Chapter 14

2.1K 62 2
                                    

Azunnah Snow's POV

After bumisita nila Ate Real ay mukhang matatalino talaga sila. Ryle caught me. Alam nyang nagpapanggap lang akong tulog upang makaiwas sa tanong nila.
Kaya ayun na interview si Third. Right. Alam nilang hindi ako magsasalita kaya si third ang kota sa pagsagot.

And halos mamatay na ako kakapigil  na wag tumawa. Napaka tanga naman kasi ng Reason nya. Sinabi nyang napagkamalan lang akong kaaway ng drug addict dahilan para mabaril ako. Alam naman daw na hindi nakapag iisip ng tama ang drug addict. At nawala ako ng ilang araw dahil gumawa kami ng  project at hindi pwedeng sabihin dahil na assign daw kami umano ng patago. And this PROJECT KUNO is confidential. Sinong tanga ang maniniwala?

Pero paniwalang paniwala sila sa mga rason ni Third. Maliban kay Ryle at Zero. Alam nilang nagsisinungaling lang kami dahil kaklase namin sila. Sadyang tanga lang si Eunice para hindi ito malaman.

Nagpaiwan si Ryle, Zero at Third. Sila umano ang mag babantay sa akin. But knowing them, alam kong tatanungin lang nila ako.

"Explain Snow.." Kalmadong sabi ni Ryle. Napahikab na lang ako. Walang dapat makaalam sa totoong nangyari. As much as possible. Gusto kong protektahan si Keifer.

"Explaining is not my thing.." Tipid kong sabi at ipinikit ang mga mata. I'm still awake. Ayoko lang na tanong sila ng tanong

"She won't tell the truth. Baka may rason sya kung bakit. Let's just understand her.." Paliwanag ni Third. Natahimik naman si Ryle at Zero

"Okay. Just take care always Nyebe. I'm gaddamn worried.." Sabi ni Zero but I didn't expect na yayakapin nya ako. A sincere and warm hug.

"Ehem. Mamaya na yang lambingan.."Pag singit ni Third kaya agad lumayo si Zero habang patay malisya naman ako.

"Uhhh-- G-Galit ka pa ba?" Tanong ni Zero. Hindi sya makatingin ng deretso sa mata ko. Napataas naman ang kilay ni Ryle samantalang napasipol si Third. Napakunot ang noo ko. Bakit naman ako magagalit? At kailan ako nagalit sakanya? Ganun ba talaga ako ka occupied para hindi ko maalala yun?

"I think nakalimutan nya na yun. Knowing snow.." Natatawang sabi ni Third na paa bang sinasabing napaka ulyanin ko. Mabilis ko syang tinapunan ng unan dahilan para sumakit ang tama ko. Fvck. I forgot.

"Are you okay?" Bakit parang may nagbago kay Zero? It's like he's too worried.

"Are you hitting on my Cousin?" Seryosong tanong ni Ryle.

"What? No! It's normal na mag alala ang isang tao Ryle."

"Pero masyado atang sobra ang pag aalala mo?"

"Because, She's my girlfriend.." He looked at me squarely in the eye. Sana lang mali ang hinala ko. I know that he isn't hitting me. Something's wrong. Nag papanggap lang sya. But why?

"Okay. Sabi mo eh.. By the way I'm going" sabi ni Ryle at humalik sa noo ko.

"Ingat Going.." Pang aasar ni Third. Inirapan ang sya ni Ryle saka lumabas na. Tatlo na lang kaming nasa loob.

"Why?" Alam kong alam nya ang ibig kong sabihin.

"Kahit nagpapanggap lang tayo, totoo parin ang ipinapakita ko. You know how much I treasure my sister and lahat ng babaeng parte na ng buhay ko.." Paliwanag nya pero may parte sa akin na nagsasabing may mali. Hinayaan ko na lang ang bumabagabag sa akin.

"Bakit magkasama kayo?" Napatingin ako kay Third. Hindi dapat nya malaman na may koneksyon kami ni Third.

"Actually may sakit ako kaya nag pa check up ako and luckily nakita ko si Snow na nag aagaw buhay kaya dinala ko sya dito.."

"Fine. I know you wont tell me.." Sabi nya at umalis agad. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Third

"Mukhang nagtatampo ang nobyo mo ah?" Napahikab na lang ako. Nonsense kausap





And after how many days, ngayon ay papasok na uli ako sa school. Back to my normal life. Hindi naman masyadong malala ang naging tama ko. Sadyang maraming dugo lang ang nawala sa akin.

Nagpunta muna ako sa locker ko para ilagay ang mga gamit ko. I was heading to the locker room ng may biglang bumangga sa akin. Nahulog ang mga gamit nya samantalang wala namang nangyari sa akin. It's like masyado lang syang OA para tumilapon ang gamit nya. Sinadya nya kumbaga

"S-Sorry!" Paumanhin nya. Ang akala ko ay isang babaeng maldita ang nakabangga ko pero isa syang nerd. Maybe she's too clumsy kaya tumilapon ang gamit nya

Hindi ko na sya pinansin at naglakad na palayo. Hindi sya pamilyar sa akin. At hindi ko sya pagsasayangan ng oras ko.

Tumambad sa akin ang limpak limpak na mga sulat or should I say love letters? And a Stuff toy with chocolates. Damn. Kaya ayokong nagbubukas ng locker eh.

I think galing ito sa mga tangang secret admirer ko. Naiinis lang ako. If they're serious about me, they should be brave enough para magpakilala. Seriously, ang bulok ng style nila.

Napahikab na lang ako. Bahala ng magkalat ang mga yan. May nag lilinis naman dito. And besides, ayoko ng chocolate. Damn Corny.

"Nye--- este Snow, ano yan?" Tanong ng bagong dating na si Eunice. Hindi ko sya sinagot. It's too obvious.

"Love letter nga naman yan. Uy akin na to ah?" Tumango lang ako. She's pertaining to the chocolates and stuff toy. At syempre alam kong kukunin din nya ang mga sulat na yan. Aalamin nya kung kanino galing yun at syempre aasarin nya yun.

Hindi ko alam kung bakit parang may tinatago ang nerd na yun. The way kung papaano sya tumitig ay para bang matagal nya na akong kilala.

Wala masyadong nangyari sa araw na ito maliban sa pamemeste nila Third at Zero. Kung makipag asaran sya ay parang walang nangyari nung huling pag uusap namin. O sadyang kinalimutan nya talaga. After dismissal ay aalis na sana ako ng Room ng marinig ko ang pagrereklamo ni Zero

"Fvck. Ayaw nya pala sa chocolates?!"

"Oo kaya kinain ko. Uyyy bakit mo sya binigyan nun?" Dinig kong pang aasar ni Eunice

"Yan yung araw na nawala sya.." Sagot ni Zero. Hindi ko alam pero napangiti ako ng bahagya. Nag effort pa talaga sya. Saka ako lumisan ng Room

Snow White And The Villain [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon