Sarili
Hindi naman mahirap mahalin ang sarili,
Pero bakit ang gawin ito'y hindi ko mapili?
Madaling magbigay ng pagmamahal sa iba,
Pero bakit ganon kung para sa sarili ay kulang na kulang pa.Susubukan ko munang mag-umpisa sa simula,
Sa simula kung bakit nagkaganito akong bigla.
Ah! Naaalala kong ang kasayahan ko ay bunga ng pagngiti mo,
Ang pag-iyak mo'y siya ring kakungkutan ko.Bakit nga ba ako ganoon?
Talaga bang kung anong maramdaman mo ay ganun din ang sa aki'y lalamon?
Hindi ba't parang ang mali pakinggan?
Pero sa totoo lang, walang mali kasi ito ang tunay kong nararamdaman.Bawat minutong magkasama tayo,
Naiisip ko agad na, ikaw na talaga hanggang dulo.
Bawat araw na hindi tayo nagkaka-usap,
Naiisip ko agad, sana nakatingin man lang tayo sa parehong ulap.Hindi maipagkakailang binuhos ko ang lahat sayo,
Pagmamahal, pakikinig, at oras ko,
Umabot sa puntong hindi ko na maintindihan,
Na naibigay ko naman lahat ngunit bakit nagawa mo pa rin akong iwan at agad na palitan?Doon ko napagtanto,
Na baka ang pangit ko,
Siguro kulang pa ang naibigay ko sayo,
O baka may gusto ka pero hindi ko man lang naiparamdam sa iyo.Siguro, kasalanan ko nga kung bakit mas napili mong lumayo,
Kasalanan ko kung bakit mas naging masaya ka sa piling ng iba kesa sa akin na mahal mo.
Pero, mahal mo ba talaga ako?
Minahal mo ba ako?Ganoong mga palaisipan,
Ang sumagi sa aking isipan.
Noong panahong ako'y naiwan,
At lubusang nasaktan.Pero hindi pa iyon ang katapusan,
Pilit kong pinapakinggan ang himig ng hangin sa aking kapaligiran.
Binubulong nito na may pag-asa pa,
At ang pag-asang iyon ay ang pagmamahal, pero hindi na para sa iba, kundi para sa sarili ko na.Napapatawa na lang ako sa tuwing naiisip na noon, kay hirap mahalin nang sarili,
Kasi sa totoo lang, ang daling piliing mahalin ang sarili,
Mahabang proseso man ang pagdaraanan para tanggapin ang ating kamalian,
Pero ito'y makakamit rin sa kahulihan.Natutunan kong ang kasiyahan ko ay kasiyahan ko,
Hindi ito nakadepende sa ibang tao,
Na ang kalungkutan ko ay dala ng kalungkutan ko,
At hindi kalungkutan na dulot ng sakit na nakikita ko sa ibang tao.Ako ito,
Mahal ko ang sarili ko,
Sa araw-araw pipiliin ko,
Dahil ito ang tunay na ako, at mahal ko ang sarili ko.---
Happy Valentine's Day, my dear readers! If you made it here then I so love you for appreciatung my works!Before this special day ends, may we be reminded to not forget how valuable it is to always love ourselves.
This day is not just for couples (dont @ me saying im bitter, cuz u are correct char), this day is also a day to celebrate how we've become strong through out the days that we are struggling and no one knows about it, it is this day to also APRECIATE ourselves as ourselves. It is this day, that we should be reminded to love our self first, and to choose ourself along the pit of the way. ❤️
God bless, all!
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories and Poems
De TodoMy imagination brought me into something like this. Enjoy!