Part 10: Mixed Up

154 6 6
                                    

Dahil hindi ako masyadong busy ngayong araw na ito. Naisipan kong mag-update nalang. Para di na kayo mabitin. Hehehe.

Sa mga silent readers ko, salamat sa pagbabasa. Sana naman magcomment kayo. Kailangan ko opinions or suggestions niyo para mapa ganda ko lalo itong kuwentong ito.

Sa aking idol na si mjd0616. Salamat po sa pag dedicate niyo sa Chapter 28 ng IDTT na story mo. I feel so honored! :)

Sana po mag-enjoy kayo sa chapter na ito. <3

Ng matapos ang misa....

Daddy Rudy: "O, Jackie. Anak, san mo gustong kumain?"

"Kayo na po bahala, dad. Kahit san, okay lang po sa akin." sagot ni Jackie.

"Sige, mag SM Megamall nalang tayo. Dun tayo sa Tong Yang para buffet. May dala bang sasakyan si Jules?" tanong ni Daddy Rudy sa dalaga.

"Opo, dad. Kita nalang po tayo dun sa SM Megamall?" tanong ni Jackie sa ama.

"Sige, hija. Dun nalang tayo magkita."

"Jules, ingat sa pagmamaneho ha." sabi ni Mommy Ness.

"Opo, tita. Ingat din po kayo."

Naunang umalis ang mommy at daddy ni Jackie dahil malapit lang sa pintuan ng simbahan naka-park si Daddy Rudy. Samantalang si Jules eh medyo malayo pa.

Ng nakapasok na sila ng sasakyan....

"Babe, sigurado ka? Sama ako sa lunch date niyo nina tito? Baka di ako invited." sabi ni Jules na nagdadalawang isip.

"Ano bang klaseng tanong yan, babe? Oo naman! Siyempre! Kasama ka, boyfriend na kita. Diba?" sagot ni Jackie.

"Sige, babe. Sasama ako. Tara na? Ay teka, bago tayo umalis. Mag-seat belt ka muna, babe. Gusto ko safe ka parati kapag magkasama tayo."

"Naks naman! Yes, babe. Magsi-seat belt na po."

Ng dumating na sila sa mall.....

"Hello po, tito! Hello po, tita!" pagbati ni Jules sa parents ni Jackie.

"Hi, Jules! Upo na kayo." sabi ni Daddy Rudy.

"Mommy, Daddy. Kain na po tayo?"

"Gutom na gutom ka na, babe noh? Gusto mo na kaagad kumain eh kararating pa nga lang natin. Hahaha" pabirong sabi ni Jules.

"HMPF! Tumahimik ka diyan, babe! Eat all you can naman eh. Tara na. Bakit? Ayaw mo? Sige, diyan ka lang." sagot ni Jackie na nagtatampu-tampuhan sa nobyo.

"Kita mo to, pikon agad, babe? Biro lang po yun. Wag ka na magtampo o mapikon. Tara na, sabay na tayo." sagot ni Jules na may konteng lambing sa boses.

Napa-ngiti naman si Daddy Rudy at Mommy Ness sa nakita...

Habang kumakain sila, nagku-kuwentuhan sina Daddy Rudy at Mommy Ness. Si Jules naman, halatang naiilang at nahihiyang kumain sa harapan ng mga magulang ng nobya.

"Hijo, kumain ka pa. Konte lang yung nakain mo. Mas madami pa yatang nakain si Jackie sa'yo. Hahaha" sabi ni Mommy Ness na tinutukso si Jackie.

"Mommy naman eh. Pati ba naman ikaw, nambubully na rin? Hmpf!" sagot ni Jackie.

"Ay, tita. Sige po. Kukuha po ako maya-maya. Pahinga lang po saglit." sagot ni Jules kay Mommy Ness.

"Babe, kakain ka pa ba?" tanong ni Jules kay Jackie.

"Di na, babe. Busog na ako. Ikaw, kakain ka na? Sasabayan nalang kita sa pagkuha ng pagkain." sagot ni Jackie sa nobyo.

"Mamaya na, babe. Pahinga lang ako saglit." 

Maya-maya tumayo na rin si Jules at si Jackie. Sinabi ni Jules na nahihiya lang siya kumain dahil first time na kumain siya kasama ang Mommy Ness at Daddy Rudy ni Jackie.

Matapos nilang kumain, nag Happy Lemon ulit si Jackie at Jules. Sumabay naman ang Mommy Ness ni Jackie dahil tulad ni Jackie, mahilig din ito sa milk tea.

Masaya silang nagkuwentuhan sa loob. Si Daddy Rudy naman ay pumunta muna ng hardware para bumili ng tools para sa opisina niya.

Sa mga sumunod na linggo at buwan, naging consistent naman si Jules sa pagsama kina Jackie pumunta ng simbahan para umattend ng mass. 

Naging consistent din si Jules sa pagsundo kay Jackie sa skwelahan. Minsan pa nga, sinundo niya si Jackie sa bahay at hinahatid sa skwela pag wala rin siyang ginagawa o wala siyang klase.

At tulad ng mga inaasahan ng mga mag boyfriend at girlfriend. Dumating na rin ang kanilang first monthsary. Kumain sila sa labas at pumunta ng coffee shop. Para maiba naman. Dahil parati nalang silang nagmi-milk tea.

Sa kanilang second monthsary, kumain sila sa labas, nanood ng sine at nag milk tea. As requested by Jackie. Dahil nung first monthsary, si Jules yung nagplano. Ngayon naman si Jackie.

Ganun din ang ginawa nila sa kanilang third monthsary...

Ng dumating ang Valentine's Day, binigyan ni Jackie si Jules ng customized pillow at blanket na may mukha nila ni Jules. Masayang masaya naman si Jules sa natanggap. 

Si Jules naman.

"Babe? Salamat talaga dito sa pillow at blanket ha. Ang cute o. Nandito pa yung mga luma nating pictures. Salamat talaga. Nasurprise talaga ako sa gift mo. Pero, babe. Pasensya ka na at wala akong ibang mabibigay sa'yo kundi itong tatlong chocolates lang. Di kasi ako nakapag handa." pagpapaliwanag ni Jules.

Si Jackie naman ay naka ngiti pero sa kalooban niya ay nagtatampo dahil mukhang walang effort na ginawa si Jules sa mismong Valentine's Day. Noon kasi kahit walang okasyon eh binibigyan ni Jules si Jackie ng chocolate.

"Okay lang yun, babe. Walang problema. Ano ka ba. Salamat sa mga chocolates na bigay mo." Sagot ni Jackie na kahit disappointed sa boyfriend eh pilit pa ring naka-ngiti.

Ine-expect kasi ni Jackie na bibigyan siya ng bulaklak ni Jules.

Umaga pa lang nung pumunta si Jules sa bahay nina Jackie. After lunch, nagpaalam muna si Jules dahil may pinagagawa ang tita niya.

"Babe, aalis ako maya-maya ha. Mga 2pm. May pinapagawa si tita eh. Okay lang ba?"

"Oo naman, babe. Sige. Text2x nalang tayo."

MAGKIKITA PA KAYA SINA JULES AT JACKIE? BABALIK PA BA SI JULES SA BAHAY NILA JACKIE? ANONG MANGYAYARI SA FIRST VALENTINE'S DAY NG MAG NOBYO/NOBYA? MAGIGING MASAYA BA SILA? OR MAG-AAWAY SILA?

Abangan sa Part 11!

Sana po ay nag-enjoy kayo sa chapter na 'to.

Pasensya na at nabitin ulit kayo. Hihihi :')

XOXO <3 yani 

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon