Part 3: Cool Down

154 4 0
                                    

Nagkita kami ni Jules kinabukasan para pag-usapan yung nangyari. Bakas sa mukha niya ang pagka-bigo at pagka-dismaya sa reaksyon ni Jermaine.

"Jules, okay lang yan. Baka naman kasi wala siya sa mood nung pinakita mo."

"Jackie, hindi e. Hindi mo naiintindihan. Ayaw niya talaga sa akin. Kahit anong gawin ko, hindi niya ako magugustuhan. Paano bang makalimot at maka-move on, Jackie?"

"Jules, hindi madali yang gusto mo. Tsaka hindi mo siya basta bastang makalimutan. Naging parte siya ng buhay mo." 

Eto nanaman ako, ang dakilang love expert na wala namang experience. HAHAHA. 

"Jules, ang dapat mong gawin. Tigilan mo na ang pagtetext sa kanya. At kung gusto ka man niya, siya mismo yung magtetext sa'yo. Wag mo pilitin kung ayaw. Tanggapin mo kung ano man. Magtext man o wala. Wag ka mahinaan ng loob.

Nandito naman ako. Barkada mo. At pamilya mo. :)" 

Ng tiningnan ko si Jules, napansin kong parang gumaan yung pakiramdam niya sa sinabi ko. Salamat naman! :D

"Jackie, salamat ha? Best friend talaga kita. Nood tayong sine? Gusto ko kasi manood ng Street Dance. Tara? Libre kita."

"Libre mo? Tara! HAHAHA. Salamat, Jules!"

Nanood kami ng sine. At enjoy na enjoy si Jules sa pelikula.

Matapos ang movie ay nagpasalamat si Jules sa akin dahil sinamahan ko siya. Nagpasalamat din ako kasi nilibre niya ako.

"Jules! Salamat ha? Alis na ako :)"

"Walang problema, Jackie! Uuwi na rin ako. Ingat ka :)" 

Humiwalay ako sa kanya kasi nagtext ang kaibigan ko at magpapasama daw sa isang mall. 

Pagkahiwalay namin, nagtetext pa rin kami ni Jules. Yung parang di kami nagkasama kanina. Ito talagang bestfriend ko. Ang kulit-kulit! 

Ano ang mangyayari kay Jules? Makakahanap ba siya ng bago? O magpapahinga muna siya at manatili munang single?

Abangan sa part 4! :D

Feel free to comment!

Thank you :> 

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon