Part 11: Hearts Day

76 4 1
                                    

Pasensya na at ang tagal bago ko na-update itong story na ito. Naging busy ako sa personal life ko. Ngayong buwan lang ako ulit nakapag bukas ng Wattpad at di muna nag update. Nag enjoy ako kakabasa sa stories ni Jonaxxx. My new idol here in Wattpad kaya idedicate ko itong part na ito para sa kanya :)

Sana po mag enjoy kayo. Hehehe

----------------------------------------

Ng umalis si Jules, naisip ni Jackie na mag-internet nalang muna. Inopen niya ang kanyang Facebook at nagreply sa mga nagcomment sa mga photos at status niya.

 Maraming mga kaibigan si Jackie at humahanga sa kanya sa ganda niya at sa kabaitan niya. 

Nakita niyang puno ng larawan ang kanyang News Feed. Larawan ng teddy bear, chocolates, bouquet of roses o di kaya ng chocolates.

Nainggit si Jackie sa mga kaibigan niya. Dahil nasa caption ng mga larawan ay makikita at mababasa mong sinurpresa talaga sila ng mga jowa/nobyo nila.

Nagkulong si Jackie sa kwarto. Di maalis sa isipan niya kung bakit walang ka effort-effort na ginawa si Jules. Sa mismong Valentine's Day na importanteng importanteng okasyon para kay Jackie. Kasi bukod sa Valentine's Day ay first time nila itong icelebrate na magkasama.

Masama ang loob niya kasi hanggang ngayon di pa rin nagtetext si Jules mag dadalawang oras na bago siya nakaalis ng bahay nila Jackie.

Nakatulog nalang si Jackie kakahintay sa text ni Jules... 

ng biglang tumunog at nag vibrate ang cellphone ni Jackie ay agad siyang nagising para basahin kung sino yung nagtext.

JULES:

"Babe, pabalik na ako diyan sa inyo. Hintayin mo'ko ha? I love you!"

JACKIE:

"Ok, babe. Kakagising ko lang."

"Bakit kaya ang tagal bago nakatext ni Jules? Ano kaya ginagawa niya sa dalawang oras na umalis siya. Baka siguro naging abala lang siya sa inutos ng kanyang tita sa kanya." Bulong ni Jackie sa sarili niya.

Umabot ng 15 minuto bago nakarating si Jules. Di na bumaba si Jackie dahil alam naman niyang aakyat agad si Jules ng binuksan ng guard yung gate.

Nagkunwari nalang si Jackie na abala sa Facebook pero ang totoo wala naman talaga siyang ibang magawa. 

Pumasok si Jules sa bahay nilang ngingisi ngisi ang mukha. Agad namang napatingin si Jackie kay Jules.

JULES: "Babe, pasensya na at natagalan. Flowers for you. Happy valentine's day! I love you!"

Nagulat si Jackie sa nakita niyang malaking bouquet of roses. 

"Babeeee! OMG! Nasurpresa ako. Salamat ah, ang ganda ganda. I love you too!" Pasigaw na sabi ni Jackie dahil talagang nagulat siya sa binigay ni Jules.

Nagulat ang Mommy ni Jackie at lumabas sa kwarto. Napakamot nalang ng ulo si Jackie ng makitang nadistorbo niya ata yung Mommy niya sa pagtulog. Agad siyang nag-smile at nag peace sign sa kanyang Mommy.

"Ano ba naman yan, Jackie?! Akala ko napano ka na!"

"O Jules, nandito ka pala. Kaya naman pala tiling tili itong anak ko sa kilig. Ang ganda ng bulaklak."

"Ah.. Eh... Tita, magandang hapon po. Eto po tita, regalo ko po sa inyo. Happy valentine's day!" Agad inabot ni Jules sa Mommy ni Jackie ang isang perfume na Paris Hilton. Alam kasi ni Jules na mahilig sa pabango ang Mommy ni Jackie.

"Naku! Ikawng bata ka, nag-abala ka pa. Salamat ha." At kinuha kay Jules ang pabango.

"Walang anuman po." Aniya ni Jules.

Agad silang natahimik at nagpaalam ang Mommy ni Jules na mag-aayos at magbibihis na para sa dinner nila mamaya.

Napansin yata ni Jules na maluha-luha ang mata ni Jackie habang tinititigan ang mga bulaklak na binigay niya. Kaya naman agad niyang hinawakan ang baba ni Jackie at hinalikan.

"Akala mo wala akong surpresa sa'yo babe noh?"  Tanong ni Jules. 

Tumango naman si Jackie at agad na kumuha ng vase para ilagay at iarrange ang mga roses na bigay ni Jules.

Ng nag alas sais na ng gabi..

Naisipan nilang kumain sa isang sosyal na hotel. 

Masayang masyaya ang usupan nila Jackie at ang Mommy niya, habang ang mga lalake naman (Daddy ni Jackie at si Jules) ay busy sa panonood ng basketball habang kumakain.

Alas nuwebe na ng nagpasyahan nilang umuwi na dahil gabi na at inaantok na rin ang Daddy ni Jules.

Hindi sumama si Jackie sa Mommy at Daddy niya dahil nagyaya pa si Jules na bumili muna sila ng milk tea bago umuwi para dessert.

Huminto sila sa isang tea shop.. Agad kinalas ni Jules ang seatbelt niya at lumingon kay Jackie.

"Babe, tara? Pasok muna tayo? Or take-out nalang?"

"Ikaw na bahala, babe. Pero wag lang tayo magpapa gabi masyado ha. Baka magalit si Daddy."

"Sige, babe. Take-out nalang. Natatakot pa rin ako kay Tito eh. Hehehe" 

Ng nakabalik na sila sa sasakyan ay agad inayos ni Jules ang seatbelt ni Jackie at pagkatapos ang kanya. Pinaandar niya ito agad at seryosong nakatingin sa daan. Hindi naman gaanong traffic at medyo malapit lang naman ang bahay nila Jackie dun sa restaurant at milk tea na dinaanan nila.

Nahatid na ni Jules si Jackie at nagpaalam na sila sa isa't-isa.

Agad binaba ni Jules ang salamin para makapag paalam ulit kay Jackie.

"Bye babe! See you tomorrow?" Anya ni Jules.

"Di ako sigurado, babe. Pero magpapaalam muna ako kay Daddy" Anya ni Jackie.

Tumango naman si Jules at nag flying kiss pa bago pinaharurot ang sasakyan sa subdivision kung saan nakatira sila Jackie.

Tinext niya agad si Jackie ng nakauwi na siya sa bahay nila.

JULES:

Babe. nasa bahay na ako. Antok ka na ba? Matulog ka na. Kung hindi pa, bihis lang muna ako ha. Text kita agad pag tapos na ako.

JACKIE:

Sige, babe. Hihintayin ko nalang text mo bago ako matulog.

Ilang sandali pa ay nagtext na si Jules..

"Babe, sabi ni Tita Amanda pupunta daw kami sa farm namin bukas. Gusto mo bang sumama?"

Agad nagreply si Jackie.

"Ha? Eh... Nakakahiya, babe. Baka magalit lang Lolo mo kung makita niya ako."

Agad nagdalawang isip si Jackie kasi alam niyang ayaw na ayaw ng Lolo ni Jules na magka-girlfriend siya sa ngayon. Siya kasi ang magmamana ng lahat ng ari-arian at negosyo ng Lolo at Lola niya.

Pupunta kaya si Jackie? Or pag-aawayan nila ito ni Jules? Abangan sa Part 12 ng storya! Hahaha pasensya na at nabitin ko ulit kayo :D

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon