Azunnah Snow's POV
Azunnah Snow's POV
After sa nangyari kapahon, may klase na ulit. At dahil lunes ngayon ay inaatake nanaman ako ng Monday sickness. Nakakatamad pumasok at tsaka inaantok pa ako.
"Snow gising na.." Dinig kong sabi ni Ate Real.
"NYEBEEE GISING NA!" Sigaw ni Eunice napilitan akong bumangon kahit masakit ang ulo ko. Baka kasi pumunta nanaman silang lahat sa kwarto ko para lang gisingin ako.
"Ang putla mo snow.." Nagulat ako dahil nasa gilid ko lang pala si Shey at prenteng nakatingin sa akin
"Maputi naman talaga yan eh.."
"Hindi. May sakit ka ba?" Tanong ni Ate real saka lumapit sa akin para tignan kung may lagnat ba ako
"Nako, nilalagnat kang bata ka. Dahil siguro yan sa soar throat mo.."
"So hindi makakapasok si Nyebe?" Para akong nabuhayan sa narinig ko mula kay Eunice. Yes! Hindi ako makakapasok
"Kaya mo bang pumasok?" Ate real asked me. Agad akong umiling bilang sagot.
"Okay, magpahinga ka Snow. Tawagin mo lang ang mga maid kapag may kailangan ka.." Agad akong tumango. Napataas naman ang kilay ni Eunice
"May sakit din ako. Hindi ako papasok.." Pag iinarte nya agad syang binatukan ni Ate Real at hinila palabas ng kwarto.
Matutulog na sana ako ulit ng bigla kong naalala na andito pa pala si Shey. Halos manlaki ang mata ko sa nakita ko. Seryosong nakatingin lang naman si Shey sa isang Nakatuping sulat mula sa Envelope
"Shey!" Inis kong sabi saka hinablot ang papel.
Seryosong tumingin sya sa akin at unti unting dumaloy ang luha nya. Fvck ang tanga ko talaga. Baka alam na nya ang pinakanatatago Kong lihim
"Bakit Snow?" Sobrang bilis ng puso ko sa tanong nya. Sorry shey. But I can't tell you.
"Bakit hindi ko maintindihan yung nakasulat dyan huhuhu.." Para akong nabunutan ng tinik. Akala ko mabubunyag na ang sekreto ko. Napabuntong hininga ako saka napailing. Bakit ko nakalimutang slow nga pala sya? Hayys. Buti na lang talaga.
"Sheyyy! Male- late na tay--- oh? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Ryle.
"Eh kasi.."
"Leave.." Utos ko. Baka may malaman si Ryle. Mahirap na at matalino sya. Agad silang lumabas ng kwarto ko. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko na ang pag alis ng van at hudyat iyon na wala na ang mga pinsan ko sa bahay.
Agad kong nilock ang pinto at saka tinignan ang Sulat.
SCEZNZO
BINABASA MO ANG
Snow White And The Villain [BOOK 1]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Snow white and the villain BOOK 1. According to SNOW MONTERO, her life is boring. Hindi sya si Snow white pero they have some similarities. Her skin is white as snow. Ideal girl na kumbaga yun nga lang ang ating bida ay napaka antukin at...