Chapter 49

1.3K 33 0
                                    

[Eunice's POV]


Sa totoo lang, kanina ko pa gustong gustong mag ingay pero dahil andito ako sa kulungan este sa Mansio--- Palasyo ng Montero Clan ay hindi ko magawa. Katabi ko Si mom at mamamatay ako ng maaga kapag gumawa ako ng kalokohan.


Napatingin ako kay Snow na katabi si Erzen at Dad nya. I know she's not comfortable with them. Alam namin kung gaano nya ka kinamumuhian ang dalawang taong nasa tabi nya. Napailing na lang ako.

Napalingon naman ako kay Ryle at Shey. Magkatabi sila kasama ang parents nila. Nakakatakot si Tita o ang mommy ni Ryle. Si Tita Rhea. Mukha palang alam mo ng strikta. Isang tingin lang nakakamatay na. Nagtama ang paningin namin ni Ryle

I smirked at her.


Ngumisi din sya pabalik pero nakita kong agad syang kinurot ni Tita Rhea kaya napakagat nalang sya sa labi nya at masamang tumingin sa akin. Wengya. Ako pa ata sinisisi nya.

"So is it true that Azunnah is dating a random guy?" Seryosong tanong ni Tita Rhea.

Fvck. Sabi na e.

Agad nabuo ang tension sa dining hall. Sobrang tahimik at ni isa wala atang balak na magsalita

"Rhea, Correction, it's not just a random guy but the heir of Dandellon Clan.." Nakangiting saad ni Tito Von, tatay ni Ate Real. Para syang isang binatang kinikilig. Aba?! binubugaw nya ba si Snow kay Zero?


"Is it true Azun?" Tanong ng daddy ni Snow [Tito Dave]. Tumango si Snow. Hindi man lang ba sya mag eexplain? Simula nung hindi na sya maalala ni Zero e bumalik na sa pagiging cold si Snow. Back to her Icy personality.


Wengya.

Naririndi na ako sa Azun, Azunnah nila kay snow! Hindi ako sanay na may tumatawag sakanyang Azun at Azunnah e.

"It's nonsense, They broke up last week. And the young man we're talking about has amnesia.." Saad ni Tito Hendrick, Felicity's Dad.

Dahek?

Parang sumasabak kami ngayon sa isang gyerang wala kaming ka alam alam. Bakit alam yun ni Tito Hendrick? Napailing nalang ako. Bakit pa ako magtataka? They have their ways.

"Anyway, Avryl's 18th birthday is approaching so fast. December 15. And I'm planning to introduced her to the crowd and specially to his soon to be fiancé.." Anunsyo ni Tito Avron. Halos mapanganga ako ako sa sinabi ni Tito. Napatingin naman ako kay Avryl na naka poker face lang.

Kaya ayokong maging 18 na e. Ipapakilala kasi kami sa magiging Fiance namin. Well to be honest, May fiance na si Ate Real. Magpapakasal lang umano sya kapag naka graduate na sya. Sumang ayon naman ang lahat. Not until nakilala nya si Trent which is her current boyfriend. Alam ng family nya and they are planning to arrange their marriage pero umangal uli si Ate Real at sinabing wag muna dahil hindi pa sya handa. Ang sarap kaltukan e. Ansaya nga nun kasi payag mga magulang nya na si trent ang pakakasalan nya pero masyadong pakipot si Ate Real.

Sa kaso naman ni Avryl, wala syang magagawa. Masyadong strict ang parents nya. Kaya naging ganyan ang ugali nya. At sino naman kaya ang magiging fiance nya? Okay lang naman siguro sakanya. Wala naman syang jowa e.

"Good to hear that. But who's the lucky guy Tito?" I asked. Syempre English muna tayo. Mahirap na at baka makurot ako sa singit ni Mom.

"Jayone Rios. The heir of the Rios inc.." Napakunot ang noo ko

"Huh?! Si boplaks?!" Huli na ng marealize ko ang ginawa ko. Napakagat nalang ako sa labi ko ng maramdaman ko ang mahapding kurot ni mommy na para bang tatanggalin na ang balat ko.

"Do you know him?"

Agad akong tumango "Schoolmate po namin.." Sagot ko saka yumuko.

Dafuq. Ansaket ng kurot mo momshie.

"Great!" Nakangiting sabi ni tito. Napatingin naman ako kay Ryle na mukhang kakain na ng tao at kawawa ang chocolate cake na nasa harap nya. Anyare dun? May dalaw ba sya? Minsan hindi ko rin maintindihan tong si Ryle eh.

"So it's settled, Next issue. Is it true that you're dating a random guy Feli?" Tanong ni Tito Avron kay felicity. Mukhang magigisa nga kami ngayon.

"Yes Tito. She even tried to commit suicide.." Singit ng bruha este ni Lhalaine. Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko buti nalang at napigilan ako ni Mom.

Tinignan ko ng masama ang bruha. Pinapahamak nya si Felicity. Kung may problema man sya, hindi nya dapat idamay si Feli. Hindi pa nga maayos si Feli at ipapahamak nya na.

Nakita ko ang pag ngisi ni Lhalaine. Napatingin naman ako kay Felicity. Nakayuko sya at halatang umiiyak ng tahimik. Alam kong masakit para sakanya na maungkat ang ala alang pilit nyang kinakalimutan. Ang pinaka ayoko sa lahat ay makitang umiiyak ang mga pinsan ko.

"WHAT?! IS IT TRUE FELICITY?!" Malakas na sigaw ng Daddy nya at napatayo dahil sa galit. Sino ba namang hindi magagalit kung ang anak mo ay naglihim at nagtangkang magpakamatay?


Tanging paghikbi lang ang naisagot ni Feli. Knowing her masyado syang iyakin at madamdamin. I know she's hurt right now.

Napangisi nalang ako saka tumingin kay Lhalaine na naka ngisi din. Laglagan pala ang gusto nya? Oh sure.


"Hey bitch.." Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Halos matahimik sila dahil sa sinabi ko. Nakatingin parin ako kay Lhalaine. Pinapahiya nya si Felicity, Pwes ako ang lalaban para sakanya. "Shakira Lhalaine Montero, The campus bitch is dating random guys and making out with them. Ang akala nyong matinong babae na yan ay nasa loob pala ang kulo. Bitch isn't enough to described her. And did you know? He's trying to seduce Zerone Dandellon. See? How pathetic she i------"


"What the fvck are you talking about?! Liar!" Sigaw nya sa akin at napatayo na din. Namumula na sya sa galit o hiya. Ang munting secreto nya ay ibinunyag ko lang naman. Well, she deserved it.

"Stop making Stories about my daughter! How disrespectful you are! Nakakahiya ka bilang Montero!" Pag tatanggol ni Tita sa anak nya. Napangisi ako.

"How about your bitchy daughter?! She's ruining the image of Montero Clan! And it's a shame that she's a Montero! She don't even deserve our Surname-----" Napatigil ako sa pagsasalita ng Masampal ako ng aking ina.


"Sorry for the attitude of my daughter.." Seryosong saad ni Mom. Napangisi ako at pilit na pinipigilan ang nagbabadya kong mga luha. Kahit Sarili kong ina ay hindi man lang ako pinagtanggol.

"Well, I think this bitch deserve more.."

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Lhalaine mula kay Ryle. Magkaharap kasi sila kaya madali nya lang nasampal si Laine.

Halos mag pigil hininga ang lahat dahil sa tension na nakabalot sa amin. Saka nagsabunutan sina Laine at Ryle.

This gathering supposed to be happy kasi minsan lang magkita ang mga Montero but it was ruined by our secrets and issues.

Snow White And The Villain [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon