Part 2: Helping Hands

181 3 0
                                    

Nabigla ako nung tinext ako ni Jules, pakiramdam ko ako nalang yung walang love life sa aming dalawa :( kailan kaya ako magkakaroon ng ganun?

Tinulungan ko si Jules, simula sa paano niya itetext yung babae, saan niya dadalhin for lunch or dinner, ano ireregalo niya at paano niya sasabihin. Dahil isa akong mabait na best friend, ako na rin yung nag-edit ng letter ni Jules para kay Jermaine (yung nililigawan ni Jules).

Talagang sweet itong best friend ko dahil mahilig siyang gumawa ng letter.

Sa klase, biglang nagvibrate ang cellphone ko.

"Hi, best friend! San ka ngayon? May papagawa sana ako sa'yo." Jules.

NAKUUU! Si Jules pala. Eh, may quiz pa naman kami ngayon. Sige, rereplyan ko muna.

"Hello, Jules! Nasa school pa ako. May quiz kami ngayon. Usap tayo mamaya. Text lang kita mamaya ha? Ingat, best friend!" sagot ko sa kanya.

Matapos ang aming pagsusulit, tinext ko agad si Jules. Kasi nagpromise naman ako sa kanya na mag-uusap kami pag tapos na ako.

"Hi, Jules! Ano yung papagawa mo sa akin? Para ba to kay Jermaine? Mukhang seryoso talaga itong best friend ko ha."

Kumakain ako ng lunch sa food court ng school namin ng biglang nagreply si Jules.

"Best friend! Magaling ka naman sa computer. Gawan mo naman ako ng video ohh. Bibigay ko sana kay Jermaine. Ako na bahala sa ilalagay mong mensahe at music. Pictures and effects nalang yung sa'yo. Please, best friend? Hehehe" 

Ewan ko ba, pero hindi ko talaga mahindian itong best friend ko. Kaya pumayag ako. Ginawa ko yung video at natapos ko agad. Tuwang-tuwa naman si Jules sa gawa ko.

"Eto, Jules ha? Tapos na. Sana magustuhan ni Jermaine"

"Sana nga, Jackie."

Halata sa mukha ni Jules ang pagkabahala. Dahil baka hindi magustuhan ni Jermaine. Umalis si Jules para magprepare kasama yung kaibigan niya.

"Jules! Best friend! Kamusta yung surprise mo? Ano? Nagustuhan ba?" tinext ko si Jules. At parang ako pa talaga yung excited sa reaction ng babae. 

"Jackie! Parang wala lang sa kanya e. Di yata ako gusto ni Jermaine. Baka kaibigan lang talaga turing niya sa akin :(((("

Kawawa naman itong bestfriend ko. Nadepress yata. Palalakasin ko kaya yung loob niya? O sasabihan ko nalang siyang itigil na at maghanap nalang ng iba?

HAAAAAY. Ang hirap. Paano ba 'to. Kawawa best friend ko :( 

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon