Kabanata 8
Compared
I felt how Sancho tensed as he heard her name. Kahit ako ay hindi rin napigilan ang paglingon sa stage.
Janine's aura is intimidating yet soft. Hindi ko maexplain kung paano niya napapalabas ang sarili niya sa ganoong paraan. Or maybe because I don't usually see someone as beautiful as her? Mga maids at si Papa lang ang lagi kong nakikita sa personal kaya malamang ay isa ring dahilan iyon.
"Hindi ka ba gagawa ng paraan para hindi siya makuha ng iba?" Tanong ko ng mapansing nagsisimula ng magbid ang iba't ibang lalaki.
Panigurado na kapag lalaki rin ako ay hindi ko panghihinayangan ang pera na magagastos ko kung ganyan kaganda kay Janine ang makakadate ko.
"I'll bid later." He whispered in a low voice.
Hindi mawala ang tingin niya sa harap. Kinuha niya ang phone niya at nakita kong nagtipa siya doon ng mensahe. Maya't maya pa ay lumapit na si Gardo kasabay ang isang matandang lalaki na may suot na mamahaling fur coat. Nang magtama ang paningin namin ng matanda ay kaagad itong ngumiti sa akin.
"Mr. Monroe, good evening!" Matinis ang boses ng matatandang lalaki, halatang iniipit niya ang boses para pagtunuging maliit.
Nilingon lang siya saglit ni Sancho. Bumalik muli ang atensiyon nito sa harap.
"You are?" Baling sa akin ng matanda.
Napadikit ako kay Sancho dahil kinakabahan ako sa klase ng tingin ng matanda.
"Oh, I'm sorry, I forgot my manners. I am Hermes, the organizer of this event!" He squealed in excitement.
"I'm Anna Eleanor." Mahinang saad ko at nagdesisyong hindi tanggapin ang kamay nito.
His brows arched at me. "I want you, young lady. Maganda at mukhang mamahalin. I wonder if no one owns you?" He said like he was pertaining to someone, or should I say to the man standing next to me.
"You should see my art pieces. I'll auction it later so you should see it now." Biglang suhestiyon nito.
Nilingon ko si Sancho at bahagyang hinila ang dulo ng kanyang tux.
"Can I borrow her for a minute, Mr. Monroe?" The old man asked him.
Walang interes na tumango naman si Sancho na ikinadismaya ko. How can he agree just like that?
Sa huli ay sumama nalang ako. Siguro naman ay nakasunod lang si Gardo sa akin.
Pumasok kami sa isang double doors at bumungad sa akin ang naggagandahang alahas at mga antique na bagay. May mga magagandang gowns rin na nakahilera sa isang banda ng malaking silid. What caught my attention is the girls sitting on the other side. May mag nag-aayos sa kanila at abala sila sa kanya kanyang tingin sa salamin.
The old man clapped his hand to get their attention. Bahagya niya akong itinulak sa harap niya at sinipat ako.
"She's going to be the final piece." He said.
Napamaang ako. "What? What do you mean?" Agad kong alma.
"You will be auctioned tonight. Whoever bids to you will be your date for tonight, young lady." He said.
Umiling ako. Ayoko sa ganiyan. Hindi rin maganda ang kutob ko. Paano kapag nagalit si Sancho?
"Are you sure about her, Madam Hermes?" Tanong ng isang amerikanang kasama sa auction.
"I'm sorry. I... I don't think I am suitable for this..." I trailed.
Tumalim ang tingin sa akin ng matandang lalaki.
"You have no choice. I want you to be auctioned or do you want to die in here without anyone from outside noticing your disappearance?" He threatened.
Napalunok ako at bahagyang namilog ang mata.
Hinila na ako ng dalawang nag-aayos at sinimulang ayusan.
Nasaan na ba si Gardo?
Nanginginig ang kamay ko sa kaba. Hindi ko kilala ang mga ito at panigurado na kapag umayaw ako ay hindi maganda ang kahahantungan ko. This people seems to be dangerous. Kailangan kong makisakay sa kanila lalo na itong matandang lalaki na 'to.
Nangingilid ang luha ko ng oras na para sa akin. I stood frozen on the platform while it is elevating to the stage. Tumapat sa akin ang mainit na spotlight at nasilaw ako kaya napapikit ako.
"The final woman for tonight, Anna Eleanor Sanchez! Bid starts at ten million!" Saad nung Hermes sa mikropono.
"Fifteen million!" Sigaw ng isang matandang may puting buhok.
"Eighteen Million!" Isang lalaki na sa tingin ko ay matanda lang ng konti sa akin.
"Twenty million!"
Inilibot ko ang tingin sa paligid ng audience. Hinahanap si Sancho o kaya si Gardo. Right now, they are the only person who can help me get out of this.
"Thirty million! Is this the final?" I heard Hermes announced.
The loud countdown on the screen is making me nervous.
Natanaw ko si Sancho na nakatingin sa akin. Nasa tabi niya si Janine na nakakawit sa kanyang braso at nakangiti rito ng matamis. I felt how my heart drops at the sight of them. Malamang sa malamang ay kay Janine talaga siya magbibid at hindi sa akin.
"Anna Eleanor is sold by Mr. Christian Wright! Congratulations!"
Sabay sabay na palakpakan ang narinig ko. I was so disappointed. Sancho only stares at me with no emotions. Nanlamig ako.
I thought he's the only one who I can look up to but I was wrong. Hindi niya ako tutulungan sa mga ganitong pagkakataon. I am just a payment of my father's debt. Wala lang ako sa kanya at madali lang akong i-dispose kapag hindi niya na kailangan.
Sumalubong sa akin ang ngiti ni Christian.
Still, I am thankful that he's the one who bought me for tonight. Atleast alam ko na hindi ako mapapahamak sa kanya. He seems like a good man. I can trust him, right?
"What do you want to do? We have the whole night." He said while walking me to the exit.
Nadaanan lang namin si Sancho na walang pakialam. Janine waived her hand on me. Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso na palabas pero bago kami tuluyang makalabas ay nilingon ko ang dalawa. They are kissing now.
Para akong kinurot sa puso ng masaksihan ko 'yun. Ba't niya pa ako dinala dito kung ganito naman?
"P'wede ba tayong gumala sa time square?" Tanong ko kay Christian ng pasakay na kami sa Lamborghini niya.
"If that's what you want, my lady." He said then winked at me.
Natawa lang ako sa ginawa niya saka tuluyan ng pumasok sa sasakyan.
Naglakad-lakad kami doon. Marami akong kinakaaliwan habang naroon kami at tahimik lang naman na nakasunod sa akin si Christian. Kumain kami sa isang restaurant at ng matapos ay naglakad lakad ulit kami. Hindi ko alam kung pansin ba ni Christian na wala ako sa mood na makipagbiruan dahil hindi naman siya nagtanong ng kahit ano, nagtuloy lang kami sa paglakad lakad at pagtingin-tingin. I only stopped when I saw Janine on the big screen upfront. Nagmomodel siya at magandang maganda doon. That's why Sancho like her. She's independent and famous. Bagay sa kagaya niya. Not like me who's very innocent and nothing to be proud of.
BINABASA MO ANG
Taming The Devil's Heart
Teen FictionAnna Eleanor Sanchez is sheltered inside their own house. She's not allowed to go out and to socialize with other person. Just one night, everything changed. Awoken by the chaos inside their house, she came up face-to-face with the ruthless man with...