Azunnah Snow's POV
I don't know what to do. Ayaw kasing pumayag ni Ryle na sumama. Wala naman syang gagawin eh. Tatayo lang sya dun ang arte pa.And wala din si Mom. Asan sya? She's on heaven. Iniwan agad ako. Mapait akong napangiti. How I missed her
Hindi ko rin pwedeng sabihin kay Ate Real dahil siguradong grounded ako ng ilang weeks pag nagkataon. At baka hindi ko na magawa ang missions ko.
Halos ilang linggo o buwan na ba simula ng huli kong nakita si Hàvamàl Head. Wala pa din akong alam tungkol sa Mission ko. Hindi rin naman ako tinawagan ng agency? Baka alam nilang sobrang stress na ako. Just kidding.
"So Paano na?" Third asked. Kasalukuyan kaming nasa coffee shop. Hindi na kami pumasok dahil nakakatamad rin naman tsaka may pag uusapan pa kami.
"Ayaw ni Ryle.." Walang ganang sagot ko saka sumipsip ng hot choco. Fudge ang init pala -.-
"Dahan dahan kasi.." Inabot nya sa akin ang tissue "Ako na lang kaya?" Napairap na lang ako. Hindi ko alam kung nag iisip pa ba sya
"Witness ka.."
"Si Travis?"
"Guardian kailangan ko hindi baliw.." Ano na nga bang gagawin ko? I only have 2 hours bago ang meeting with the dean. Peste. Saan ba ako makakahanap ng Guardian na yan?!
"#Wanted Guardian.." Pang aasar ni Third "Hehehe Biro lang.."
Biglang tumunog ang Phone ko. A message from Spencer.
"Ano yan?" Tanong nya sabay lapit sa ulo nya para tumingin
"Cellphone?" Sarkastikong sagot ko
"Aish. Akin na nga!" Hinablot nya ng walang pasabi ang phone ko. Bastos.
"Done. I'm on my way.." Nakakunot ang noo nya sa binasa nya. Naguguluhan syang tumingin sa akin "Huh? Enlighten me.."
"Tungkol yan kay Lhalaine Fernadez.."
"Ahh that nerd. May kinalaman kaya sya sa nangyayari sayo?" Napailing ako. I dont know. Pero nagdududa ako sakanya. At dala ni Spencer ang sagot sa mga tanong ko.
Muli akong napasimangot. Sino kayang magiging guardia---
"Fvck! Si Spencer!" Naisigaw ko sa tuwa dahilan para mapatingin sa amin ang ilang costumer.
"Asan si Spencer?" Mukhang tangang inilibot ni Third ang mata nya sa coffeeshop
"Nah! I mean He can be my Guardian!" Nakangisi kong sabi.
"Seriously?"
Tumango ako "Speaking of.." Ngumuso ako sa lalaking paparating. Well He looks like a business man. Naka all black. From Black polo down there. Halos nakatingin sakanya ang mga costumer habang naglalakad sa papalapit sa amin. May ilan ding tumitiling babae. Wow magic. This jerk is so charming right now.
"Oh? Andito ka pala Tres?" Nakangising tanong nya kay Third.
"What a dramatic entrance Spencer.." Sarkastikong sabi ni Third.
"Take a sit.." Utos ko. As much as possible kailangan kong matapos to. Marami pa akong kailangan gawin.
"So Here's the Info and Data about that Nerd.." Inabot nya ang black case nya
"Seriously? What's with the black?"
"A color?" Sarkastikong sagot ni Spencer Kay Third
"Hey! Baka nakakalimutan mo? Captain mo ako!" Inis na sabi ni Third.
"Well? Wala tayo sa Mission Third kaya shut up. And I have my new captain.." Sagot ni Spencer sabay turo sa akin.
"Tss.." Binuksan ko ang Black case at bumungad sa akin ang mga impormasyon tungkol kay Lhalaine Fernandez
-Lhalaine Kim Fernandez
-17 years old
-Madelaine Fernandez
-Rommel Fernandez
-Section D
-South Elite University"Hindi to ang kailangan ko Spence.." Inis kong sabi.
Napatawa naman sya. "Of course Captain. Ang totoo nyan. Nasa Usb lahat ng info nya. And I think matatagalan ka kung babasahin mo pa.."
"Spill it Spencer.."
"She has a Record on Mental Hospital.."
"You mean? Baliw sya?" Kunot noong tanong ko
"I don't know. Sabi eh nakalabas naman daw kasi walang patunay but I guess gumamit lang ng pera para makalabas ang anak nila.." Paliwanag nya.
"Well I think that nerd has something on her sleeves. Maybe a knife. Lol." Biro ni Third. Wala syang sense of humor
"Sabi ko nga corny.."
"And She planned it all. Nahuli ko ang isang lalaking naghagis ng baril sayo. He said he was just doing his Job. Napag utusan sya ni Fernandez. And the picture that was seen by the Dean was taken by her Cousin. Sean Fernandez. Halatang planado ang lahat but sorry for her, hindi nya kilala ang binabangga nya.."
Well Spencer's right. Pero bakit nya gagawin yun? As far as I know wala akong ginawa sakanya.
"At bakit naman nya ginawa yun?" Singit ni Third
"It's for you to find out captain. Para saan pa at ikaw ang Pinaka magaling na agent ng Hàvamàl Agency?" Napangisi na lang ako. Maasahan talaga ang kupal na to
Tumayo na ako saka seryosong tumingin sakanya "Come with me. I need a lawyer.."
"Waw. Kahapon detective ako, kanina stalker ngayon naman lawyer?"
Napairap ako "Nagrereklamo kaba Zeus?" Tinawag ko sya sa codename nya.
"N-No Captain! Tara ba!"
Good. Napangisi ulit ako. Be ready Lhalaine Fernandez, You'll pay for giving me another problem. Peste. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sakanya
BINABASA MO ANG
Snow White And The Villain [BOOK 1]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Snow white and the villain BOOK 1. According to SNOW MONTERO, her life is boring. Hindi sya si Snow white pero they have some similarities. Her skin is white as snow. Ideal girl na kumbaga yun nga lang ang ating bida ay napaka antukin at...