TAYO PA BA...HANGGANG DULO?

13 0 0
                                    

Simula noong tayo ay mga bata pa, tayo ay lagi ng magkasama.
Hinding hindi mapaghiwalay ninuman.
Dahil hindi nila alam kung gaano kasaya ang sa piling mo ay maramdaman.

Masaya sa aking looban na nahahawakan kita, minsan nasasampal sa tuwa, at minsan ng sinabihan na... Gusto kita... Gustong gusto kita.
Oo gusto kita. Pero parang di mo parin nakita.
Nakita mo ba o nagbulagbulagan ka lang pala?

Ang kasiyahan ko sa piling mo ay walang singsaya nung ako'y nakakuha ng mataas na grado.
Lahat nga kabaliwan ating ginawa, ay hinding-hindi maghihiwalay hanggang sa tayong dalawa'y  magsawa.
Magsawa? Oo nga, nagsawa ka.
Mula noon, lahat ng pangako mo, pinapahalagahan ko.
Umabot sa puntong di ko nakayanan pa at ako'y sumuko.

Sumuko sa lahat ng sakit, sumuko sa lahat ng mga pagpapaasa mo sa akin.
Mga pangakong sinasabi mo sa akin, mga pangakong di ko aasahang di mo tutuparin.
Di ko alam kung saan nagsimula ang lahat.
Di ko alam kung paano tayo umabot sa ganitong kalat.
Kalat itong matatawag, dahil sa pag iwan mong wala man lang paliwanag.

Wala akong sinabi nang ika'y lumisan, wala akong sinabi dahil pilit kong dinadama ang puso kong nasasaktan.
Mga alaalang iyong iniwan, ay para na lamang bang usok na umabot sa kalawakan?
Sa kalawakang mismo tayong dalawa ang gumawa, sa kalawakang may alaalang doon titira hanggang sa tayoy maging mag-asawa.
Pero kabaliktaran ang nangyari, dahil ang puso mo'y may iba na palang nag mamay-ari.
Ha! Mag-aasawa? Pero ikaw pala ay nagsawa?

Hanggang dito na lang ba tayo, wala na bang karugtung ang pagiging masaya ko sa piling mo?
Huwag naman ganito oh, nakikiusap ako.
Kahit magusap lang tayo, sapat na ito para sumay ang puso kong winasak mo.
Winasak mo ang puso kong alam mong sayo lang tumitibok.
Ang puso kong singtigas at kung umasa'y singtaas ng Mount. Hibok Hibok.

Magpaliwanag ka lang kung bakit.
Hindi na ako manghihingi pa ng kapalit.
Magpaliwanag ka lang.
Sapat na yun dahil alam kung ako rin ay nagkulang.

Sabihin mo sa aking tama na,
Sabihin mo sa aking bitawan na kita.
Sabihin mo sa aking... may mahal ka ng iba,
Wala na akong pake basta pinansin mo lang itong puso ko, na sayo'y nagsusumamo.

Ito na ba ang huli nating pagkikita?
Matutuldukan na ba ang alaala nung tayo'y mga bata pa?
Kung Oo, maari ba kitang mahawakan,
Mahawakan sa huling pagkakataon, para sakit ko'y maibsan.
Kung Oo, maari ba kitang halikan,
Halikan hanggang sa ako'y maliwanagan,

Na tayo ay nagkita, pero hindi itinadhana.
Na tayo ay magkaibigan at hindi kailanman maging magka-ibigan.
Paalam na kaibigan ko, paalam na kababata ko... PAALAM NA MAHAL KO.

T h e   E n d.  . .

------------

Here's my spoken poetry. Hope you like it. Muwah 😘

Compilation of One Shot Stories and PoemsWhere stories live. Discover now