Tamang Hinala

35 2 0
                                    


"Khiera, gising na. Papasok pa tayo oi. First day pa naman at ayokong ma late," panggigising sa akin ng kung sinuman.

"Khiera bangon na oi. Kapag di ka pa tatayo bubuhusan kita ng mainit na tubig."mabilis pa sa isang segundong tumayo agad ako.

"Eto na nga eh, maliligo na ako Jake. Chupi na baka may makita kang di dapat eh," pagpapalayas ko sa kanya.

"Ganyanan pala ah. Sige na mauuna na ako, bahala ka na," parang nalulungkot pa niyang sambit.

Asa naman tung maniniwala ako sa kanya.

"Wala kang libre pag nangiiwan ka. Sige na bye," at pumasok na ako sa banyo.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako at bumaba para makakain.

"Gudmorning ebribadi, labyu all!!" pagsisigaw ko pa. "Oh? Bakit andito ka pa akala ko umalis ka na eh." Odiba? Hindi talaga tu mangiiwan pag may libre.

"Di mo ba alam ang salitang joke?" sabi niya pa.

Hindi ko na siya sinagot. Kumain na lang ako ng agahan. Bago ako umalis ng bahay ay nagpaalam ako kina Mama at Papa.

Naglalakad na kami ni Jake nang tumabi sa akin si Laurence.

"Magandang umaga," aniya ng nakangiti.

"Magandang umaga rin." magkasabay pa talaga kami ng mokong na ito.

Bago pa tumaas ang usapan ay nagmamadali akong naglakad. Pero may napansin ako. Sa tuwing magsasalita ako ay para bang kinikilig tung si Jake. Hmm.

Baka may gusto sa akin?!Hahaha.

Nakarating na ako sa school.

As usual, first day of class kaya mag iintroduce naman.

Tapos na lahat. Half day lang kami kaya nakauwi na ako. Oo ako lang kasi magkasama sina Jake at Laurence, maglalaro pa ng Dota.

Boys are boys pa rin. Tsk.

Nakagawian ko na ang matutulog agad pagdating sa bahay galung sa school.

*ZZZZzzzz*

KINABUKASAN

Nagsimula na ang totoong buhay estudyante namin. Assignment doon, project rito, at performance task na ipapasa on time.

Napapansin ko rin na sobrang close nina Laurence at Jake. Hindi na humihiwalay ang dalawa sa isat isa. Kung nasaan ang isa ay nandun din ang isa. Tsk. Gusto ko sana silang samahan kaso mas focus ako sa pag aaral na minsan ay nakakalimutan ko na sila.

Hayy! Ganito pala ang buhay esudyante. Sa halip na magsaya ay mas pinili kong magpakahirap sa pag aaral.

Habang nakatalikod ako dahil sa ginagawang project ay may narinig akong nagtugtog ng gitara. Wala akong pake kasi wala naman akong manliligaw.

Compilation of One Shot Stories and PoemsWhere stories live. Discover now