Ako si Kakai nangangapa ng sagot sa mga tanong kung bakit di na kami nagpapansinan ngayon.
May pinaka-close akong kaibigan na lalaki, siya si Drence. Haist. Ang sarap balikan ng mga alaala nung kami ay nag-uusap pa, nagtatawanan, naghahabul-habulan at palaging magkasangga sa anumang laro nung kami ay bata pa.
Flashback (7 year old me)
"Kakai, tara bili tayo pogs. Sangga tayo. Pararamihin natin." sabi ni Drence sa akin.
"Alam mo bahala ka, may sarili akong pogs at hindi ako makiki-sangga sayo. Hmp!" awat ko naman.
Tumawa siya sabay sabi, "Ayaw mo? Sige hindi na kita pasasalihin sa anumang laro. Patintero, lastiko, chinese garter at tumba lata."
Naiinis na ako sa kanya kaya tinadyakan ko yung ari niya, "Oo na sige na! Sangga na tayo! HAHAHAHA yes baug ka na!" sabay labas dila at nginiwian siya.
"Lagot ka sa akin." pagtatapos niya.
*Kinabukasan*
Naglalaro ako kasama ang kaibigan kong mga babae. Nakaupo lang kami sa sahig ng merkado. Di naman gaanong marumi, di rin malinis. Ah basta hindi pa naman ako naliligo.
Biglang dumaan si Drence kasama yung kuya niyang si Kyzer, "Ang laki talaga ng katawan mo."
Arghh. Andyan na naman yung kuya niyang naiingit ata sa katawan ko.
Inirapan ko dahil alam kong pikunin tu pag hindi pinapansin.
"Hala, maldita ka pala Hahahaha. Hoi Drence saan si Raven?" tanong ni Kyzer kay Drence, hinahanap yung nakababatang kapatid.
"Hahahaha ayun oh, umiihi!" sigaw ni Drence.
Nakaramdam ako ng init sa mga kamay at paa ko, pagbaling ko sa gilid, "Wahhhh Raven bad yung ginawa mo! Sino ba nag-utos sayo!?" tanong ko sa inosenteng bata.
Ayun nakita ko si Drence at Kyzer nagtatawanan. Haist. Mga walang magawa sa buhay ako pinagdidiskitahan.
Inisnaban ko nalang sila. Bahala sila.
-----
Piyesta nga pala dito sa amin. At isa ako sa mga kandidato ng Prince and Princess.Mga hapon ay pinatulog ako ni Mama para daw hindi ako mapapagod sa gabi para sa Prince and Princess. Ayun sumunod naman ako.
Pagkagising ko ay naligo ako at agad ng naghanda para sa Coronation Night.
Nasa stage na kami. Bale apat kaming pares, yung partner ko ay mas bata pa sa akin, si Vince yung name nya. Ang cute nga niya eh.
Kaya lang nakapikit siya habang nakasandal sa akin. Haist ang bata nga naman. Tinawag ko si Mama kasi naiihi ako.
Pagkatapos kong umihi ay bumalik na ako at laking gulat ko dahil wala na si Vince, si Drence na yung partner ko. Arghhh bat sa lahat siya pa :(((.
Ang awkward lang. Dahil naninibago lang ako kasi hindi siya nang-aasar. Kaya ako rin, hindi nagsasalita. Naka orange na gown ako and siya naman naka-tuxedo.
Haist sa totoo lang, gwapo naman talaga siya. Nakakainis lang talaga kasi palaging nang-aasar eh pikon naman. Grrrrr.
"Bakit ka andito?" tinanong ko nalang kasi awkward ang tahimik eh. :(((
"Di ko rin alam. Basta ginising na lang ako at binihisan. Arghh." ay hala ang sad.
"Sorry ah. Antukin kasi yung partner ko na si Vince eh, alam mo na bata pa."
"Naku! Kung alam ko lang gusto mo rin." at ayan na nga nagsisimula na siya.
"Ihhh bahala ka na diyan. Hambog kang tukog ka!"
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories and Poems
РазноеMy imagination brought me into something like this. Enjoy!