Part 5: What I Wanted To Say

136 4 0
                                    

Jules' POV:

High school pa lang kami, crush ko na si Jackie. Di ko lang masabi sabi sa kanya ang aking nadarama dahil baka layuan niya ako at masira ang friendship at closeness namin. Imagine, 5 years kami naging matalik na kaibigan. Kabisado na nga namin yung mga hilig ng isa't-isa eh. Alam na alam ko rin ang mga ayaw at bawal para kay Jackie at ganun din siya sa akin.

Jackie's POV:

Naalala ko dati, tinutukso ako ng mga kaibigan ko kay Jules kasi daw bagay kami. Kami yung laging nagsasama, sa recess, lunch at uwian. Ako rin yung gustong kasama ni Jules pag may bibilhin siya sa mall. Ako na talaga ang dakilang best friend niya simula nung elementary pa lang kami. Pero totoo kaya yung tuksuhan? May mangyayari kayang ligawan? Haaay, ewan. Ayoko munang isipin yan.

Ilang araw matapos kaming nanood ng sine at mag-inuman kasama si Karen. Napansin kong text ng text si Jules sa akin. Di naman yung usual na "kamusta ka na, best friend?" kundi yung para bang may gustong sabihin pero dinadaan na lang sa mga smileys.

"Hi, best friend! Kamusta ka na? Nasa bahay ka ba ngayon? Miss na kita :( ily :*" text ni Jules.

Shooocks! Kaloka may "miss na kita" and "ily" sa text niya. Bakit ganun? Hmmmm. Paano ko kaya to rereplyan?

"Hi, Jules! Okay lang ako. Ikaw? Oo, taong bahay ako ngayon. Para makaiwas gastos. Hehe. Miss you too! And love yah too, best friend! :)" reply ko kay Jules.

Hanggang umabot ng gabi, nagtetext pa rin kami ni Jules. Namiss niya talaga ako siguro, at puno na yung cellphone ko ng mga text messages niya. Bago siya umuwi ng bahay, tinext niya nanaman ako.

JULES: Jackie, pwede ba akong pumunta sa inyo?

JACKIE: Ha? Eh.. Gabi na, Jules o. Tsaka, may lakad ka pa bukas, diba? Maaga ka pa dapat magising.

JULES: Jackie naman e. 8pm pa naman. Darating ako diyan mga 9pm kasi malayo ako sa bahay niyo ngayon.

JACKIE: Malayo ka naman pala. Ba't ka pa pupunta? Ano gagawin mo dito?

JULES: Wala lang. Gusto lang kitang puntahan. Namiss kasi kita.

JACKIE: Naks naman! Naglalambing ka yata ngayon, Jules ha? Di mo ako inaaway. Himala! Hahaha.

JULES: Jackie ha? Pupunta ako. Dadalhan kita ng paborito mong fun shots at chicken burger galing sa KFC. Wag ka muna matulog ha? Darating talaga ako. Seryoso ako.

JACKIE: Oo na. Sige na. Pero wag ka magtagal, dahil baka makatulog ako at si mommy pa yung bubukas ng gate. Hahaha

JULES: Yes, jackie. Papunta na ako ngayon. Hintay lang.

Jackie's POV:

Nakuuu! Pupunta daw si Jules dito sa bahay. Ano kaya gagawin namin? San kaya yun galing? At bakit magdadala pa ng pagkain para sa akin? Hmmm. 

Jules' POV:

Yeeees! At pumayag din si Jackie. Makikita ko na talaga siya. Miss na miss ko na kasi siya. At may kailangan din akong sabihin sa kanya. Sana nga masabi ko. Hehe.

Nakalipas ang 30 minuto. Dumating na rin si Jules dito sa bahay. Sa terrace lang kami nagstay.

Sabi ko sa kanya "Jules, sabi mo 9pm ka pa darating? Eh 8:30pm pa lang. Bilis ah. Hehe"

"Siyempre, Jackie. Magaling akong driver eh. Hahaha!" pagmamayabang ni Jules.

"Jackie. May sasabihin nga pala ako sa'yo" biglang nagseryoso ang best friend ko.

"Ano yun, Jules? Sige, sabihin mo na. Ng makauwi ka na at mukhang pagod na pagod ka na." sagot ko.

"Jackie naman eh. Pinapauwi mo na ako. Kakarating ko nga lang." nagdadrama si Jules, dahil ayaw pa niyang umuwi.

"Hahahaha! Wag ka ngang magdrama diyan. Ano ba kasi yung sasabihin mo?" sagot ko sa kanya.

"Ahh.. Ehhh.. Jackie, gusto kita simula nung 1st year high school pa lang tayo. Di ko masabi sabi sa'yo kasi natatakot akong magalit ka at lumayo ka sa akin. Ayoko masira pagkakaibigan natin. Ayokong layuan mo ako. Pero ngayon, di ko na talaga kayang itago. Lalo na ngayon at mas gumanda ka lalo."  bakas sa mukha ni Jules ang pagka-takot at pagka-seryoso sa lahat ng sinabi niya.

Nagulat ako sa mga sinabi ni Jules sa akin. Hindi ko akalaing totoo nga pala talaga yung mga tinutukso ng mga kaibigan ko. Na gusto pala talaga ako ni Jules. Sa gulat ko, wala akong nasabi.

Natakot si Jules dahil di ako sumagot. Bigla niyang sinabi.

"Jackie, wag ka mag-alala. Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Pero gusto ko lang sana malaman mo na gusto kita at mahal talaga kita. Will you be my girlfriend? Manliligaw na ako ngayon, Jackie. Nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin sa'yo 'to. At maghihintay ako hanggga't sa sagutin mo ako." 

Matapos kong nakapag-isip. Sinagot ko si Jules, sabi ko sa kanya.

"Best friend, alam mo naman diba? Na (NBSB) no boyfriend since birth ako. Kaya hindi ako sanay sa ganitong usapan. Pasensya na Jules ha, kasi wala akong nasagot sa nasabi mo kanina. Pero pag-iisipan ko muna."

"Sige, Jackie. Hihintayin ko ang sagot mo. Nga pala, 11pm na pala. Dapat tulog ka na ngayon. Uuwi na ako ha? Bye, best friend! Good night!" nagpaalam na si Jules dahil 11pm na at dapat tulog na ako. At may lakad din siya kinabukasan.

"Oo nga no? Di ko napansin ang oras. Ang tagal pala natin nagkwentuhan. Hehe. Sige, Jules. Salamat sa pagkain at sa pagpunta mo. Bye! Good night!" sagot ko kay Jules at para bang nahihiya na ako sa kanya.

Matutuloy kaya ang Jackie & Jules love story? Or maging "friendzoned" lang talaga?

Abangan sa part 6! :) 

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon