Part 8: Start Of Something New

144 5 4
                                    

Habang nanonood sila ng Kung Fu Panda 2. Napansin ni Jackie na dahan-dahang hinawakan ni Jules ang kanyang kamay. 

Jackie's POV:

Ang lamig naman ng kamay ni Jules. Bakit niya kaya hinahawakan ang kamay ko? Di naman horror itong pinapanood namin e. Pasimple talaga itong si Jules! Hehehe.

Jules' POV:

Ang sarap naman sa pakiramdam na hinahawakan ko kamay ni Jackie at di siya nagagalit o umiiwas. Sana di na matapos itong araw na 'to. Sana ganito kami palagi.

Pagkatapos ng movie.................

"San mo gustong kumain, Jackie? 5:30pm pa naman eh. Magdinner nalang tayo. 7pm pa promise ko sa mommy mo eh." sabi ni Jules.

Nahihiyang pumili si Jackie kaya sinabi niya nalang.... "Ikaw na bahala, Jules. Total, ikaw naman manlilibre diba? Hahaha! Loko lang. Kahit saan, okay lang."

"Oo naman. Ililibre talaga kita. Date kaya natin 'to. Oops! Friendly date pala. Diba, bestfriend? Hehe."  pabirong sabi ni Jules. Pero ang totoo nun, considered as date talaga to para sa kanya. "Sige na nga. Total nag Chinese restaurant na tayo kanina. Okay lang ba sa'yo mag Japanese restaurant naman tayo? Mag Tokyo Tokyo nalang tayo." suggestion ni Jules.

Sumang-ayon naman si Jackie. Kaya nagdinner sila sa Tokyo Tokyo. Natapos silang kumain by 6:30pm. Pero mukhang ayaw pa ni Jules na ihatid si Jackie. Kaya tinext niya ang mommy ni Jackie.

"Tita, si Jules po 'to. Pwede po bang 8pm ko nalang po ihahatid diyan sa inyo si Jackie? Nasa SM Megamall pa po kami ngayon." text ni Jules.

"O sige, Jules. Mag-ingat kayo ni Jackie ha?" sagot ng mommy ni Jackie.

Masayang masaya si Jules dahil pinagkatiwalaan siya ng mommy ni Jackie. Si Jules lang din kasi ang kaibigan ni Jackie na close sa mommy niya. 

Matapos magreply ang mommy ni Jackie, niyaya niya agad itong mag milk tea. Dahil hilig ni Jackie ang milk tea.

"Jackie! Gusto mong mag milk tea tayo? Alam ko paborito mo yun." sabi ni Jules.

 "Ah. Jules. Kasi 6:30pm na, take out nalang natin. Sa sasakyan na natin inumin. Baka pagalitan ako ni mommy pag late ako umuwi eh." sagot ni Jackie.

"Wag kang mag-alala, Jackie. Tinext ko na si tita. Kinuha ko number niya sa cellphone mo kanina. Hehehe. 8pm kita ihahatid sa inyo. Kaya pwede tayong mag milk tea muna. Dun tayo sa paborito mo? Sa Happy Lemon?" sabi ni Jules.

"Ikaw talaga! Di ka man lang nagsabi. Hmpf! Sige. Happy Lemon tayo." sagot ni Jackie.

Pagdating nila ng Happy Lemon. Umorder kaagad si Jules para sa kanilang dalawa. Alam na alam na kasi talaga ni Jules kung ano yung gusto ni Jackie. Simula sa pagkain, maiinom, pabango at kahit sapatos at bag na hilig ni Jackie. Alam na alam niya. Ganyan niya kakilala si Jackie. 

Jules: "Eto, Jackie o. Ang paborito mong Milk Tea with Oreo. Eto naman sa akin, Cocoa with Rock Salt and Cheese." 

Jackie: "Salamat, Jules! Pero bakit large to? Di ba sabi ko sa'yo yung regular lang? Baka di ko to maubos."

Jules: "Asuuuuuuuus! Wag mo na akong bolahin, Jackie. Alam kong mauubos mo yan agad."

Jackie: "HAHAHA! Kilalang kilala mo talaga ako, Jules. Salamat talaga ha? Jules, may sasabihin pala ako sa'yo."

Jules: "Oo naman. Bestfriend kita e! Walang problema yun. Ano yung sasabihin mo, Jackie?"

"Three months na kasi simula nung nanligaw ka sa akin. Naisip ko kasi na.........."

"Jackie naman, tinatakot mo ako eh. Sabihin mo na. Wag ka ng pa-thrill diyan. Hehehe. " sagot ni Jules na pabiro pero halatang natatakot na ito.

"Paano kung NO ang sagot ko? Lalayuan mo ba ako? Magagalit ka ba sa akin? Friendship Over na ba tayo?" tanong ni Jackie.

"Hindi ah! Kahit ano pa yang sagot mo, Jackie. Kahit na NO pa yan or NEXT TIME or YES. Dito lang ako sa tabi mo. I will always and forever be your best friend! Promise ko yan sa'yo." sagot ni Jules na sinabi ang kanyang saloobin.

"Naks naman! Ikaw talaga, Jules. Pina-iyak mo ko! JOKE! Hahaha! Pero seryoso na 'to, Jules. I'm taking chances. I know it wouldn't be easy pero malay mo mag-work out diba?" sabi ni Jackie na hinaluan ng biro sa umpisa pero nagseryoso naman sa huli.

"You're taking CHANCES?! WORK OUT?! SERYOSO KA BA, JACKIE?! So you mean, TAYO NA?!" gulat na gulat si Jules sa mga sinabi ni Jackie.

"Yes! Yes! Yes! Yes ang sagot ko sa lahat ng tanong mo. Dahan dahan naman sa pagtatanong, bestfriend. Ay, mali! Boyfriend na pala. Hihihi." sabi ni Jackie na halatang naiilang pang tawaging "boyfriend" ang dating "bestfriend" niya lang.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!! Wala akong masabi, Jackie! Thank you! Super thank you!! Di mo alam kung gaano ako kasaya sa araw na 'to. Thank you talaga, Jackie!!" sagot ni Jules na halatang masayang masaya talaga.

"Jules! Tumahimik ka nga. Baka marinig pa tayo ng iba. Kaloka ka. Hahaha!" sagot ni Jackie na nahihiya kasi ang ingay ni Jules.

Tinabihan ni Jules si Jackie at niyakap niya ito sa sobrang saya. Pero si Jackie ayaw niya ng PDA (Public Display of Affection) kaya humiwalay siya agad sa pagyakap ni Jules.

Masayang masaya silang nagku-kwentuhan. Nag-iisip pa nga sila ng mga tawagan nila. Pero ang naisip nila, "BABE" nalang. Para sweet at short ng "BABY". 

Pagkatapos nilang magkuwentuhan sa Happy Lemon. Nagbanyo muna si Jackie. At naisip ni Jules na alas otso (8pm) na pala. Kaya minadali niyang tinawag si Jackie na galing sa CR.

"Tara na, jackie! 8pm na pala. Baka pagalitan ka pa ng mommy mo. Ay, mommy pala natin? Hehehe" 

"JULES!! Mommy natin ka diyan. Tumahimik ka! Hahaha" naiilang si Jackie kaya yun lang ang nasabi niya.

Dumiretso agad sila sa Parking Lot at sumakay ng kotse papunta na sa village nila Jackie. 

ANO KAYA ANG PAG-UUSAPAN NG MAG-NOBYO AT MAG-NOBYA SA SASAKYAN? PAGAGALITAN KAYA SI JACKIE? AAMININ NA BA NILA SA MOMMY AT DADDY NI JACKIE NA SILA NA? MAY MGA EPAL PANG DARATING SA STORYANG ITO?

ABANGAN SA PART 9!

HAHAHA.

PASENSYA NA KUNG BITIN :)

NGA PALA,

I DEDICATE THIS TO MY FAVORITE WRITER DITO SA WATTPAD. 

YUNG WRITER NG FAVORITE KONG STORY NA "I DO TAKE TWO"

:)

ENJOY! HAPPY READING!! 

<333 

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon