PAGBUKAS palang ng pinto binulyawan na agad siya ng kanilang guro dahil na late siya sa klase. Nag tawanan naman ang iba dahil sinirmonan siya ng kanilang guro.
"Pumunta ka mamaya sa office ko , hindi ko tinatanggap ang studyante ko sa
klase na laging late. "Tumango lang siya habang nakalagay ang mga kamay niya sa isang tainga fuck. May tulilig ata siya sa loob ng tainga dahil makati iyon.
"Miss Devon! Nakikinig kaba at sinong may sabing talikuran mo ako habang kinakausap kita! "
Napa mura na lamang siya matapos siyang batuhin nito ng hawak nitong notebook. Walang emosyon siyang lumingon rito, nakita naman niya ang biglang pagbabago ng expression ng mukha nito.
"Lahat ho. ng sinabi niyo' narinig at na intindihan ko hindi niyo' ho kailangan na sumigaw. at batuhin . "
Bagot niyang sabi bago siya lumakad papunta sa kanyang upuan nasundan na lamang siya ng tingin ng kanyang mga kaklase.
"Gagi ang cool ng ginawa mo Dev.
Mara nga pala. "Ani ng kanyang katabi bago nito inilahad ang mga kamay sa kanya. Ngunit tiningnan niya lamang iyon bago nito kemeng binawi ang mga kamay nanakalahad.
Wala naman din nagawa ang guro nila ng makabawi ito dahil sa kanyang sinabi.
__________________________________________________
LUNCH BREAK nila nang makasabay niya si Annica at Mayumi na papasok ng Cafeteria kayat nagkatinginan silang tatlo. Nag kibit balikat lamang siya ng makapasok sila subalit maagap siyang pinigilan ni Mayumi.
"P-puwede ba kitang makausap
sandali. ""Magkakilala kayo? " Biglang sulpot ni Annica sa likuran niya. Na hihiya naman si Mayumi na tumango.
"Sandali lang order lang ako nang makakain
Natin. " Prisinta ni Annica bago sila iwan ni Mayumi.Inilibot niya ang paningin sa buong cafeteria hinahanap ng mga mata niya si Zack nag diwang naman agad ang puso niya ng makita niya ito papasok kasama ang mga kaibigan nito at dalawang babae.
"S-salamat nga pala Devon right? Sa pagligtas mo sakin---"
"Wala yon maliit na bagay lang yon. " Sabi niya habang naka ngiti naman ito.
Muli siyang lumingon kung saan naroroon ang grupo ni Zack agad naman siyang napa iwas ng tingin ng makitang nakatingin ang isang lalaki na may hawak na libro gayon rin ang isa pang lalaki na katabi naman din ni Zack.
"Kilala mo ang grupo nila Zack? " Pumaling siya kay Mayumi.
"Hindi."
"Si Zack at ang grupo nila ang sikat dito sa school lalunat puro sila anak mayayaman. Habang yung katabi ni Jigs na nakaalitan mo kamakailan Si Megan yan at si Dona at sina Ole, Danilo, Raffaelo at si Spring maging si Lenard sila lang naman yung mga tinitingala ng lahat ng mga studyante rito. "
Napa isip siya tinitingalala dahil saan? Dahil ba anak ito ng mga bigating mga tao ganon.
"Kaano ano naman ni Zack yung Megan? " Wala saloob na tanong niya.
BINABASA MO ANG
DEVON ( Demonic Series 1 ) wattys2018/
Fantasy[ ONGOING ] DEVON ( Demonic Series #1 ) WARNING : R18+ || SPG || Mature Content ❀•°•═════ஓ๑♡๑ஓ═════•°•❀ " Wala na akong paki-alam pa kung halimaw o maligno, asawang bampira or what, basta ang mahalaga mahal kita at ako lang dapat ang lalaking mam...