P A A S A
Una, natagpuan ko ang sariling nakatitig sa iyong mga mata.
Pangalawa, lumingon ka at nagkatagpo ang mga mata nating nagkikislapan sa tuwa.
Pangatlo, lumapit ka sa akin at alam kong wala ng iba pa ang sayo ay tatalo.
Pang-apat, nagpakilala ka sa akin at sabi mo'y ikaw ay karapat dapat.
Panglima, simula nung araw na iyon ako'y lagi ng umaasa.
Pang-anim, pero ako lang pala ang may pagtinging matagal ko ng nililihim.
Pangpito, nagtagal tayo pero habang tumatagal, ang puso mo ay naging bato.
Pangwalo, napagtanto kong sa larong pagibig ako ay laging talo.
Pangsiyam, ang yakap at halik mo lang naman ang aking inaasam.
Pero;
Pangsampu, nilinlang mo lang ang puso ko kaya papakyuhan nalang kita hanggang sa ikaw ay malumpo.
I S A N G L A R A W A N
Nag-iisang larawan,
Minamahala at lagi kong inaalagaan.
Alam mo kung bakit?
Dahil may sulat ito kung paano kita nakamit.Minsan na kitang nakita at nakilala,
Sa araw na iyon, alam kong sa akin ika'y magpapaligaya.
Pero lahat ay may katapusan,
Katapusang pareho naying hindi inasahan.Ilang taon na tayong magkasama,
Hindi maipagkakailang tayo ay masaya.
Sa bawat alaalang ating ibinabahagi,
Lagi ko itong ikinukwento sa bahaghari.Pero alam kong dapat ng tapusin ang lahat ng ito,
Ang kahibangan ko sa'yo, sa akin nagbibigay lito.
Pero ang saklap nga talaga ni TADHANA,
Nagising ako at nalamang lahat ay PANAGINIP lang pala.--------------
That's it. Thank you. Muwah!
Vote! Comment! Share!
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories and Poems
RandomMy imagination brought me into something like this. Enjoy!