Tanghali na nang nagising ako dahil sa pagpupuyat namin kagabi. I rolled to the other side of the bed and was surprised dahil wala na ang katabi ko kagabi. Ang aga naman gumising ni Cha. Napabangon ako at napakamot nalang ng ulo.
Pagbaba ko, nakita ko na silang lahat sa may dining room. Naghahanda ng pagkain si mom at tinutulungan ni Cha at ni tita. I glanced at the clock at nakitang quarter to 12 na. Wow, they didn't even bother to wake me up.
"Oh, gising na pala si Ricci!" I heard tito said. Umupo nalang ako sa tabi niya at yumuko. Ang bigat pa rin ng mga mata ko. Help me.
"Long night, Cci? Hmm, ano kayang ginawa niyo kagabi?" Asar ni Kib. Jusko, ano bang pinagsasabi nito?
"Anong ibig mong sabihin, Kib?" Sabi ni tito. Lagot ka dyan hahaha.
"Yan tito, pagalitan mo yan, kung ano ano nalang pinagsasabi niyan." Tumawa lang sila. I shrugged it off at pinagmasdan lang si Cha na nagluluto. I never knew na magaling pala siyang magluto.
Bumalik muna ako sa kwarto namin para kunin ang phone ko. Pagbalik ko, saktong sakto na tapos na silang magluto. Nagugutom na talaga ako.
"Lead the prayer, Riley." I said, tumango naman siya at nagpray ng Our Father. Ang cute talaga nitong si Riley kahit kelan.
"O sige, kain na." Mom said. Kumuha ako ng iilang putahe na saktong sakto na mabubusog ako. Susulitin ko na to. Ang gutom na kaya! Malay ko ba na gantong oras ako magigising.
"Oh si Ricci, todo kuha sa nilutong pagkain ni Lottie." Sabi ni Ahia. Ano na naman bang problema nito? Nagugutom na nga ako.
"Di ko naman alam eh, sarap kaya."
"Kayo talaga! Kumain na nga lang kayo. Wag niyo ng asarin yang dalawang yan." Resbak naman ni dad. Sinamaan ko ng tingin si Ahia na nagpatawa naman sa kanya. Baliw.
Pagkatapos naming kumain, naligo na karamihan sa'min dahil mamayang hapon ay uuwi na kami. Ayoko pang umuwi eh kaso papalapit na rin ang pasukan kaya no choice, back to reality mamen.
***
"Ready naba lahat? Wala ng kulang? O tara na, hinihintay na tayo ni Ben sa labas." Sabi ni tito Romeo. Kaibigan kasi niya yung hiniraman namin ng sasakyan dito sa Bora. Marami kasing connections sila eh.
So galing sa hotel namin papuntang airport, medjo malayo so mahaba-haba yung biyahe. Tapos ang traffic pa dahil ang ilang tao uuwi na rin. Hay buhay nga naman. Natulog muna kami para naman makapag-relax.
***
Makalipas ang ilang oras ay nakabalik na kami sa Manila. Dito muna kami sa bahay nila Cha sa may Taft nagstay. Bukas na raw uuwi sila mom dahil dito muna magpapalipas ng gabi. Medjo puyat pa eh, sabaw pa lahat.
Naghanda na naman sila ng meryenda para kainin namin, we're all packed up sa living room nila, nagkukwentuhan lang naman. Family time kumbaga.
"Oh ano New Year's resolution niyo? Biglang tanong ni Kib. I'm cuddling with Cha dito sa may bean bag nila while nakatakip ng comforter. Umuulan kasi kaya malamig, sakto naman yung inihanda nilang hot chocolate para sa'ming lahat.
"Ako, I'll lessen my gastos sa food para makapag ipon." Sabi ni Ahia.
"I'll start studying na, babawasan ko na paglalaro ng gadgets." Sabi naman ni Gelo. Iyang batang yan, grabe kung makalaro ng gadgets, kulang nalang itabi niya sa pagtulog. Hahahaha
"Kayong dalawa? Anong resolutions niyo?" Pointed Ahia to us.
"Hmm, ano bang magandang resolution? Ay alam ko na. Ang new year's resolution ko ay I'll try to fasten up kapag magre-ready." Cha said, na ikinatawa naman namin. Well, tama naman, sobrang bagal nito kapag nagreready.
"Ikaw, Cci? Anong resolution mo?"
"I'll try my best to spend time with the family and especially this very special girl. Then, babawasan ko na rin gastos ko sa pagkain."
"Awww, sweet naman."
"Ay road to forever na'tong mga to."
"Wala na, may nanalo na."
"Uwian na guys! HAHAHA"
"Kayo talaga, palagi niyo kaming inaasar." Banat naman ni Cha.
"Ang cute niyo eh." HAHAHAHA shut up ka nalang Kib.
We spent the whole afternoon watching movies. Since new year na, I'll try my best to have a new life. Para rin naman 'to sa amin. Be good to us, 2018.
***
another sabaw updateeeee -_- sorry guys ngayon lang ako nagising kasi kinulang sa tulog so natulog ako sa hapon. nagising rin ako kanina mga 12 na hihihi. yun lang, I hope u guys liked this even though ang sabaw sabaw -_- bye hahaha

BINABASA MO ANG
ABKB: The Past (Book 2)
FanfictionPagkatapos nung disgrasya ni Charlotte, natandaan niya lahat maliban kay Ricci. Ano kaya ang gagawin ni Ricci para matandaan na siya ng pinakamamahal niya? Susuko naba siya o lalaban hanggang kamatayan? Mababalik ba ang kanilang pinagsamahan? O ma...