Part 9: Acceptance

140 4 0
                                    

Ng nakalabas na sila sa parking lot ng SM Megamall. Biglang hinawakan ni Jules ang kamay ni Jackie. Nahihiya man si Jackie pero pinagbigyan niya ang kanyang nobyo.

"Ahhh. Babe? Pwedeng magtanong?" nag-aalangan man pero parang seryoso talaga yung tanong ni Jules para kay Jackie.

Nagtataka si Jackie dahil bakas sa mukha ni Jules na kinakabahan ito. Ano kaya tanong nitong si Jules? Ang seryoso yata nito ah. 

"Babe?" 

"Ay! Yes, babe. Oo naman. Pwedeng magtanong. Ano nga pala yung itatanong mo?" gulat na sabi ni Jackie dahil di siya naka sagot agad sa sinabi ni Jules.

"Ah. Eh. Kasi, babe. Curious lang ako. Kailan natin sasabihin kay Tita Ness?" tanong ni Jules. Si Tita Ness ay ang mommy ni Jackie. 

Dahil sa closeness ni Jules sa family ni Jackie. Alam ni Mommy Ness na may gusto si Jules kay Jackie. Pero di niya lang ito sinabi kay Jackie at baka layuan pa nito ang binata. Si Mommy Ness din yung unang nakaalam na nanligaw si Jules sa binata.

"Babe, sabihan nalang natin mamaya pag dating natin sa bahay. Ayoko naman itago to sa kanila at baka mapagalitan pa ako." sagot ni Jackie.

Mas lalong kinabahan si Jules dahil first time niyang makakausap ang daddy ni Jules na si Daddy Rudy. Strict kasi ang daddy ni Jackie kaya natatakot ang binata at baka di siya magustuhan ng daddy ni Jackie.

"SURE KA, BABE?! Sasabihin natin agad ngayon? Pagka hatid ko sa'yo? Papasok talaga ako sa bahay niyo?" napakamot ng ulo si Jules ng marinig ang sinabi ni Jackie.

"Oo, babe. Sabihin na natin agad. Wag ka ngang OA, babe. parang first mo lang?! Eh naka ilang punta ka na kaya sa bahay! Hahaha" sagot ni Jackie na natatawa sa reaction ni Jules.

"Babe naman. Kinakabahan lang ako at baka di papayag parents mo na ako yung maging nobyo mo. Sino ba naman ako diba? Tsaka ang alam lang naman nila eh bestfriends lang tayo. Baka magulat sila. Babe, sure ka na ba talaga diyan?"  bakas pa din sa mukha ni Jules ang pag-aalala. 

"Alam naman ni mommy na nanliligaw ka na eh. Tsaka for sure, sinabihan na rin niya si daddy. Kaya wag ka na mag-alala, babe. For sure, okay lang yun sa kanila. Tsaka kilalang kilala ka naman nila mommy at daddy eh. Ilang taon na kaya tayong magbestfriends. Ilang taon ka na rin nanggugulo sa bahay. Hahaha. Loko lang, babe." sagot ni Jackie na hinaluan ng biro para maging okay na ang boyfriend. 

"Nanggugulo? Wooow, Babe. Sakit naman nun!" kunwaring nagtatampo si Jules para lambingin ni Jackie.

"Asuuus! Tampu-tampuhan nanaman. Wag ka ngang mag emote diyan, Jules! Biro lang yun" 

"Jules? Kala ko ba "babe"?

"Oo na. Sige na nga. I love you, Babe!"

"I love you too, Babe!"

Traffic papunta sa bahay nila Jackie kaya 8:45pm na, wala pa din sila sa bahay nina Jackie.

*CELLPHONE RINGS*

-CONVERSATION-

Mommy Ness: Jackie, anak. Nasan ka na ba? 8:45pm na. Sabi ni Jules 8pm, ihahatid ka na niya.

Jackie: My, pasensya na. Traffic lang po. Mga 9pm, nandiyan na po kami.

Mommy Ness: Sige. Mag ingat kayo. 

Jackie: Opo.

Pinutol na ni Mommy Ness ang call. 

"Babe? Galit ba si Tita Ness?"

Best friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon