Chapter 26 - Jealous

266 10 1
                                    

***

"Tch. Akala ko panaman kapag pumunta ako dito papayag kanang makipag date sakin. " Naka ngusong sabi nito habang naka pangalumbaba.

Wala naman siyang imik na malayo ang tingin mula sa labas ng University.

"Hello? May kausap ba ako dito---"

"Buti pinapasok ka? " Ani niya. Ngumiti ito bago siya kindatan.

"Ako paba? Wala ka talagang bilib sakin. "

"Si kuya Rafael ba---"

"Nope. Si sir Colf. "

"Seryoso pinayagan ka ni tanda? "

"Oo naman baby, saka sinabi ko na bibisatihin lang naman kita dito---"

"Baby-hin mo yang mukha mo. Ano nga ang sadya mo at naparito ka? " Napakamot ito sa ulo bago alanganing ngumiti.

"Actually kaya ako naparito talaga ay mag papaalam lang sana ako sayo. " Limingon siya dito habang nakataas ang mga kilay.

"At saan naman ang lakad mo? "

"Dev. Ikakasal nako. " Napamaang siya bago napatawa ng malakas subalit agad din siyang napa tigil ng makita ang kaseryosohan sa mukha nito.

"Are you fucking serious? " Sunod sunod itong tumango buong akala niya pamandin ay nag bibiro lang ito dahil nakasanay niya na rin na kapag nag kikita silang dalawa ay lagi itong nag bibiro.

Ngunit ng masuri niya ang mukha nito wala siyang makitang nag bibiro ito.

"Yeah.. Hihilingin ko sana bago ako ikasal, puwede bang mag date naman tayo kahit isang araw lang. "

"Tch. Ikakasal kana lahat lahat yan padin iniisip---"

"Devon. Buong buhay ko ikaw lang ang pinangrap ko. bata palang ako gusto na kita kahit di mo ako pinapansin nag pursige padin ako. ang kaso mo kahit anong gawin ko dimo padin ako mapansin noon, at ng malaman kong may nakatakda na para sayo halos gumuho ang mundo ko. Kaya kahit isang beses lang pagbigyan mo naman ako sa hiling ko bago ako bumalik ng Vamwolf. "

Napabuntong hininga siya  saka muling lumingon dito. Bago ginulo ang buhok nito.

"Sira ulo ka talaga dumayo kapa dito sa mundo ng mga tao para lang sabihin sakin yan? Saka bata kapa non hindi ka talaga puwedeng umibig saakin. At Iniwan mo pa talaga ang ma papangasawa mo---"

"Don't worry sinabi ko naman sa kaniya ang lahat lahat tungkol sayo at na intindihan naman niya yon. "

"Buti naman kung ganon. Baka magulat na lang ako bigla siyang lumitaw dito tapos sabunutan ako. " Humalak-hak ito.

"Hindi siya ganon Dev. Mabait si Athena tulad mo. Kayat mabilis nahulog ang puso ko sa kaniya. " Masayang sabi nito habang nakatingal at punong puno ng kislap ang mga mata.

Umiibig na nga ang loko.

"We'll that's good. "

"Teka may nabalitaan din ako mula sa Vamwolf kalat na salahat na ang iniibig at magiging kabiyak mo ay isang tao. "

"Yeah."

"Ngayon lamang nangyari ito. "

"Kahit ako din naman ay hindi makaniwala. Sa dami ng puwedeng itakda sakin ay isang tao pa, pero hindi ko pinag sisisihan na isang tao ang aking
magiging kabiyak. "

"Tingin ko nga, sa kilos at kislap ng iyong mga mata ay mukhang ibig na ibig ka nga. " Sabay pa silang nag tawanan.

"So pano, kung gusto mo na akong maka date maaari mo naman din akong puntahan dito pero masmaganda isama mo na din si Athena para makilala ko din siya. "

DEVON ( Demonic Series 1 ) wattys2018/ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon