Chapter Seven

3K 109 8
                                    

SETH

Pakanta kanta ako habang papasok sa trabaho. Masaya lang ako kasi magkikita ulit kami ni Angela ngayon. At ipapakilala na nya ako sa mama nya.

Nakasabay ko si Bernard ng pag swipe ng ID ko para mag time in. Pero si Bernard nga ba to.

"Pare ikaw ba yan?" Anong nangyari sayo bakit may pasa ka?" Nagtataka kong tanong at tinuro ang mukha nya.

Mabilis nyang hinarang ang kamay ko.

"Naalala mo si Miss. Guissepe? Inaya ko mag date. Malay ko ba naman na kamag anak pala yon ni Pacman. Nak ng tinapa inapper cut ako."  Kwento nya habang hinawakan ang kanyang panga.

"Minanyak mo siguro kaya ka sinuntok." Natatawa kong kumento kay Bernard.

"Salamat pare ha, salamat.!" Sarkasto nyang sagot sa akin habang nauna syang lumakad at ako naman ang nag swipe ng ID ko.

"Walang anuman." Tatawa tawa ako at tinapik ang balikat nya.

"Kamusta nga pala ang date nyo ni Angela?" pag uusisa nito habang naglalakad kami papunta sa elevator.

" Okay naman pare pupunta kami sa magulang nya mamaya. Ipapakilala daw nya ako." masayang tugon ko habang lulan kami ng elevator at naghihintay pa ng ibang empleyadong sasakay din.

"Mabuti ka pa. Maganda nangyari sa date nyo."  Dismayadong sabi ni Bernard. Natawa na lang ako sa mukha nito na parang byernes santo.

"Oo nga pala half day lang ako ngayon may bibilhin pa ako." Hindi ko na sinabi yung tungkol sa kasal sa susunod ko na lang sasabihin dahil alam ko naman tututol to katulad ng nangyari nang nasa opisina kami ni Miss Irene.


"Sir ito po maganda to sigurado magugustuhan to ng pagbibigyan nyo." Tiningnan ko ang singsing na sinabi ng saleslady.

"Maganda kaso baka hindi nya magustuhan." Patuloy ako sa pagtingin sa mga engagement ring na nakadisplay.

Naagaw ng pansin ko ang isang singsing na may design na hugis puso na merong malilit na diamond.

"Ayun miss ang kukunin ko." Tinuro ako at kinuha naman nya inilagay nya sa ibabaw ng stand at ipinakita sa akin. napangiti ako ng makita ito ng malapitan. "Sana magustuhan nya. Sige miss yan na kukunin ko." Nilagay na nya sa box at inabot ko ang bayad at dinala nya sa cashier.

Papunta na ako sa lugar na pinag-usapan namin ni Angela. Magkikita kami sa isang parke. Nalilibang ako sa mga masasayang naglalaro at matyagang naghihintay sa kanya, dumating din naman agad sya kaya hindi ako naghintay ng matagal.

"Tara na." Aya nya sakin hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. Napaka pormal ng mukha nya hindi ko manlang masabi kung ano bang nararamdaman nya. At lalakad na sya papunta sa sasakyan.

"Teka may gusto sana ako ibigay sayo." Mabilis ko syang hinawakan sa kamay nya. Napatingin sya sa pagkakahawak ko at tumingin sa mukha ko.

"Sorry"  Mabilis kong binitawan ang kamay nya. Hindi sya kumibo at naglakad na sya papunta sa sasakyan.

Mamaya ko na lang siguro ibibigay. Tyempo na lang siguro ako.

"Call me claire when we got home."  Basag sa katahimikan ni Angela.

"Ha bakit naman diba -- pagtataka kong tanong sa kanya.

"Its my second name. My mom used to call me claire."  Putol nya sa sinasabi ko.

"Ah okay sige walang problema." Sagot ko at hindi na sya sumagot pa.

Habang nasa byahe madalang pa sa patak ng ulan magsalita si Angela. Hanggang tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang bahay.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon