Chapter Four

3.1K 119 3
                                    

SETH

"Pare sigurado ka ba sa address?" Paniniguradong tanong ko kay Bernard.

"Oo pare tingnan mo nakalagay sa address Ribera tower, tingnan mo nakalagay sa building RIBERA TOWER tama tong napuntahan natin."  Siguradong sabi ni Bernard at lumakad kami papunta sa guard na nakatayo sa labas.

"Boss pede ba magtanong? Nandyan ba si Miss Irene Guissepe? May appointment po kasi kami sa kanya." Paliwanag nito sa guard.

Kinikilatis pa kami ng guard bago nagsalita. "Pasok kayo sabihin nyo lang sa front desk." Sabi nito at pumasok kami sa loob.

IRENE

"Miss Irene naghihintay po si Mr. Ashworth sa recieving area. Kanina pa po sila naghihintay sa inyo." Sabi ni Aliyah isa sa receptionist sa frontdesk.

"Okay papasukin mo na sila dito." Sabi ko at binaba ang receiver ng telepono. Sumasakit ang ulo ko sa pinapagawa ni Imogen, pero alam ko para to sa ikasasaya ng mama nya. Alam ko importante sa kanya si tita. We both grow up without mother on our side. Kung ako ang nasa kalagayan nya i will do the same thing.

Sinara ko ang folder na binabasa ko ang personal info ni Mr. Ashworth at mukha naman papasa sya sa magugustuhan ni Imogen, sakto naman na pumasok ang dalawang lalake. Sinenyas ko ang upuan at umupo naman sila.

"Good afternoon Miss Guissepe, I'm Seth Timothy Ashworth and this is my friend Bernard --"

Sumenyas ako sa kanya na tumigil.
"I don't have any business with him so no use para kilalanin ko sya." Pagkakita ko palang sa lalakeng gusto nyang ipakilala ay namukhaan ko ito. Ito yung lalake sa bar na nakikipaglandian sa babaeng parang pwet ng bata ang dibdib.

"Grabe suplada naman. Sa gwapo kong to ayaw nya akong kilalanin."Narinig kong binubulong ng asong to. Pangalan pa lang tunog aso na.

"May sinasabi ka?"  Pag tataray kong pagtatanong sa kanya.

"Bakit may narinig kaba?" Maanghang na sagot nito. Naiirita talaga ako sa mukhang asong to.

"Ehem! Ah eh miss Irene, pasensya ka na sa kaibigan ko may pagkabaliw talaga yan nagsasalita mag isa." Awkward na singit ni Seth at nilakihan ng mata ang kaibigan nya.

Hindi na ako nakipag talo para hindi na humaba pa.

"Anyway alam mo naman siguro ang pinunta mo dito. Since nakalagay naman sa profile ni Miss Bautista ang interest nya bakit sya sumali sa dating site na yun kaya hindi lingid sayo na pag nagustuhan ka ni Miss Bautista ay gusto nya sana magpakasal na agad." Pormal kong sabi sa kanya at inabot ang isang folder.

"It's a term and condition of Miss Bautista, gusto kong basahin mo yan kung okay lang sayo." natigil ako sa pagpapaliwanag ng bigla syang nagsalita.

"Agreement ba 'to para sa pagkikita namin ni Miss Bautista?" Wag ka mag alala pipirmahan ko to kaya walang problema." sabi nya habang pumipirma ng hindi manlang nya binabasa ang laman ng folder.

Pilit sinasara ng aso na to ang folder. "Hindi mo manlang binasa muna hindi ka manlang nagpakipot. Pano pala kung laman nyan papatayin kana. Di ka nag iisip." Sabi ng kasama nyang mukhang aso.

"Hindi na kaylangan pag isipan ang mga gantong bagay pag gusto mo ang isang tao. Saka sinabi ko sa sarili ko pag nakita ko ulit sya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon."

Mabilis na sagot ni Seth habang inabot sa akin ang folder pagkatapos nya pirmahan.

Inabot ko ang folder at tumayo. "Thank you Mr. Ashworth. Tatawagan ka na lang namin kung kaylan kayo magkikita ni Miss Bautista."

"Thank you din Miss Guissepe. Sige aalis na kami." Tumayo na sila at lumabas ng opisina.

Napasandal ako sa swivel chair ko.

"Buti naman at tapos na hindi ko na kailangan kausapin isa isa yung mga nag set. Pero san kaya nakita ni Mr. Ashworth si Imogen." Nasabi ko na lang sa sarili ko bago pumikit para magpahinga.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon