Chapter Ten

2.7K 91 10
                                    

Imogen

Habang nagpapagaling si Irene ay inasikaso naman namin ni Seth ang kasal. Ayaw pumayag ng mama ni Seth na hindi kami sa simbahan ikasal kahit simple kasalan lang daw basta simbahan.

Wala rin ako nagawa kundi sumang ayon sa gusto nila. Pinaasikaso sa abogado ko ang pekeng dokumento bilang Angela Bautista, at ang pagkuha ng marriage license namin.

"Ready na ba lahat? Kaylangan na ntin umalis baka ma traffic tayo." Sabi ni Irene na nakasuot na ng kanyang gown.

Naka flowy bohemian lacey dress si Irene matatanaw mo ang maigsing pencil cut na palda nya sa loob at tuwing lalakad sya ay lumilitaw ang mapuputi nyang hita.

"Maglalaway nanaman si Bernard pag nakita kang ganyan ang suot." Biro ko sa kanya habang busy ang make up artist ko na nagkakabit ng aking belo.

Pinatayo nya ako at sinimulang ayusin ang damit ko. Simple lang ang pinili kong wedding gown, at ayaw din ni Seth ng revealing na damit.

Classic lace long sleeve wedding dress, isang vintage inspired bohemian wedding dress ang napili ko. Tamang tama hindi makikita ang tinatago kong tattoo sa likod ko.

Sakop ng tattoo ko ang malaking parte ng likod ko, may design itong rose at hummingbird. Parehas kami ni irene na may tattoo na rose, pinalagyan ko ito ng dalawang hummingbird na lumilipad.

Para sa akin hummingbird symbolized to open our heart to our loved ones and friend.

Habang sakay kami ni irene ng bridal car hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko. Parang may maliliit na paru paro ang lumilipad sa tyan ko.

"You look tensed. Kinakabahan kaba? May himig pang aasar sa tono ni Irene.

"Hindi ah! Ang init kasi nitong suot ko." Pagsisinungaling ko habang pinapaypay ang kamay ko sa mukha ko.

Pag baril ang kaharap ko hindi naman ganto pakiramdam ko. Bakit ngayon gusto ko himatayin sa sobrang kaba.

Nakahinto sa tapat ng simbahan ang bridal car na sinasakyan ko. Hindi pa nila ako pinapababa. Hinihintay ko na pababain na nila ako dito. Mas lalong lumalala ang nararamdaman ko hindi ko na maintindihan pakiramdam ko tuloy para na akong masusuka.

Baka pag nagtagal pa ako dito mamatay na ako. Maya maya ay may lumapit na sa pinto at binuksan na ito. Inalalayan nya ako bumaba.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ko na ang kanta at sinimulan na ako palakarin.

Hindi pa ako kinabahan ng ganto sa buong buhay ko kahit pa nagkakaroon ng enkwentro at lumalaban kami. Nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad. Nakakahiya kung sa gitna pa ako hihimatayin.

Nakita ko si Seth nakatayo malapit sa altar katabi si Bernard. Ang gwapo nya sa suot nyang black suit, lagi naman ako nakakakita ng lalaking naka black suit pero bakit pagdating sa kanya tingin ko ay bagay na bagay sa kanya.

Nakangiti syang nakatingin sa akin. Hinubad pa nya ang suot nyang eyeglass at nag punas ng mata. Siniko pa sya ni Bernard at tumawa.



SETH

"NANDYAN NA ANG BRIDE." Sigaw ng isa sa organizer ng kasal na lalong nagpakaba sa akin.

"Wag kang kabahan, baka pumangit ka sa picture nyo." Natatawang biro ni Bernard.

Isa isa nag nagsipasok mula sa flower girl hanggang sa sa mga brides maid. Si irene na ang papasok sya ang maid of honor ni Angela.

Habang naglalakad si Irene napatingin sya sa pwesto namin. Kinawayan naman sya ni Bernard na sya naman ikinainis ni Irene at inirapan si Bernard.

Papasok na si Angela na lalong nagpakaba sa akin. Parang gusto ko pumunta muna ng cr hindi ko alam kung sira ba ang tyan ko o ewan.

Nang nakita ko na syang papasok pakiramdam ko sya na lang ang nakikita ko. Hindi ko na naiisip ang nasa paligid ko. Napakaganda nya sa damit nya. She's like an angel walking towards me.

Yung babaeng pinapangarap ko ngayon nandito na sa harapan ko. Pinahiran ko ang mata ko naiiyak na ako sa tuwa.

"Walanghiya pare umiiyak kaba?" Pang aasar at tatawa tawang tanong ni Bernard sakin.

"Panira ka talagang bwisit ka." Tinawanan lang nya ako.

Nang nasa tapat ko na si Angela ay nilahad ko ang kamay ko sa kanya at humawak naman sya at sabay kaming naglakad papunta sa altar.

Nagsimula na ang seremonya ng kasal.
Nagpalitan kami ng vow at nagsuot ng singsing.

"I pronounce you husband and wife, you may now kiss the bride." Ang sabi ng pari.

Humarap ako sa kanya at itinaas ang belo nya. Napatingin ako sa mata ni Angela, naalala ko yung ginawa nyang pagpilipit sa kamay ko kaya hindi ko agad sya nahalikan.

Walanghiya baka pilipitin nanaman nya ang kamay ko pag hinalikan ko sya. Tingnan ko sya na parang nagpapa alam.

"You may kiss the bride" ulit pa ni father na syang nagpatawa sa mga tao.

Napapunas ako ng noo. Walanghiyang buhay to bahala na nga. Hinawakan ko ang pisngi ni angela at inilapit ang labi ko sa labi nya hinintay kong iiwas nya pero hindi naman nya ginawa kaya itinuloy ko na lang.

Masuyo ko syang hinalikan. Napaka lambot ng labi nya, parang cotton candy. Pagkahalik ko ay niyakap ko sya ng mahigpit. nagpalakpakan na ang mga tao at mga nagsibati sila.

Pagdating sa reception ay masayang bumati ang mga tao.

Nagkakasiyahan na ang lahat. Pinahagis na kay Angela ang bouquet ng bulaklak nya at si Irene ang nakasalo.

Ngayon ay nakapila naman lahat ng kalalakihan para sumalo ng garter.

"Pare siguraduhin mong ako makakasalo nyan. Pag hindi ko nasalo yan wag kana magpapakita sa akin." Sigaw ni Bernard at nagtawanan ang lahat.

Hinagis na ni Seth papunta kay Bernard ang garter at mabilis naman sinalo ni Bernard.

Pinapunta sa unahan si Irene at Bernard. Nilagyan ng upuan sa harap at pinaupo si Irene. Nakaluhod naman si Bernard sa harap ni Irene at hinawakan ang paa nito.

Ayaw ipahawak ni Irene ang paa nya pero sabi ng emcee ay katuwaan lang. Kaya napilitan si Irene ibigay ang paa nya.

Isinuot ni Bernard ang garter sa paa nya, itinaas ito hanggang tuhod.

Nagsisigawan ang mga tao "higher! Higher!"

Napangiti naman si Bernard at tumingin kay Irene. Pinanlakihan naman ng mata ni Irene si Bernard patuloy lang ito. Pero hindi nagpatakot si Bernard at itinaas hanggang hita ang garter.

Nainis si irene kaya bigla na lang sinipa ni Irene si Bernard at tinamaan sa tyan at napayuko ito sa sakit hinampas pa sa ulo ng bouquet at tumayo si irene at iniwan ito sa gitna.

Nagtawanan ang lahat, pati si Angela ay nagpipiit ng tawa sa nangyari.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon