Part 12: Getting to know you

64 2 0
                                    

JACKIE'S POV:

Sasama kaya ako kina Jules bukas? Naku! Ala una na ng madaling araw, hindi pa talaga ako inaantok dahil sa mga iniisip ko. Paano kung sasama ako? Di kaya ako awayin ng Lolo at Lola ni Jules? Si Tita Amanda, ayos naman ang pakiki tungo sa akin. Yung kapatid ni Jules na si Julia, ayos din naman. Pero bakit feeling ko hindi magandang ideya na sumama ako sa kanila bukas?

Paano kung magalit si Jules sa akin? Haaaay! Nakakaloka! Makatulog na nga lang.. Psshhhh..

Nakatulog sa kakaisip si Jackie, ni hindi man lang siya naka text ng good night text kay Jules gaya ng kinagawian nila.

[ February 15 ]

*tok tok tok*

*tok tok tok*

Ano ba yan ang ingay naman! Haaaay!

Nakagising si Jackie dahil sa katok ng mommy niya.. Pero hindi pa rin siya bumabangon at hindi niya sinasagot ang mommy niyang kanina pa siya tinatawag.

Jackie, anak. Gising na. Nakapagluto na ako ng paborito mong bacon and egg for breakfast.

Anak? Tulog ka pa rin? Para ka namang mantika kung matulog eh.

Jackie! Ano ba? Alas nwebe na. May usapan kayo ni Jules ngayon, hindi ba?

Anak! Nandito na si Jules. Wala ka ba talagang balak harapin si Jules? Kanina pa siya naghihintay sa'yo sa sala. Mahiya ka naman anak. Hahaha!

Haaaaayyyy!!!!!!! Ang kulit talaga ni mommy. Makabangon na nga lang. Ay! Teka, baka may text si Jules. 

Binuksan ni Jackie ang cellphone niya.

Ten messages received...

JULES: Good morning, babe! Gising ka na ba? Mamayang alas diyes kita susunduin ha. Alas siyete pa lang ng umaga. Excited na ako makilala ka ni Lolly at Poppy.

Lolly at Poppy ang tawag ni Jules sa kanyang lolo at lola. 

JULES: Babe, alas otso na. Tulog ka pa rin?

JULES: Babe? Ayaw mo? :(

JULES: Maliligo lang muna ako babe. Gising na puhleaseee?

JULES: Babe? Ano na? Naligo na ako at magbibihis na. Pupuntahan nalang kita. Nag-aalala na ako sa'yo. Kanina ka pa di nagrereply. Huhu :(

JULES: Babe, papunta na ako diyan sa inyo. Magready ka na ha?

JULES: Babe, malapit na ako sa inyo. Sana naman ready ka na. Para di tayo ma-late papunta sa farm namin. Nagpahanda na ako ng lunch kay Lolly.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon