Chapter 14

3K 96 11
                                    

IMOGEN
Nagpunta kami ni Irene sa ospital para konpirmahin ang aming hinala tungkol sa kalagayan ko.

"Congratulation Mrs. Ashworth you're six weeks pregnant." Bati sa akin ng ob-gyne na tumingin sa akin.

"Thank you doc." Sabi ko na lang sa doktor habang meron syang inabot na papel

"Don't forget to take those vitamins, nakalagay na rin dyan ang schedule ng next check up mo."

"Thank you Doc." Nakipagkamay ako at lumabas na sa clinic nya.

"Oh my God Imo! Congrats" masayang bati sa akin ni Irene. Masayang malungkot ang nararamdaman ko.

Masaya dahil mag kaka baby na kami ni Seth.

"Bakit ganyan mukha mo. Mukha kang may diarrhea hindi ka ba masaya?" Dismayadong tanong ni Irene.

"Masaya syempre. Kaya lang --"

"Kaya lang wala si Seth?" Putol nya sa sinabi ko. Hindi ako nakasagot sa sinabi nya.

"Galit lang si Seth sa nangyari, pero alam ko mahal ka nya kaya wag kang mag alala." Pagbibigay seguridad sa akin ni Irene.

"Sana nga Irene, sana nga."

SETH

"Anak wala ka bang balak umuwi sa asawa mo?" Pag uusisa ni mama sa akin habang kumakaen kami ng umagahan.

Wala syang nakuhang sagot sa akin. Kunwari ay wala akong narinig at patuloy sa pagkaen.

"Kung meron man kayong hindi pagkakaunawaan ng asawa mo pag usapan nyo yan. Hindi madali ang buhay mag asawa anak, marami kayong pag dadaanan. Hindi laging masaya at tawanan. Kung may ginawa mang ikinaayaw mo si Angela pag usapan nyo." Mahabang payo ni mama sa akin.

"Nasasabi mo lang yan ma kasi hindi mo alam." Sagot ko sa kanya na may himig hinanakit.

"Sabihin mo ng malaman ko."

"Wag na." Tumayo ako at umalis.

Tuwing naalala ko ginawa sakin ni Imogen hindi ko maiwasang magalit. Niloko nya ako ni hindi nya magawang magpaliwanag sa akin. Tanggap ko naman kung sinabi nya sa akin sa umpisa pa lang.

Mas masakit kasi nalaman ko pa sa ibang tao. Hindi naman ako mahirap kausap bakit hindi nya masabi.

"Pare inom tayo mamaya sagot ko." pag aaya ko kay Bernard ng dumaan to sa harap ng table ko.

"Aba himala? Nag iinom kana. May problema ka ano?" Pang aasar nitong sabi at umupo sa tapat ko.

"Iinom lang problema agad." Kunwari busy ako sa ginagawa ko.

"Pare wag ako. Kitang kita sa mukha mo naka sulat naka capital letter pa. "PROBLEMADO" senyas pa nito sa tapat ng mukha ko.

"Gago! Basta mamaya ha." Binato ko ng lukot na papel kay Bernard at tumawa naman ito.


Nasa counter kami ng isang bar nag iinom ni Bernard. Medyo lasing na rin ako dahil marami na kaming nainom at hindi naman ako sanay.

"Sabihin mo na pare anong problema mo?" Sabi nya pagkatapos ay tinungga ang laman ng shot glass nya.

"Si Angela pare, ay hindi si Imogen." Panimula ko.
"Sinong Imogen? Kaw pare ha bago pa lang kayo ni Angela nambababae kana."

"Baliw! Patapusin mo muna kasi ako." Kinuha ko ang bote ng alak at nagsalin sa shotglass ko.

"Si Angela Bautista ay si Imogen Ribera. Hindi pala yon ang tunay nyang pangalan. Tapos nung umuwi ako ang daming patay na tao sa bahay parang nagkaroon ng enkwentro." Naiinis kong kwento kay Bernard.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon