Azunnah Snow's POV
"Ayieee, nakita ko yun Nyebe.." Pang aasar ni Eunice. Napairap na lang ako. Hindi ko na papatulan si Eunice dahil maasar lang ako
"Ang alin?" Ryle asked. Inilapag nya ang pagkain namin sa mesa. It's lunchtime at andito kami sa Cafeteria.
"Cheeee! Wag kang chismoso Ryle. Pero kung gusto mong malaman, 2k muna.." Pang aasar ni Eunice.
"Saksak mo sa baga mo.." Pang babara ni Ryle.
"Nyebe! Alam mo bang andami ng lumalandi sa boypren mo?" Sabi ni Eunice sabay kain ng Fries
"Nasa kanya na yun kung magpapalandi sya o hindi.." Sagot ni Ryle. She's right. Dagdag lang yun sa problema ko
"Eh si Paano si Summer?" Sinong summer? I don't know her
"Di yan kilala ni Snow.." Sagot ni Ryle
"Alam mo Ryle, paepal ka eh. Hindi ikaw ang kinakausap ko tapos sagot ka ng sagot.." Sarkastikong sabi ni Eunice. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sakanila
"What happened to her?" Tanong ko sabay nguso kay Lhalaine na nasa malayo pero kitang kita ko kung paano nya buhusan ng drinks ang babae.
"She's acting like a bitch.." Inis na sabi ni Ryle.
"Nung umalis ka eh naging ganyan nayan. Makakaya ko pa ang katarayan ni Avryl pero yung sakanya eh nakakainis. Yung tipong nakakapikon.." Paliwanag ni Eunice. Tatlo lang kami ngayon dahil hindi pa tapos ang klase nila
"Oh. Paparating na ang MGA prinsipe mo.." Pang aasar ni Eunice. Napairap na lang ako. Mabwebwesit lang ako
"Are you avoiding me babe?" Seryosong tanong ni Zero. Huh? Iniiwasan ko ba sya?
"Woah? LQ?" Pang aasar ni Third
"Na traffic ata yung sagot ni Nyeb--- Este Snow.." Pang aasar din ni Eunice. Ano kayang mangyayari kung magkakatuluyan si Third at Eunice? Mag aasaran kaya sila
"Come on Gabriel. Kumakain si Snow oh.." Sabi ni Travis at umupo sa tabi ko.
"Hi Snow!" Nakangiting bati nya sabay lapag ng pagkain nya.
"Fvck off Travis.." Malutong na mura ni Zero pero parang hindi sya narinig ng kapatid nya.
Napairap na lang ako ng umalis si Eunice para makaupo sa tabi ko si Zero
"Sinong pipiliin mo? Travis o Zero?" Pag kanta ni Eunice.
"Mahal mo o mahal mo'ko?" Pagkanta rin ni Third. Hindi na ako nagulat ng may lumipad na fries at naglanding sa mukha nya.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Zero.
"Huh? May sinabi ba ako?" Patay malisyang sabi ni Third
"Ang sabi nya Ay maha---"
"Alam mo Eunice, gutom lang yan.." Putol ni third kay Eunice sabay lagay ng fries sa bibig nya
"Bwiteth!" Inis na sabi ni Eunice na hindi naman namin mantindihan
"Hanu?" Pang aasar ni Third kay Eunice
"Tabi ko Bwite--- (ubo-ubo).."
"Oh? Okay ka lang?" Pang aasar ni Ryle sabay abot ng tubig.
Napairap na lang ako. Pati oras ng pagkain nag aasaran sila. Ayan tuloy
"Snow/Nyebe oh.." Sabay na sabi nina Travis at Zero. Nakalahad sa magkabilang gilid ko ang mga inaalok nilang pagkain. Hawak ni Travis ang ice cream na may mani habang kay Zerone naman ay chocolate cake na may mani rin. Seriously? Papatayin ba nila ako?
"Allergic si Snow sa peanuts guys.. Heto Snow oh.." Sabi ni Third at inilahad ang cheese cake
Napakunot naman ang noo ni Ryle at Eunice. Patay baka mahalata nila
"Paano mo nalaman?" Ryle asked him
"Uhhh.. Binigyan ko sya dati nyan eh tapos Allergic daw sya kaya ayun.." Pag sisinungaling ni Third. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ng dalawa kong katabi
"Bakit mo sya bibigyan? Do you like her?" Travis asked. Patay kang tres ka.
"B-Bawal ba?"
"Oo nga naman, pag magkaibigan kayo, okay lang ang nagbibigayan.." Pag singit ni Eunice
"Basta pagkain ano?" Sarkastikong tanong ni Ryle kay Eunice
"Shut up Ryle.."
"I'm going.." Putol ko sakanila. Hindi ko na kayang tiisin ang kalokohan nila. And besides, mamayang gabi ko na malalaman kung asan si Keifer.
Remember about the deal? Ngayon na ako maniningil ng bayad.
Matagal na rin ang huli naming pagkikita ni keifer. After that incident, nawala na sya. And I can't find him. Kung sino man ang boss nya, hindi sya basta basta dahil nagagawan nya ng paraan ang mga gunman nya.
"Saan ka pupunta Nyebe?" Seryosong tanong ni Zero. Paano ko ba sya sasagutin? Hindi nya pwedeng malaman ang tungkol kay Keifer
"Patay.." Dinig kong sabi ni Eunice
"Gabriel?" Tanong ng isang babaeng ngayon ko lang nakita.
"S-Summer.."
"Sino sya babe?" Tanong ulit nito kay Zero. Babe? So may girlfriend si Zero? Anong ibig sabihin nito?
"Stop acting like an obsessed bitch Summer.." Seryosong sabi ni Zero
"Huh? I'm your girlfriend! And who the fvck is that girl!" Sigaw nito sabay turo sa akin. Tss.
"I don't care. I need to go.." Sabi ko saka naglakad papalayo. Dinig ko ang pag ingay ng upuan, hudyat na tumayo si Zero
"Wag mo syang susundan.." Dinig kong sabi ni Ryle. Buti alam nya.
I need to get out of this shit
BINABASA MO ANG
Snow White And The Villain [BOOK 1]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Snow white and the villain BOOK 1. According to SNOW MONTERO, her life is boring. Hindi sya si Snow white pero they have some similarities. Her skin is white as snow. Ideal girl na kumbaga yun nga lang ang ating bida ay napaka antukin at...