Chapter 15

2.9K 83 4
                                    

IRENE

Nang makalayo na si Imogen ay mabilis kaming nagsakayan sa mga sasakyan namin para sumunod sa kanya. Hindi kami masyadong mabilis para hindi namin maabutan si Imogen.

Nakarating kami sa hideout ng mga Greco Clan. Inutusan ko ang iba na lumibot sa lugar at hanggat maaari wag gumawa ng anumang ingay.

Hinanda ko na ang sniper rifle na gagamitin ko. Maya maya pa ay lumabas na sila Imogen kasama si Angelo at mga tauhan nito. Lihim ko silang sinusundan at tumigil sila sa tapat ng isang lumang warehouse.

Nagradyo ako sa ibang tauhan na sumunod sa lumang warehouse. Habang nag aantay sa iba na dumating ay naghanap ako ng magandang pwesto para makita ang nangyayari sa loob.

Dumating na iba at sinabi ko sa kanila ang mga dapat nila pwestuhan. Mabilis kami pumunta sa mga pwesto namin para mapalibutan namin ang mga tao sa loob.

Nakita ko si Imogen na hawak na si Angelo. Pero nakawala ito ng barilin ng isa sa mga tauhan si seth. Patuloy sa pag sipa sa duguan ng si Seth. Naawa man ako ay humanap ako ng magandang tyempo.

Tinutok na nito ang baril kay Imogen hinanda ko na ang baril ko. At pinaputukan ko si Angelo at tinamaan ito sa kamay. Dahilan para mbitawan nya ang baril nya. Pagkakita ni Imogen ay mabilis silang nagtago sa isa sa mga container truck n nasa loob. At nagpalitan ng putok lumapit ako kay irene at ibinigay ang bag na may mga baril.

"Irene dalhin nyo na sa ospital si Seth. Baka maubusan sya ng dugo." Nag aalalang sabi Imogen sa akin. At tiningnan ko ang walang malay na si Seth.

"Wag ka nang mag alala ipapadala ko na sya kay primo." Bakas na nabawasan ang pag aalala ni Irene.

Dumating si primo kasama ang iba pa. Binuhat nila si Seth at sinakay sa sasakyan. Pag kaalis na pagkaalis ay nagsimula ng makipaglaban si Imogen.

"Oras na para maningil." Mararamdaman mo ang galit sa boses ni Imogen. Lahat ng nagtatangkang pumigil kay Imogen ay walang awa nyang binabaril. Iisa lang ang hinahanap nya at iyon ay si angelo.

Halos ubos na ang tauhan ng Greco at hawak na rin ng tauhan ni Irene ang kanilang pinuno. Duguan ito at halatang may tama ito ng baril sa hita at braso kasama pa ang tinamaan kong kamay nya.

Lumapit si Imogen sa kanyang tiyuhin. Mararamdaman mo ang galit sa kanyang mga titig. Binitawan ng kanyang mga tauhan si Angelo at mabilis itong nagmakaawa at yumakap sa hita ni Imogen.

"Parang awa mo na wag mo akong papatayin. Parang awa mo na." Paulit ulit nitong pagmamakaawa.

"Alam mong wala ako nyan kaya hindi ko maibibigay sayo." Nakangising sabi nito at itinutok ang baril dito.

Idinikit nito ang dulo ng baril sa noo nito at sunod sunod na na pinaputok. Inubos nito ang laman ng bala ng magazine nya. Walang buhay na bumagsak sa lupa ang katawan ng kanyang tiyuhin.

Nagmamadaling umalis si Imogen sa lugar para pumunta sa ospital kung nasaan si Seth. Ako na mismo ang nag maneho para kay Imogen para mabilis kaming makarating

Pag dating namin doon ay hinanap agad namin sila Primo. At nasa operating room pa si Seth.
Nadatnan namin dun ang nanay at kapatid na bunso ni Seth, at si bernard.

Mabilis tong lumapit sa akin at bakas ang pag aalala sa mata nya.

"Anong nangyari sa inyo? Lagi mo na lang akong pinag aalala sayo." Bigla nya akong niyakap at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Sa yakap pa lang nya ay ramdam ko kung gaano sya nag alala.

Hindi ko namalayan na yumakap na rin ako sa kanya.

Nakaupo si Imogen sa labas ng operating room at iyak ng iyak. Sigurado ako sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari. Lumapit kay Imogen ang mama ni Seth at pinapatahan ito. Niyakap nya si Imogen at pilit pinapakalma.

Lumapit ako dito at kinausap. "Wag ka nang iyak Imogen makakasama yan sa anak nyo. Sigurado ako kung gising lang si Seth pagbabawalan ka nun umiyak. Ingatan mo rin ang baby nyo. Malulungkot si Seth kung may nangyaring masama sa anak nya. Kaya umayos kana." Kumalma naman si Imogen sa sinabi ko kaya tumigil sya sa pag iyak at pinunasan ang luha nya.

Maya maya ay lumabas ang doctor na nag tanggal ng bala kay Seth. "Sino ang pamilya ng pasyente?"

Mabilis tumayo si Imogen. "Asawa po ako ng pasyente kamusta na prio sya?

"Medyo nahirapan kami sa pagtanggal ng bala. Pero successful naman ang operasyon. At marami ring nawalang dugo sa kanya. Magdasal na lang tayo na okay ang kalabasan ng operasyon nya. After nya masalinan ng dugo ililipat na sya sa private room para dun sya imonitor, excuse me." Pagkasabi nya ay umalis na ito.

Nakahinga ng maluwag ang lahat sana lang talaga walang maging komplikasyon.

IMOGEN
Gabi na pero wala parin malay si Seth. Kinakaen ako ng sobrang pag aalala ko.

Kung naging mas maingat siguro ako hindi mangyayari to. Nangingilid ang luha ko habang iniisip ang nangyari. Maya maya ay umungol na si Seth tanda na nagkakamalay na ito.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko.

"Imogen." Paos na malumanay nyang tawag sa akin.

"Nandito ako Seth" at hinawakan ko ang kamay nya.

"I'm glad you're safe." Paos at malumanay nyang sabi at pinisil nya ang kamay ko.

"Wag kang mag alala okay lang kami ni baby." Naluluha kong sabi at napangiti sya sa sinabi ko.

"Magkaka baby na tayo. Imogen i'm sorry. Sorry sa mga sinabi ko." Bakas mo sa boses nya ang sensiridad.

"I'm sorry din sa mga nagawa ko Seth." Naiiyak kong sabi.

"Wag kang umiyak makakasama yan kay baby." Punas nya sa mga luha ko sa mata.

"Masaya lang ako kasi ok kana. Okay na tayo."
Nakangiti kong sabi.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama kasama ang mama ni seth at sila irene at bernard.

"Mabuti naman at gising kana seth. Masyado mo pinag alala ang asawa mo." Sabi ng mama ni seth  lumapit sa amin.

"Siguro naman okay na kayong dalawa? Nabalitaan kong nag away daw kayong mag asawa?" Paninermon ni mama.

"Okay na kami mama nag usap na kami." Sagot ko kay mama.

"Naku ikaw claire manang mana ka talaga sa ama mo. Buti na lang at mahal ka nitong si seth kung hindi luhaan ka."

"Grabe talaga si mama."

"Ayusin nyo yan ha gusto ko magpakasal ulit kayo this time yung totoo na ako mismo mag aasikaso hindi ikaw claire." May pag babanta sa boses ni mama. At nagtawanan ang lahat.


Its our wedding day. This time totoo na to. Wala ng pagkukunwari.

Minadali na rin ni mama at ni seth ang kasal habang maliit pa daw ang baby bump ko. Katulad ng unang kasal namin ay simple lang din ito.

"Ready?" Nakangiting sabi ni irene.

Tumango ako at yumakap kay Irene lagi syang nandyan para sakin she's almost a sister to me. Kulang na lang iisa ang ina namin.

Papasok na ako ng simbahan sobra sobrang emosyon ang mararamdaman ko, kinakabahan ako at sobrang saya. Simula nung una ko syang makita ganun pa rin ang epekto nya sakin.

Kung noon natatakot akong aminin pero ngayon kaya ko na sabihin lahat. Hindi pa ako naging duwag ng ganto sa buong buhay ko, he's the only person that make my whole world upside down.



SETH

Pinagmamasdan ko si Imogem habang naglalakad papunta sa altar.

Nung umpisa ko pa lang sya makita hindi ko maipaliwanag. Pero pagkakita ko pa lang sa kanya alam ko sa sarili ko na sya ang gusto ko makasama. Alam ko maraming hindi naniniwala sa love t first sight pero hindi ko napiligilan ang nararamdaman ko.

Hindi ko pa man sya kilala pero kilala na sya ng puso ko na sya yung babaeng matagal ko ng hinihintay.

Ngumiti sya sa akin ng mkita nyang nakatingin ako sa kanya.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya ng tumapat sya sa akin. Ipinatong nya ang kamay nya sa kamay ko at sabay kaming pumunta sa altar.

This time is for real.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon