[ZERONE'S POV]
It's been a week na hindi ko nakikita si Snow. It's also been one week since I broke up with Summer. I hate her for taking advantage of me. Pinaikot nya ako at pinaniwalang sya ang girlfriend ko.
Hindi pa man ako makaalala ng lubos pero may naalala ako ng kaunti tungkol sa amin ni Snow. Her older brother, Erzen took Snow away from me. Hindi na pumapasok si Snow neither nag tatrabaho sa coffeeshop. I tried to find her but she left with no clues. Naglaho na parang bula. I even asked her cousins but wala akong nakuhang sagot.
This is so frustrating. Madali na rin akong mainis. Ilang araw na akong kulang sa tulog sa kakaisip kay Snow at tungkol sa nakaraan ko. Sa lahat ng tao, bakit ako pa ang nagka amnesia? Minsan din may napapaghinipan akong muntikan na akong masagasaan at ang mga sumunod na pangyayari ay malabo na.
Two days na akong hindi pumapasok kakahanap sa mga sagot sa tanong ko. At sino ba namang gustong pumasok kung nasa gate ka palang ay mag eeskandalo na agad si Summer? She even tried to let herself hit by a moving car. Mabuti nalang at nakahinto ang driver.
I don't know but I find her obsessed with me. Palagi nya akong kinukulit. She's damn annoying. Pinapasakit nya lalo ang ulo ko.
I picked up my phone at tinawagan ang alam kong makakatulong sa akin. I badly need help para malaman ko kung asan si Snow. Sya ang sagot sa mga tanong ko.
[Yes dear? Napatawag ka ata? ] natatawa nitong sabi.
"I Badly need your help. I remember one of my secrets but yung iba hindi na. Naalala kita, please help me.. " napakagat labi ako habang kausap ko sya sa telepono.
[It's been a year Dandellon, Meet me at my unit ipapaaalala ko sayo ang trabahong nakalimutan mo. ]
Napakunot ang noo ko pero kalaunan ay napangiti din. Kahit alam kong hindi nya ako nakikita ay nagawa ko paring ngumiti bilang pasasalamat. "Thank you.."
[UNGAS! WAG KANG NGUMITI MAY KASALANAN KAPA SAKIN BWESIT!!] Malutong ba mura nya kaya mahina akong napatawa then she ended the call. Kahit konti lang ang naalala ko sakanya parang magaan ang loob ko. Sana nga matulungan nya ako.
I badly need answers. Baka mamatay na ako kakaisip. Si third naman ay minsan ko nalang nakikita. Hindi nya rin ako pinapansin gaya ng kakambal kong si Travis.
It's time for me to find the truth. Masyado ng mapanlinlang ang mga tao ngayon.
----------
[Matthew Travis]
Tahimik akong umupo saka tumingin sa labas. Wala akong pakealam kung mahuli ako ng teacher namin. I badly missed her. Kahit alam kong ang gagong kakambal ko ang pinili nya ay di ko magawang magalit sakanya. I love her. Tangna naman tadhana, ngayon na nga lang ako nainlove doon pa sa babaeng malabo akong mahalin. Barilin ko kaya si Kupido? Walangya yun ako lang pinana.
Ilang araw ko na rin iniisip kung asan si Snow. Banned kasi kami sa coffeeshop na yun. Tinanong ko naman ang mga pinsan nya pero wala eh. Ayaw sabihin. Simula ng mawala si Snow ay nawala na rin si Caliber. Posible kayang magkasama sila?
Wala na rin si Spencer. Hindi naman sa patay pero hindi na sya dumadalaw sa school simula ng mawala si Snow. Kaya kaming dalawa nalang ni Third ang natira.
Para ngang bumaliktad ang kapalaran namin. Hindi naman kami close ni third dati dahil nga kaibigan sya ng gago kong kakambal. Pero akalain mo nga naman, sya ang lagi kong kasama. Hindi na rin sila ng papansinan nung ungas. Tanging kasama lang ni Zero ay si Jayone ba yun or si Daniel? Aish malay ko ba sakanila.
Going back to Snow, She's really mysterious. Naalala din namin ni Third yung case na nasa Dean's office kami. Yun yung time na naakusahan si Snow dahil sa pagsaksak umano sa baliw na nerd na yun. Wala na rin akong balita sa nerd na yun.
That time din nakilala namin si Spencer na syang nagpanggap bilang guardian ni Snow but everything turned out when that Erzen Arrived. Ang buong akala namin ay jowa or ex sya ni Snow pero nagkakamali kami.
Sya lang naman ang nag iisang Erzen Montero. Sya ang pinakamayaman sa magpipinsan. Imagine, kaya nyang burahin sa mapa ang unibersidad na to. Kaya pala ganon nalang ang takot nung dean ng makita nya si Erzen. And yeah sya ang kuya ni Snow. Kaya pala ganon nalang kung maka asta si Erzen.
Sya din ang dahilan kung bakit hindi namin makita si Snow. Inilayo nya si Snow sa amin. Mayaman din naman kami pero ni isang clue eh wala kaming makuha. He's damn powerful. Nagawa nyang itago si snow.
Kamusta na kaya sya? Okay lang ba sya? Umiiyak? Naguguto------
*Blag*
"AY GUTOM!" Tanging nasabi ko.
Napabalik ako sa realidad ng may lumipad na eraser at muntikan na akong matamaan. Buti nalang at nakailag ako. Muntikan na akong atakihin sa puso.
Masama akong tumingin sa nag bato ng eraser at walang iba kundi ang terror prof namin.
Oh fvck it.
Nakalimutan ko. Masyado akong lutang dahil sa lalim ng iniisip ko.
"HINDI KA BA KUMAIN AT NAGUGUTOM KA MR. DANDELLON?!" Malakas na sigaw ni Maam. Leche naman to oh. May sinabi ba akong nagugutom ako? Bingi ata tong matandang kupal na to.
"Pfffttt HAHAHAHAHAHAHA.."
Nagtawanan ang buong klase dahil sa katangahan ko.
Hayst.
Napailing nalang ako at humingi ng paumanhin pero dahil nga gurang na sya ay pinalabas nya ako. At syempre dahil mahal ako ni third ay malakas syang tumawa dahilan para palabasin din sya.
Ayos to friendship goals. Kagaguhan goals.
"Tangna tumawa lang naman ako ah?!" Inis na bulong ni third ng makalabas na kami. Gunggong to. Kung makatawa kasi eh wagas. Ulyanin ata.
Napangiti nalang ako kahit papaano. Mabuti nalang at andito ang gagong to. Hindi ko ineexpect na magiging magkaibigan kami.
BINABASA MO ANG
Snow White And The Villain [BOOK 1]
Misterio / Suspenso[COMPLETED] Snow white and the villain BOOK 1. According to SNOW MONTERO, her life is boring. Hindi sya si Snow white pero they have some similarities. Her skin is white as snow. Ideal girl na kumbaga yun nga lang ang ating bida ay napaka antukin at...