Ready For It?

2.1K 26 7
                                    

*5 months later*

Nasa kalagitnaan na kami ng school year. Ang bilis ng panahon no? Pero everything's been really great this year. Nanalo ang Lady Spikers as Season 80 Champions, so that means, back to back silang champs from Season 79 to Season 80. Even though 1st runner up lang kami sa season na to, it's still a great achievement sa amin na makapasok sa top 3.

The Lady Spikers are recruiting new members and I'm here sa Razon watching their eliminations. Pinilit ko kasing sumali si Cha kasi nalaman ko sa kanya na magaling pala siyang mag volleyball. Nandito rin ang ibang Green Archers.

"Pre, ang galing palang maglaro ng volleyball kapatid mo noh?" Sabi ni Andrei kay Kib. Napangiti si Kib at lumingon kay Andrei.

"Naman, MVP nga yan always kapag may meet sila eh. She even got to Palarong Pambansa during her high school days. Di niyo lang alam hahaha."

"Di mo naman sinasabi sa'min eh. So paano namin malalaman?" Panunukso ni Andrei.

"Di niyo naman tinatanong eh. Paano ko sasabihin?" Sambit naman ni Kib.

"Tama na nga yan, manuod na nga lang tayo, nags-start na oh. Ayan, si Cha mags-spike." Sabi ko.

"Tutok na tutok tong si Cci ah." Sabi ni Aljun. Nga pala, may nakita na si Aljun na bago. Si Andrea Coronel, from STEM / STE department. Oo, I think Senior High pa yun. Bagay silang dalawa. Si Andrea kasi parang si Cha, ang simple simple pero ang ganda naman. Konting pulbo at lip tint, okay na yung araw nila.

Di ko nalang pinansin ang mga nagsasalita dahil si Cha na magse-serve. Napaka tulin ng lipad nito papunta sa kabilang court. Ate MaJoy tried to catch it pero, no. Hindi niya nakuha! Ace! Wow! Solid! 

"Wooohhh! Girlfriend ko yan!" Sigaw ko na nagpalingon sa mga Lady Spikers. 

"Wow, grabe, solid nun coach! Recruit na yan!" Sabi ni Mich Morente. Bago lang siya sa DLSU at alam naming di sila nagkamaling tanggapin si Mich sa team dahil ang lakas lakas niya. 

***

"Congrats babe! I knew you can do it!" I kissed her which made her smile. Natapos na ang elims para sa mga bagong Lady Spikers at tanggap si Cha. Meron ding ibang rookies na natanggap din, I admit, lahat sila sobrang galing. This year will be good for them, no doubts.

"Thank you babe, di ko naman magagawa yun kung wala yung suporta ninyo eh. Tara sa Starbucks? Treat ko." 

Nagtungo kaming lahat sa Starbucks, ibang Lady Spikers at ang Green Archers din ang kasama namin papuntang Starbucks. 

"Galing naman, Shobe! Halos matumba ako nung sinalo ko yung serve mo ah!" Ani achi Des. 

"Ehehe, sorry po achi. Hahaha" 

"Okay lang yun, ano ka ba. Mapapatumba mo talaga mga kalaban natin niyan, yung mga aces mo nga, pang next Kim Fajardo na eh!" Sabi naman ni ate Michelle. 

"Thank you po, I'll train harder para di na nila masalo yung mga serves ko hahaha" 

"Tama na muna tuksuhan diyan dahil nandito na ang pagkain!" Sambit naman ni Ahia. We prayed then afterwards, kumain na kami.

It was a really good 30 minutes. Nag-uusap lang kami about sa careers, life, studies, and  congratulated Cha and the rest of the team for a great elimination round. Aminado si coach Ramil na nahirapan siyang pumili ng bagong recruits dahil magagaling silang lahat.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami sa aming mga dorms. Sumabay muna ako sa dorm ni Cha, tatambay muna siguro ako dun.

"Congrats again, babe. I knew you can do it."

"Thank, Cci. Pero kinakabahan ako eh. Training starts soon."

"Nah, you'll do great, promise. Magaling yan si coach Ramil mag handle ng mga players so you're in good hands na. I'll be here supporting you. Ako naman ang magsu-support sayo, tulad nung dati na sinusuportahan mo ko."

She smiled and kissed me on the cheek. Nandito na kami sa building niya. Kinuha ko ang bag niya at inakbayan siya habang papasok kami sa dorm room niya.

Will they be able to cope up with the hectic schedule of their careers and studies combined together? May panahon pa kaya sila sa isa't isa? Are you ready for it?

To be continued...

***

Read the end part of the intro yung "The Past" ang chapter name. Thank you! :))

ABKB: The Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon