Chapter 4- Unang kabog

483 24 0
                                    

KALATNA SA BUONG  school ang bagong students na nag ngan-ngalang Devon Arish D. Na pumasok mula sa Class -A1 kilala ang Class - A1 sa pinakamagulo at pinaka walang modo na mga studyante  at kilalarin ang section na ito sa larangan nang pakikipag basag ulo at laging na tatawag mula sa guidance office. Sa pagpasok ni Devon sa section na ito ano kayang mangyayari? gayon nag uumpisa palang ang pakikipag sapalaran niya sa mundo ng mga tao.

"Narinig mo yung balita? "

"Oo rinig ko kalat na kaya sa buong school my god, buti nakapasok siya na ganon ang itsura niya. "

"Tch. Malay mo naman, saka wala naman pinipili ang school na ito mahirap man o mayaman panget man o mukhang chaka no puwedeng puwede. "

Sabay nag tawanan pa ang mga ito saktong pagdaan niya pagpasok ng cafeteria ang maingay na cafeteria ngayon ay tumahimik na dahil sa pagdating niya.

Lunch break nila kaya dumiretso agad siya sa cafeteria upang bumili ng mansanas tanging yun lang ang pagkain na tinatanggap ng kanyang sikmura lalunat bampira siya hindi siya maaaring kumain ng pagkain ng tao.

Nang makabili siya nag pasalamat siya sa babae at nagpasalamat rin na may mansanas roon na pupuwede niyang bilhin at kainin.

Subalit hindi paman siya nakakahakbang ay may bigla na lamang pumatid sa kanya kay ang nangyari bumangga siya sa isang lalaking naka upo habang may hawak itong juice at hindi sinasadyang na itapon nito ang hawak. Fuck!

"What the hell!! " Galit na sabi ng lalaki bago tumingin sa kanya ng masama.

May ilan naman nanapa singhap at napa "oh"  na lamang dahil sa insedente.

"Pasensya na---"

"Pasensya na? Tingin mo mababayaran mo ang paghingi mo ng pasensya sa ginawa mo sa
uniform ko!? " Bulyaw nito habang walang emosyon niya lang itong tiningnan.

"Jigs.. Puwede ba huminahon ka nga muna---"

"Shut up Ole! Tingnan mo ginawa ng babaeng ito
sa damit ko! "

Tumaas ang kilay niya, gago pala ito hindi nga niya sinasadya hindi ba. Ano bang pinuputok ng itlog ng gagong ito kung makapag reak wagas.

"Hindi naman niya sinasadya. "

"I don't care! Kay bagobago lang pero tatanga tanga na buwisit! "

Galit parin na sabi nito habang ang mga kasama naman nito ay napa iling na lamang gayon rin ang isang lalaki na tahimik lamang sa isang tabi habang naka tingin sa kanya.

Agad naman din siyang nag iwas ng tingin mula sa lalaki dahil hindi niya mawari pero ng magtama ang mga mata nila bigla na lamang kumabog ng mabilis ang puso niya, kakaibang bilis iyon. Fuck.

"Ah.., miss pag pasensyahan mo na ang kaibigan
ko ah.. " Hinging paumanhin nung isang lalaki.

Tumango lang siya bago siya tumalikod matapos niyang makahingi ng pasensya sa nag ngangalang Jigs subalit hindi naman din tinanggap ang paghingi niya ng sorry rito. Tch! Kaarte.

May ilang siyang narining na mga nagtawanan mula sa kanyang likuran kayat nalaman niya ang mga ito rin ang may kagagawa kung bakit na tisod siya at na itulak niya ng hindi sinasadya si Jigs.

"Ang sama mo bruha ka.. "

"Tch. I know right. "

"Bakit mo naman ginawa yon kay bagobago lang
nong tao---"

"Sana iirita ako sa pagmumukha niya eh,
bakit ba. "

"Grabe ka May ann. " Kuyom ang mga kamao niya ng mag simula na siyang maglakad patalikod mula sa mga ito.

Damn!

Hindi siya uuwing talunan lalunat nakahanap na siya ng bago niyang bibiktimahin dahil sa ginawa nitong pamamahiya sa kanya.

Subalit bago siya lumabas muling nagtagpo ang mga mata nila ng lalaking nakaupo sa dulo habang ganon parin ang puwesto nito tulad parin ng dati malakas parin ang kabog ng kanyang dibdib.

Isa lang ang alam niya kung bakit biglang nabuhay ang puso niya at Dahil iyon sa lalaki.

©Rayven_26

DEVON ( Demonic Series 1 ) wattys2018/ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon