Part I: Introduction

550 7 4
                                    

Hi, Ako nga pala si Jackie ang best friend ni Jules. Matagal na kaming magkaibigan ni Jules. Simula nung nasa elementarya pa kami. Kilalang kilala ko na si Jules. Ano ang hilig niya, mga naging crush niya, problema sa pamilya. At ganun din siya sa akin. Kilalang kilala na talaga namin ang isa't isa.

Sa ngayon, pareho na kaming nasa kolehiyo. Di kami pareho ng unibersidad na pinapasukan dahil ako ay nasa La Salle at siya naman ay nasa Ateneo. Pareho kaming nasa unang taon ng aming pag-aaral. Bachelor of Science in Entrepreneurship (BSE) ang kinukuha ko at siya naman ay Bachelor of Science in Human Resource Management (BSHRM). Paminsan minsan lang kami magkita. Pero palagi naman kaming nagtetext or nagcocomment ng status sa facebook or di kaya nagcha-chat.

Isang araw....

Biglang tumunog phone ko. Pag tingin ko.

"Ay, si Jules pala yung nagtext. Ano nanaman kaya tinext nito?" Sabi ko sa sarili ko. 

Nung binabasa ko na yung message.

"Hi, Jackie. Kamusta ka na? Magpapatulong sana ako sa'yo." Text ni Jules. 

"Ano nanaman kaya problema nito? Kawawa naman itong best friend ko. Baka problema nanaman sa studies o di kaya sa pamilya nila." Sabi ko ulit sa sarili ko.

"Okay naman ako. Ikaw ba? Kamusta? Ano yung papatulong mo saken?" Reply kong ganun. 

Jules: "okay lang naman ako. Papatulong sana ako pano mangligaw. Hehehe" 

Naku. Binata na talaga 'tong bestfriend ko at may gusto na talagang pormahan. Sino kaya yun? At magugustuhan din ba siya nun? 

Feel free to leave a comment!

Thank you = ) 

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon