Pareho kami ni Jules naging busy sa pag-aaral. Finals na kasi namin, at matatapos na rin ang first sem. Hello, sembreak! Excited na excited kami sa sembreak kasi may plano kaming magkita ng barkada.
Lumipas ang isang linggo. Natapos din ang aming mga exams.
JACKIE'S POV: Haaay salamat! Natapos na rin ako sa lahat ng final exams ko. At makakapag-pahinga na rin ako at magkikita kita rin kami ng barkada ko.
JULES' POV: Yehey! Tapos na ang exams. Inuman na. Teka, ang best friend ko! Barkada ko! Magkikita pa pala kami.
*Rings*
NAKUUU! Si Jules, tumatawag.
"Jackie! San ka? Malapit ako sa La Salle ngayon. Tapos na ba exams mo? Susunduin kita ngayon. Nood tayo sine kasama si Karen, di raw makakasama sina Dianne at Andrea eh."
Si Karen, Dianne at Andrea ang barkada namin ni Jules. High school pa lang kami, kami na yung magkakasama sa recess, lunch at sa uwian.
"Ah eh. Jules, katatapos lang ng exams ko. San ka na ba banda? May kakausapin lang ako saglit, at pwede mo na akong daanan dito. Magkasama na ba kayo ni Karen?" sagot ko.
"Hindi ko pa siya kasama. Sige, Jackie. Text mo nalang ako para sunduin kita sa front gate ng La Salle."
"O sige, Jules. Kita kits!"
Tinago ko na yung cellphone ko at pinuntahan yung mga kaklase kong gumagawa ng plano para sa outing namin. Nakikinig nalang ako sa kanila, dahil hindi naman ako sigurado na makakapunta ako.
Matapos ang meeting namin, tinext ko kaagad si Jules.
"Jules! San ka na? Pwede mo na akong puntahan dito sa school :)"
"Jackie. Nasa labas na ako. Yung kotse na black yung gamit ko ha?"
"Sige, Jules. Palabas na ako."
Pagsakay ko sa kotse ni Jules, tinext ko kaagad si Karen na papunta na kami ng SM. Kanina pa kasi nandun si Karen kasama ang mga kaklase niya. Si Karen ay nag-aaral sa UP.
Habang papunta kami ng SM. Napansin ko iba yung aura ni Jules. Mukhang sobrang saya niya. Ano kaya iniisip niya? Ba't siya nakangiti? Ano nangyari bago niya ako sunduin?
Pagdating namin sa SM, bumili kaagad kami ng ticket. Shark Night yung panonoorin namin. Bumili kami ng snacks namin. Dahil pareho kaming tatlo di kumain ng lunch para makapag-aral sa exams.
Pagpasok namin sa sinehan, "Jackie! Tabi tayo. Sa gitna ako" sabi ni Jules.
"OA ka talaga, Jules. Di naman yan horror eh. Ikaw talaga." sabi ko.
"Sige na. Magsisimula na ang palabas ohh." pilit ni Jules sa akin.
"Oo na! Sige na. Upo ka na diyan. Bilis!" sagot ko kay Jules.
Pagkatapos ng movie, nag-usap2x kami na magkaroon kami ng konteng inuman. Tapos naman ang exams namin, bakit di kami mag-inuman? Hahaha!
Bumili kami ng Vodka sa SM at ininom namin sa parking area ng isang grocery store malapit sa bahay namin. Enjoy na enjoy naman kami sa kwentuhan, kainan at inuman namin.
Hindi naman ako lasing, pero talagang napansin ko ang titig ni Jules sa akin. Iba ang tingin niya sa akin, para bang may dumi sa mukha ko at ganun siya kung makatingin sa akin.
Di na ako mapakali at lumipat ako ng puwesto. Dun ako sa likod ng sasakyan niya nakaupo. Tinabihan ako ni Jules at dumikit sa akin.
"Bakit kaya ganun si Jules? Anong nangyari sa kanya? Bakit ganun nalang siya kung makatingin sa akin?" tanong ko sa sarili ko.
Abangan ang kasagutan sa mga tanong ni Jackie sa part 5 :)
Salamat sa pagbasa ng kwentong ito. Bitin ba?
Pasensya na kayo ha. Hihihi :>
BINABASA MO ANG
Best friends
ФанфикTotoo ba talaga na di pwedeng maging mag boyfriend/girlfriend ang magbestfriends? May posibilidad bang maging sila matapos ng lahat ng pinagdaanan nila? Magkakaroon ba ng bestfriends to lovers na relasyon? Or sadyang hanggang bestfriends lang talaga...