

Marahas kong pinunasan ang panibagong luha na tumulo sa aking pisngi.

Just stop being so sullen, Anna Eleanor. If he really planned all of this then he didn't deserve you. Dapat lang na layuan mo ang taong katulad niya.

Maybe someday after you heal, you can still find someone who you deserves and deserves you.

"Diyos ko! Anong nangyari sa'yo, anak?" Gulat na bungad sa akin ni Manang ng pagbuksan niya ako ng pinto.

Kaagad akong yumakap sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa kanyang balikat. Ayoko mang mag-alala ang ang matanda sa akin ay hindi ko mapigilan ang tuloy tuloy na luha.

"Pumasok muna tayo, hija." Hila niya sa akin.

I am hiccupping because of too much crying. Unti-unti kong kinakalma ang sarili. I have to pull myself together. Bukas na bukas ay kakausapin ko si Papa at gagawin ko ang lahat para ako na mismo ang makakuha ng annulment mula kay Sancho.

If kneeling and begging is my last resort, I am willing to do all of it.

"Ayos ka na ba? Teka at uminom ka muna." Iniumang ni Manang ang baso na may tubig sa aking mga labi.

After few minutes of trying to calm down, my cries subsided. Hindi ako makatingin ng diretso kay Manang.

"Kung ayaw mo pang magsabi ay hindi na kita tatanungin, anak. Mabuti pang ipahinga mo na muna iyang mga alalahanin mo. Bukas ay magigising ka na malayo na ang emosiyon kaysa ngayon." She smiled then guided me to my old room.

Inalalayan nuya ako maging sa aking paghiga. Pumikit ako ng mariin ng makita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Manang na siyang tumayong pangalawa kong nanay. I bit my lips when I felt the brimming tears.

"Sige na, matulog ka na." She hummed a soft song to me.

It was effective and she was right. Right when I opened my eyes, all of my emotions yesterday are gone. It's like I did a reset on my mind.

Nagbuntong hininga ako. I'll talk to Papa later after breakfast. Gusto ko rin sanang lumayo muna para makalag-isip. Kung kakampi sa akin si Papa sa pagkakataong ito ay susubukan kong magpaalam kung p'wedeng magbakasyon ako ng kahit sandali lang.

Wearing my short denim skirt and knitted top plus walker, I entered the kitchen. Papa is busy cooking something when I saw him.

"Pa..." I called and got near him.

Nagulat pa siya at bahagyang napatigil bago ako nilingon.

"Anak!" He seem so surprised.

"Pa..." My tears formed again.

"What's wrong?" Kunot ang noo niya. Binitawan niya ang sandok at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Papa, I want to be away from him. It hurts." Agad kong saad ng walang pakundangan.

Nahulog na ang butil ng luha habang nakayuko at nasasaktan. Papa opened his arms, offering an unexpected hug. I hugged him back.

"I don't know what to do, Papa." Humihikbi ko ng saad.

Sancho and Janine's conversation yesterday keeps on playing on min mind. Kung ano ang plano ni Sancho at ang rason kung bakit niya ako gustong pakasalan ay para makuha ang armory ni Papa.

"Please stop pushing me to Sancho. Ayoko na po, Papa." My heart beats painfully at the thought.

I inhaled sharply. Papa was about to answer when our telephone rings loudly. Sinagot kaagad ni Manang iyon bago pa mapigilan.

"Sir? Po? Nandito po. Kagabi pa po, sir..." Umangat ang tingin sa akin ni Manang.

Kumakabog na ngayon ang dibdib ko habang nakatingin kay Manang. I shook my head, ayokong kausapin siya ngayon.

"Sige po, makakarating." Magalang na sagot ni Manang sa kanya.

It's funny how the olds are respecting him out of fear. Kung hindi ko lang rin siguro siya nakilala ng matagal ay baka takot parin ako sa kanya hanggang ngayon.

"Si Sir Sancho, hija. Uuwi daw siya dito at mag-uusap kayo." She relayed the message.

Bumuntonghininga ako at nilingon si Papa. Nakatitig siya sa akin at mukhang tinatantiya ang reaksiyon ko ngayon.

"May problema ba kayo?" He asked now.

"I want an annulment, Papa." Mahinang saad ko.

Labag man sa loob ko ay iyon ang dapat kong gawin. I am confining their happiness. I am the intruder of their relationship, ako rin dapat ang umalis.

Tinikom ni Papa ang kanyang bibig. Gulat sa aking hinihiling. He sat down on the chair.

"I never thought that I did something terrible to my only one daughter." He suddenly said. "Akala ko ang ipakasal ka kay Sancho ay ang magiging daan para makaalis ka sa malungkot na mansiyon na ito."

Humarap ako kay Papa at hinawakan ang kanyang kamay.

"Papa, the happiness I want will always depends on me. Hindi mo iyon makokontrol kagaya nang hindi ko rin makokontrol ang kaligayahan mo." I softly said.

"Patawarin mo sana ako sa pagkakamali ko... Patawarin sana ako ng mama mo." Basag ang boses ni Papa at namumula na ang mga mata.

"You are the only family I have. Paano ako makakapagtanim ng sama ng loob sa'yo gayong mahal na mahal kita at si mama." Ngumiti ako kay Papa ng magtama ang paningin namin.

A tear escape his eyes. Hinila niya ako para sa isang yakap.

"Tatawagan ko si Attorney at kakausapin natin siya para sa annulment. Bukas na bukas rin ay darating dito ang mga papeles. I am so sorry about this, hija." Malungkot na saad ni Papa.

Umiling ako. "Maybe what we have is not that deep. We don't deserve each other." Mapakla kong saad.

Nung una palang ay alam ko na ang patutunguhan ko. It was impossible to make him like me but he did, if it wasn't a lie. Ngayon, hindi ko na alam kung alin sa mga sinabi niya ang hindi kasama sa pagpapanggap niya. 

-------

Note: Nagkaerror yung una.

Taming The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon