Chapter 2 - Unang araw / Under edited

618 23 0
                                    

NAPAINAT siya ng katawan matapos nilang huminto sa tapat ng D.D university matapos ang isang linggo napag pasyahan niyang pumasok sa School kung saan ito pagmamay-ari mismo ng yumaong niyang Lolo na ngayon ay pinamana na sakanilang mag kakapatid bago ito pumanaw.

Hindi niya nais na pumasok at makihalubilo sa mga tao pero wala rin naman siyang pag pipilian pa lalunat siya rin naman mismo ang nag rikominda sasarili na pasukin ang mundo ng mga tao bilang isang normal na mag aaral.

Dito niya ninais manirahan kaya dapat lang niyang libangin ang sarili upang kahit papaano ay mas mabantayan niya ang tinirahan at pagaari ng kanyang lolo at ama.

"Narito na po tayo ma'am Devon. " Pumaling siya kay Sandro na walang emosyon ang mukha bago siya tumango. Saka tumingala sa malaking building.

Lumaman iyon tingnan pero hindi naman kakaayawan ng lahat lalunat malinis ang kapaligiran at napakaaliwalas sa loob animoy kahit wala na ang kanyang lolo upang bantayan ang pinatayo nitong Unibirsidad ay naroon parin ang ganda at kaayusan ng Paaralan Talagang alagang alaga ito.

"Balikan mo ako pagkatapos ng klase. "

"Sige po. " Matapos no'n mabilis na siyang lumabas mula sa sakyan.

Tila walang nakapansin sa paglabas niya sa isang magarang sasakyan, lalunat abala ang lahat sa ginagawa ng mga ito laluna ngayon ito ang unang araw na papasok siya sa paaralan.

Nang makapasok siya sa loob sumalubong sa kanya ang malakas na hangin na tumatama sa kanyang mukha, ninamnam niya ang lamig no'n at hindi rin naman nakaligtas sa kanya ang iilang mga mapanuring mga tingin at bulungan.

Subalit wala na siyang pakialam pa roon. Basta pumasok siya sa school hindi para pakialaman kung anoman ang ginagawa ng mga ito.

Nais niya lang maranasan kung ano nga bang pakiramdam na makihalubilo sa mga tao gaya ng ginawa ng kanyang mga magulang at lolo noong mga nabubuhay pa ang mga ito.

Ilan lamang ang nakakaalam na siya ang apo ni Herors Teos Demonic. Laluna hindi niya talaga pinagkalat ang pagkatao niya gayon alam naman din niya na sikat ang pamilyang Demonic sa Bayan ng Santa Barbara. Dahil hindi lang naman di siya ang ka una-unanahang nanirahan sa mundo ng mga tao kundi ang mga magulang at mga tito niya.

Mas matagal nanakasama ng mga ito ang mga tao. Namuhay bilang isang normal na tao nag trabaho at nagkaroon ng sariling nigosyo kaya mas lumaki ang kumpanya ng mga Demonic naging sikat sa Bayan nila dahil na rin sa nagawang tulong ng mga ito sa ibang mga mahihirap maging ang University na ito ay nakilala rin ng lahat walang pinipili mahirap kaman o mayaman.

Ngunit salikod ng mga kabutihang pinapakita nila. ang maskarang nakatago salikod ng maganda at maamo nilang mga mukha nakatago ang halimaw na hindi nanaising makita at malaman ng lahat.

Tuloy lang ang kanyang lakad hindi na lamang niya pinag papapansin ang ilang mga bulungan at mga mapanuring mga tingin.

Napabuntong hininga na lamang siya ng makapasok siya sa loob.

Damn.

Alam mo yung pakiramdam na parang dumadaan ka sa pagsusulit dahil bawat kilos o galaw niya ay nakasubaybay ang lahat.

Ganto ba ang pakiramdam na pagusapan at lahat ng mga mata ng mga mag aaral sa DD University ay nakamata lahat sa bagong dating.

Well ngayon palang unang araw niya nag iinit na ang ulo niya. She really hate attention.

Fuck.

©Rayven_26

DEVON ( Demonic Series 1 ) wattys2018/ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon