Blockmates

1.2K 18 0
                                    

Eto na naman. Balik skwela na naman kami. Dito na ako sa dorm namin natulog kagabi kasi kapag late akong nagising, madali nalang.

I called Cha para malaman ko kung meron ba siyang klase this morning.

"Babe, what time klase mo ngayon?" It's still 7 in the morning at wala pa akong balak bumangon.

"Mamaya pang mga 1 pm. Meron akong sched this 9 am pero attendance lang naman yun tapos wala pa yung prof ko. So mamaya nalang 1 ako papasok. Ikaw ba? What time klase mo?"

"Sakto, 1 pm din klase ko. I'll pick you up later mga 12:45. Where did you sleep nga pala? Sa dorm or dun sa bahay niyo malapit sa Taft?"

"I'm here lang sa dorm. Sige na, maliligo na muna ako. Are you already up?"

"Nope, not yet. I'm still tired eh. Mamaya nalang."

"Hay nako, Ccing. Baka makatulog ka na naman diyan, malipasan ka ng gutom."

"Haist, sige na nga. You go shower na. Bye, love you."

"Sige, sige, take care. Love you too, Ccing." 

I got up from the bed kasi yun yung sabi ni madam. Baka nga makatulog na naman ako tapos tanghali na naman ako magigising and then malipasan ng gutom. That's life. 

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang napili kong outfit for today's class. (Picture sa taas yun yung susuotin ni Cci)

***

It's already quarter to 1 kaya nagsimula na akong mag drive patungong girls' dormitory para i-pick up na si Cha. Pagdating ko dun, umupo lang ako sa may benches and texted her na nandito na ako sa baba, naghihintay sa kanya. 

"Kuya Cci, may hinihintay po ba kayo dito?" A girl approached me. 

"Yep, girlfriend ko. Sabay kasi kaming papasok sa klase."

"Ah, ganon po ba? Ay, andyan na po siya oh." Lumingon ako sa may entrance ng dormitory. Di nga nagkamali yung babae dahil pababa na si Cha. She's wearing a simple DLSU shirt and blue jeans. She paired it with white converse. 

"Pwede po ba akong magpa-picture sa inyong dalawa?" 

"Sure." 

"Thank you po!" 

Pagkatapos naming kumuha ng picture together with the girl, tinulungan ko na si Cha at inilagay ang aming bag at iilang gamit sa bandang likod ng sasakyan.

After ilang minutes, nakarating na kami sa building namin kung saan dun kadalasan ihe-held yung lectures namin. I'm taking up BS in Business Management, same kaming dalawa. So there's sometime na may subjects kaming magka klase kami.

May iilang boys na nakatingin sa'min. I'm a bit annoyed kasi kanina pa sila nakatingin sa'min, especially kay Cha, and I don't want that. Staring at my girlfriend.

"Babe, kilala mo sila?"

"Ah, oo, some of them are my blockmates. Kaibigan siguro nila yung iba. Bakit mo natanong?"

"They're staring at you, kanina pa. Nakakainis na." 

"Cci, 'wag mo na silang pansinin. They're just my blockmates, nothing more, nothing less, okay? Sige na, papasok na ako. Ingat ka, bye! Love you!"

"Hays, sige na nga. Pasok na rin ako. Love you too. Just, don't go near them okay?" 

"Ewan ko sa'yo, napaka seloso mo! Byeee!" 

Hindi naman ako ganto eh, it's just that I don't want boys surrounding my girlfriend. It annoys me so much. 

***

HI GUYS! SO ETO NA MUNA ANG LAST UPDATE KO THIS WEEK. BABAWI AKO SA SATURDAY AND SUNDAY KASI BABAWIAN AKO NG PHONE KAPAG MAY KLASE. SO PAG-TYAGAAN NIYO NA MUNA TONG LAST UPDATE KO. HIHIHI. LOVE YOU ALL. 


ABKB: The Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon