Chapter Three

3.7K 107 7
                                    

SETH

Dalawang araw na ang lumipas hindi ko parin maalis sa isip ko yong babae sa simbahan. "Ano kaya pangalan nya? Nakakainis hindi ko manlang nalaman pangalan nya bago sila umalis." Inis na ginulo ko ang buhok ko.

"Anong nangyayari sayo dyan pre? Nababaliw ka nanaman. Wag mo sabihin naiisip mo nanaman yong babaeng nakita mo sa simbahan?." Pang aasar na tanong ni Bernard sa akin at kunwaring sinusuri ang reaksyon ko.

"Wala ka na don." Inis na binato ko ng lukot na papel si Bernard.

"Ang torpe mo kasi ayan nakalipad na yong anghel na nakita mo." Tumatawang sabi nito habang papalayo sa lamesa ko.

"Sana makita ulit kita promise hindi na kita papakawalan." Nasabi ko na lang sa sarili ko at tinuuon ang isip sa trabaho.

IMOGEN

"Ma pumayag kana magpatingin. Para maagapan pa yang sakit mo." Giit ko kay mama na parang batang sunod ng sunod dito kung saan ito pumupunta.

"Anak kahit anong balik pa natin sa ospital hindi na magagamot tong sakit ko. Kesa sinasayang mo oras mo sakin bakit di ka na lang magpakasal at magbuo ng sariling pamilya? May boyfriend kana ba anak?" Pag iiba ng topic ni mama habang nililigpit nito ang mga magazine sa ibabaw ng center table.

"Bakit sakin napunta ang usapan? Sakit mo pinag uusapan dito hindi ang pag asawa ko." Nakasimangot kong sagot dahil ako naman ngayon ang nasa hotseat.

"Oh sige, claire anak ganto na lang magpapagamot ako pag nakita kitang magpapakasal kana. Para masigurado ko na may makakasama ka na kahit mawala ako." pinal nitong sabi at hindi na ako nakasagot pa.

Tumayo si mama at pumunta sa kusina. Kaylangan ko gumawa ng paraan para mapapayag si mama na makapag pagamot. Kahit pagpapakasal ko pa ang kapalit.

Dinaial ko kaagad ang number ni Irene at ilang ring pa lang sinagot na nya ang tawag ko.

"Magkita tayo sa hideout." Yon lang at mabilis akong pinatay ang tawag umalis kasama ng mga tauhan ko.

Sinabi ko kay Irene gusto mangyari ni mama na pagpapakasal ko kapalit ng pagpapagamot nya.

"Sigurado ka na ba? Para makapag simula na tayo ng paghahanap ng magpapanggap na maging asawa mo." Tanong ni Irene habang naglalaro ng dart.

"Oo sigurado kaya maghanap na kayo ASAP." Utos ko kay Irene habang prenteng nakaupo.

"Bakit di kana lang pumili ng isa sa mga tauhan natin para di kana mahirapan." Walang kwentang suggestion nito na alam kong nang aasar nanaman.

"Umayos ka Irene malapit na magdilim paningin ko sa mga suggestion mo anong isasagot ng mga yan pag tinanong ni mama kung anong trabaho sabihin mafia din baka himatayin lang si mama."

"Okay relax di kana mabiro." Sumensyas si Irene na lumapit ang isang tauhan naming lalake.

"Tawagin mo si Primo." Tumango naman ang lalake at lumabas. Maya maya pa ay dumating ang isang may edad na lalake.

"Mam Irene pinatawag nyo daw po ako." Si Primo ang isa sa pinagkakatiwalaan naming tauhan. Halos dito na ito tumanda.

"May ipagagawa ako sayo, gusto ko ng resulta ASAP. Hanapan mo ng mapapangasawa itong si Maam Imogen mo." Utos ni Irene kay Primo habang patuloy parin sa paglalaro ng dart.

"Po?! naku maam mahirap ho ata yang pinapagawa nya, hindi ko ho alam yung tipo nyong lalake. Bakit ho hindi na lang kayo mag boyfriend o kaya sagutin yung mga manliligaw nyo." Kamot ulong sagot ni Primo at mukhang hirap sa pinapagawa.

"Sa tingin mo ba Primo kung gusto kong totoong lumagay sa tahimik eh magpapahanap pa ako sayo? Maghanap ka ng taong pwede mong bayaran magpanggap para sakin." Naiiritang sagot ko kay Primo. Mahirap bang maghanap ngayon ng pwedeng bayaran.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon