Chapter Eight

3.1K 102 8
                                    

SETH

"Wag ka na muna pumasok anak ipahinga mo muna yang braso mo, bukas kana pumasok." nag aalalang sabi ni mama sakin.

"Okay naman na ako ma, hindi na sya masyadong masakit, kita mo naigagalaw ko na kahit pa'no." Kahit medyo masakit pa pilit ko iginalaw para hindi mag alala si mama.

"Ewan ko sayong bata ka bakit ba naman kasi nagkaganyan ka. Umamin ka nakipag away ka ba? Nagpapalusot ka lang ata na naipit yang kamay mo sa pinto."  Walang tigil na pangungulit ni mama.

"Naipit nga to makita mo maga pa." Pangungumbinsi ko sa kanya. Ayokong sabihin ang kalokohang ginawa baka pag nalaman nya dagdagan lang nya ang pilay ko.

"Meron ba naman kasi naipit na hanggang siko ang maga? Sabi ko sayo Timothy ayos ayusin mo yang pagsisinungaling mo." Tila naiinis ng sabi ni mama.

"Wag ka na mag alala ma okay lang ako saka magpapasa lang ako ng ilang paperworks na kaylangan ngayon. Aalis na ako ma. " paalam ko may mama at lumabas na ako ng bahay. Maigi nang umalis na agad at di ako titigilan nun kakakulit.

"Oh pare anong nangyari sa kamay mo mukhang nabalian ka? Napalaban ka ba kahapon at napilay ka pa?" Malisyosong tanong ni Bernard.

"Itulad mo pa ako sa'yo, napaka malisyoso mo talaga." Patay malisya kong sagot at baka usisain pa nya ako.

"Nagtatanong lang naman ako. Pero pwera biro san mo nakuha yan?" Pang uusisa ni Bernard sa akin.

Napakamot ako ng noo ko. "Pinilipit ni Angela ung kamay ko ng hinalikan ko sya kagabi."

Biglang humagalpak ng tawa si Bernard nagtinginan tuloy mga katrabaho namin. Binato ko sya ng ballpen na hawak ko.

"Makatawa to ikaw nga binoxing." Bwisit kong sabi kay Bernard.

"Sorry na pare kasi naman -" hindi nya matuloy tuloy ang sasabihin nya katatawa.

"Gago masamid ka sana kakatawa mo." Tinuloy ko pag aayos ng mga papel na natapos ko na.

"Tatawanan talaga kita pag si Irene ang nakakatuluyan mo. Lumayas ka na nga."

"Hindi mangyayari yan pare. Itaga mo sa bato." Sabi nya habang papalayo at tumatawa.

IMOGEN

"Grabe ginawa mo kay Seth kagabi Imogen. Halos mapilay na yong tao, No let me rephrase, napilay mo yung tao." Pangungunsensya ni Irene sa akin.

"Dapat lang sa kanya yon. Nanghahalik sya. Buti nga yon lang inabot nya kung nagdilim paningin ko baka ako pa nagtapon ng bangkay nya. Saka ikaw din naman balita ko knock out sa upper cut mo yung kaybigan ni Seth." Balik kong tanong kay Irene.

"Iba naman sitwasyon namin. Ikaw inaya mo magpakasal yung tao. What do you expect tititigan ka lang nya. Sa akin naman nag aya lang ng date akala mo asong baliw na bigla na lang nanununggab." Nakasimangot na pagkukwento ni Irene.

"Basta ayoko ng ginawa nya hindi manlang nagpaalam." Isa isa kong tingnan ang mga folder na nasa ibabaw ng lamesa ko.

"Wow mag papa alam pa talaga Imogen, Parang ang corny naman. Imogen pede ba kita halikan." Sabi nya gamit ang boses na lalake, at bigla syang tumawa.

Tinungnan ko sya ng masama sa ginawa nya. Nag pipigil sya ng tawa kaya namumula na ang mukha nya.

"Tigilan mo ako Irene kung ayaw mo itapon kita palabas."

"Sabi ko nga titigil na." Sabi nya habang inabot sakin ang isang folder.

"Pero alam mo ang pinagtataka ko nabanggit nya parang nagkita na kayo dati. kilala mo ba si Mr. Ashworth kaya sya pinili mong pakasalan?" Malisyosang nakangisi ito sa akin.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon