Part 7: Moving Closer

144 5 3
                                    

Dedicated po itong part 7 kay (mjd0616). Nainspire po kasi ako sa ginawa niyang story. Yung I DO TAKE TWO. Basahin niyo rin po yun, nakaka-kilig talaga! :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Jackie's POV:

Ano ba naman to. Umaga hanggang gabi text kami ng text ni Jules. Di ko naman maiwasang maisip siya dahil best friend ko siya at tinetext niya ako parati. Paano ba to. Parang nahuhulog na yata yung loob ko sa kanya. ANO BA JACKIE?! Bago pa nga lang nanligaw eh parang gusto mo na siya. HINDI ITO TAMA. KAILANGAN KO PIGILAN ANG SARILI KO. Haaaay.

*CELLPHONE RINGS*

OMG! Si Jules. Ano nanaman kaya ang sasabihin o plano nito?

"UGH. Hello? Jules? Napatawag ka?" sagot ko.

"Jackie? Busy ka ba? Pwede ba tayong magkita ngayon? Susunduin nalang kita diyan sa inyo." sabi ni Jules na halatang seryoso talaga.

"Di naman ako busy. Bakit? San ba tayo pupunta? Di pa ako naliligo e. Makakapag hintay ka ba, Jules?" sabi ko sa kanya.

"Oo naman, Jackie. Hihintayin kita kahit gano ka pa katagal. Sige, maligo ka muna. Tatawagan nalang kita ulit kapag nasa labas na ako ng bahay niyo." sagot niya sa akin.

"Bolero ka talaga, Jules! O siya. Sige na, maliligo muna ako. Bye." sagot ko sa kanya na naka ngiti. 

Makalipas ang isang oras.......

Jules' POV:

Paano ba to? San ko kaya dadalhin si Jackie? Sanay pa naman yun kumain sa mamahaling restaurant. Wala akong maisip kung san kami mag lulunch. Ano pag-uusapn namin. Aaaahhhh. Bahala na. WAAAHHHH. Tekaaa! Lampas na pala ako sa kanila. Ano ka ba, Jules?! Umayos ka nga. Ba't natataranta ka? Eh di niyo naman first time magsasama ni Jackie na kayo lang dalawa ah. 

Jackie's POV:

Tapos na ako maligo at magbihis, wala pa din si Jules. San na kaya yun? Di pa tumatawag. Sige, makapag-music na nga lang muna. 

NOW PLAYING: Hate That I Love You - Rihanna

*CELLPHONE RINGS*

"Ah. He....." di na ako nakapag tapos ng salita dahil biglang nagsalita si Jules.

"JACKIEEEE!! Hate that i love you pala ha? Mahal mo na ba ako? Hehehe." panuksong sabi ni Jules.

"Tumahimik ka nga, Jules! San ba lakad natin? At ba't naka pasok ka dito? Sino may sabing pumasok ka?" pag-iwas kong sagot sa kanya. Baka kasi kung anu-ano pa yung masabi ko.

"Secret. Malalaman mo lang din yan mamaya. Pinapasok ako ni Tita dahil kanina pa ako text ng text sa'yo. Di ka sumasagot. HMPF!" sagot ni Jules na parang galit.

"Ay. Sorry naman, Jules. Yung sun ko na cellphone binantayan ko kasi sabi mo nga tatawag ka. Di ko alam magtetext ka rin pala dun sa globe ko. Sorry na. Wag ka na magtampo." sagot ko kay Jules na may halong lambing. 

Di na ako sinagot ni Jules sa halip kinuha niya ang bag ko na nasa mesa at hinawakan ang kaliwang kamay ko palabas sa aming bahay. Pilit kong tinatanggal ang aking kamay mula sa kanyang pagkaka-hawak, ngunit mahigpit talaga ang hawak ni Jules sa kamay ko.

"Tita! Alis na po kami ni Jackie. Balik ko lang po siya by 7pm." paalam ni Jules kay mommy.

"Mommy! Alis na po kami. Nagmamadali yata itong si Jules. Ewan ko sa kanya. Uuwi ako by 7pm ha? Bye, mom!" paalam ko naman kay mommy.

"Sige, Jules! Ingatan mo anak ko ha. Jackie, ingat ka. Text mo ko pag pauwi ka na." sagot ni mommy sa amin ni Jules.

Paglabas namin ng bahay. Pinagbuksan ako ng pinto ni Jules at binigay ang bag ko. Pinaandar na niya ang kotse niya at umalis kami ng bahay.

Sa loob ng sasakyan..........

Jules: Magsalita ka naman, Jackie. Ang tahi-tahimik mo naman. Di bagay sa'yo. Hahahaha

Jackie: Tumahimik ka nga, Jules! Nanunukso ka pa diyan. San ba tayo pupunta?

Jules: Biro lang! Wag ka naman magalit. Naglunch ka na ba, Jackie?

Jackie: Oo, tapos na ako. Bago ka pa tumawag para ayain akong lumabas. Kumain na ako. Tsaka anong oras na ohhh. Mag a-alas dos na kaya.

Jules: Kasi ako. Di pa ako naglulunch eh. Gutom na ako :( samahan mo naman akong kumain. Please?

Jackie: Sinundo mo ako sa bahay para lang samahan kang kumain ng lunch?! Ano ka ba, Jules. Di ka nagsabing gutom ka pala. Dapat sa bahay ka nalang kumain. 

Jules: Nahihiya ako kay Tita Lorna eh. Sige na, Jackie. Sa mall lang naman. 

Jackie: Oo na. Sige na. Hmpf!

Pagdating nila sa mall.........

Dumeretso agad sila sa isang chinese restaurant na paborito ni Jules. Habang umoorder si Jules.

"Jackie, ano gusto mo?" tanong ni Jules.

 "Wala, Jules. Di ako gutom. Ikaw nalang yung umorder." sabi ko sa kanya. 

"May chocolate shake sila dito, diba? Baka gumusto mo? Orderan kita?" paglalambing ni Jules sa akin.

"Ah. Sige. Chocolate shake lang ha. Di ako kakain talaga. Busog pa ako." sagot ko kay Jules.

"Opo, master! Kayo po yung masusunod."  panunukso ni Jules sa akin.

"Kuya, isang chocolate shake. Tsaka mango shake para sa akin. Tsaka isang taosi fish rice at isang siomai. Yun lang. Salamat." sabi niya sa waiter.

Pagdating ng order nila. Nagkukuwentuhan sila at tuwang-tuwa naman si Jules at napapayag niya si Jackie na sumama sa kanya. 

"Jackie, san mo gusto pagtapos natin dito? Gusto mo manood ng sine?" masayang alok ni Jules sa kaibigan.

"Ahh... Eh... Ikaw, Jules. Ikaw bahala." sagot ni Jackie na parang naiilang.

"Tara! Maaga pa naman eh. Manood tayo ng Kung Fu Panda 2. Gusto ko manood nun eh, at alam ko rin na gusto mo yun. Tama ba?" paninigurado ni Jules. Para mag-enjoy talaga si Jackie sa friendly date nila.

"Ah. Oo! Ang cute lang kasi ni Po eh! Tara?! Bili na tayo ng ticket! Ako na magbabayad." sagot ni Jackie na may halong excitement.

"Galing ko talaga! Kilalang kilala na talaga kita, Jackie. Ba't di nalang kasi tayo? Hehehe. Loko lang! Wag, Jackie. Ako nagyaya sa lakad na 'to. Kaya ako yung manlilibre. Ikaw nalang pumili kung san tayo uupo." bakas sa mukha ni Jules ang pagka-saya dahil makakasama niya si Jackie first time na silang dalawa lang manonood. Yung wala ang barkada.

Hindi na sumagot si Jackie dahil alam naman niyang hinding hindi talaga papayag si Jules na siya yung magbabayad sa mga lakad nila.

ANO ANG MANGYAYARI SA LOOB NG MOVIE HOUSE? MAIILANG BA SI JACKIE NA KASAMA SI JULES? OR PARANG LOVE BIRDS SILA SA LOOB? 

Abangan sa Part 8! 

Bitin ba?

Pasensya na. Sa next UD ko nalang po.

Sana nagustuhan niyo.

Salamat sa pagbabasa.

:D 

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon