Chapter 13

2.6K 98 5
                                    

SETH

Paalis na ako sa pinto ng opisina ni Imogen ng biglang lumabas dun sila Imogen at Irene. Nakita nila ako at nagkatinginan sila. Paalis na sana ako ng bigla magsalita si Imogen.

"Seth saglit." Napahinto ako at hinintay kung may sasabihin pa sya.

"Imogen aalis na ako magkita na lang tayo bukas." Sabi ni Irene at iniwan na kaming dalawa ni Imogen.

"Imogen." Sarkastiko kong banggit ng pangalan nya at natawa ng mapait.

"Hayaan mo akong magpapaliwanag." Malumanay nitong sabi at lalapit sana sa akin.

"Pano mo ipapaliwanag? Kahit anong paliwanag mo Imogen niloko mo parin ako." Sumbat ko sa kanya.

Hindi sya kumibo at nangingilid na ang kanyang luha. Iniwas ko ang tingin ko dito, Masakit sa loob kong nakikitang naiiyak si Imogen.

"Ano hindi kana nagsalita? MAGPALIWANAG KA!" bahagya syang nagulat ng sumigaw ako at tuluyan na sya umiyak.

"I'm sorry." yun lang ang tangi nyang nasabi.

Natawa na lang ako ng mapait at iniwan sya sa pasilyo.

Nasaktan ako sa nangyari. Pinaniwala nya ako sa isang kasinungalingan. Hindi na ako tumuloy sa kwarto namin ni Imogen. Bagkus at tumuloy ako sa sofa at duon nahiga.

Masyadong nakakapagod ang araw na to. Punong puno na ang isip ko ng maraming katanungan. Inilagay ang braso ko sa noo at ipinikit ang mga mata ko.




IMOGEN

Hindi ko nga ba alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya lahat o natatakot ako sa magiging reaksyon nya pag sinabi ko ang lahat.

Umiiyak ako habang nakaupo sa tabi at nakatingin sa tulog na si Seth. Hindi na ba nya ako mahal kaya mas pinili nya dito sa labas matulog kesa makasama ako sa kwarto. Impit na iyak na lamang ang nagawa ko dahil sa iniisip ko.

Kahit tulog na sya makikita mo parin kung gaano kalungkot ang mukha nya. Kahit ganun pa man hindi parin nabawasan ang kagwapuhan nya. Marahan kong hinawakan ang mukha niya. Nilandas ko ang aking daliri sa kanyang ilong.
Kinakabisado ko bawat detalye ng mukha niya. Baka ito na ang huling araw na mahawakan at makita ko sya ng ganto kalapit.

"Seth... isipin ko pa lang na mawawala ka sumisikip na ang dibdib ko", pero hindi ko sya pwedeng ikulong sa mundo ko masyadong magulo at delikado.

"Alam kong pangarap mo ang simpleng buhay at masayang pamilya, isang bagay na kaylan man hindi ko maibibigay sa'yo.
Kaya kung ano man ang desisyon mo tatanggapin ko." Tuluyan ng bumigay ang luha ko, dinampian ko ng masuyong halik ang mga labi ni Seth at tuluyan na akong tumayo.

Siguro ay ganito ang pakiramdam ni papa ng iniwan nya si mama. Ang sakit sakit. Parang gusto ko mawala na lang.



SETH

Maaga akong nagising. Nakahiga ako at nakatingin sa ceiling ng sala. Pinipilit ko isipin ang sitwasyon ko ngayon. Masyadong masakit ang nalaman ko.

Nang wala akong maisip na paraan ay umupo ako at inihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Nagpasya na lang ako pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape.

Nadatnan ko si Imogen nakaupo at nagkakape. Seryoso ang mukha nya at hindi ko makita kung ano ang iniisip nya.

"Magkape ka na para mawala ang hang over mo." Sabi nya habang nakatingin sa kape nya.

Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy ako sa ref kumuha ng tubig. Uminom na lang ako ayoko magtagal sa kusina kasama sya. Pagkatapos ko uminom ay lumakad na ako papalabas ng mapatapat ako sa kanya.
"Kina mama muna ako ng ilang araw." tuluyan na akong lumabas hindi ko na hinintay ang sasagot nya.


IMOGEN

"Umalis na si Seth sa bahay. Hindi ko sya magawang pigilan. Mas maigi nga siguro ang ganto". Nasa shooting range ako sa hideout.

Dito ko binubuhos lahat ng nararamdaman ko. Ilang beses ako nagpaputok ng baril tinadtad ko target. At muli akong nag load ng magazine ng maubos na ang bala.

"Mukhang stress na stress ka? Tapos anong nangyari? Tanong ni irene habang nagsusuot ng ear and eye protector.

Namili sya ng baril na nakalatag sa lamesa. Pinili nya ay yung kulay silver Kimber gold match II isang uri ng kalibre 45 at inilagay ang magazine nito at kinasa.

Inasinta nya ang target at sunod sunod na nagpaputok. Magaling talaga si Irene umasinta lahat bulls eye. Pagkatapos ay hinubad nya ang protector.

"Umalis sya kanina dun daw muna sya sa kanila." Sabi ko at pumunta sa upuan.

"Kaylan naman daw balik nya." Tanong nya habang sumunod sa akin at naupo sa harap ko.

"Hindi ko alam. Wala syang sinabi, baka hindi na sya babalik." Sabi ko at ininom na lang ang gatas na nasa harap ko. Kumunot ang noo nyang at mapanuring nakatingin sa akin.

"Kaylan ka pa naging fans ng gatas?" Nagtataka nyang tanong habang nakapalumbabang nakatingin sakin.

Nagtaka rin ako ayaw ko talaga ng gatas kahit nung maliit pa kami. Yun kasi unang pumasok sa isip ko ng dumating ako dito. "Gusto kong uminom ng gatas."

"Lagi bang may nangyayari sa inyo ni Seth." Nabigla ako sa tanong ni Irene kaya muntik ng matapon yung gatas na iniinom ko.

"Ang aga agang namomomblema na nga ako kahalayan parin yang iniisip mo Irene. Umayos ka may kasalanan ka pa saken." Pag iiba ko ng usapan.

"Nagtatanong lang naman baka kako buntis ka. Diba ganun daw yon pag buntis weird."

Hindi ako nakakibo sa sinabi nya. Possible ngang buntis ako.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon