Chapter One

8.6K 163 16
                                    

Third person

Mabilis na tumatakbo ang isang lalake na pilit tinatakasan ang humahabol sa kanya. Wala sya pakialam kung marami man nakatingin basta ang nasa isip nya ay pa'no makakatakas.

"Bwisit! Wag kana kasi humabol!" Hingal na usal nito habang mabilis na tumatakbo papalayo.

"Magnanakaw! Tulungan nyo ako! Magnanakaw! ibalik mo ang bag ko!" Sigaw ng isang may edad na babae habang hinahabol ang lalaking kumuha ng bag nya.

Patuloy sa pagtakbo si Seth hanggang may nakaabot sa kanyang isang lalake at ibinato ang bag sa kanya. Napahinto sya ng masalo ang bag.

"Jusko naman bata ka lagi ko naman sinasabi sayo pagdadaan ka sa tapat namin wag kang tatakbo ng hindi ka hinahabol ng aso ko!" Mahabang lintaya ni Mang Carding habang hingal na hingal na nakatukod ang mga kamay sa tuhod nito ng maabutan si Seth, nang makabawi ng hininga ay buhat ang aso nyang si Brownie.

"Kasi naman Tatay Carding yang aso nyo lagi na lang ako inaabangan, mainit ata dugo sakin." Kamot ulong paliwanag ni Seth kay Mang Carding habang parating papalapit sa kanila ang isang may edad na babae.

"Naku! Salamat iho nabawi mo ang bag ko, Maraming salamat." Tuwang tuwa sabi ng babae at niyakap pa si Seth.

Nagtatakang inabot ni Seth ang bag sa ginang. "Wala hong anuman."

Binuksan ng ginang ang kanyang bag at kumuha ng pera sa wallet nito. "Ito hijo tanggapin mo pasasalamat ko sa ginawa mong kabutihan." Inabot nito ang kanang kamay ni Seth at inilagay sa kamay nito ang pera.

Binawi ni Seth ang kamay nya. "Naku wag na ho, wala naman ho akong ginawa." Nakangiti nitong sabi.

"Napakabait talagang bata nitong si Seth." Pagmamalaki ni Mang Carding sa Ginang habang buhat ang aso nyang si Brownie.

"Sige ho aalis na ako, baka late na ho ako sa trabaho ko." sabi ni Seth habang kumakamot sa ulo habang papalayo sa dalawang matanda na kausap.

"Mag iingat ka hijo pagpalain ka nawa ng Dios sa kabaitan mo." Nakangiting tinanaw nya si Seth papalayo.


SETH

"Pare nakita mo na ba ung bagong sekretarya ni Bossing? Ang ganda at ang sexy." Sabi ng chismoso kong kaibigan na si Bernard habang naglalakad kami at may gigil na sinisenyas pa nito ang hubog ng katawan ng binibidang babae sakin.

"Hindi ko pa nakita at wala akong balak makita. Sigurado pag ikaw nagsabi ng maganda kahit puno pa yan na naka palda maganda para sa'yo." Natatawa kong sagot kay Bernard habang naglalakad papunta sa lamesa ko.

"Grabe ka saken pare marunong lang ako mag appreciate ng maganda. Di katulad mo gusto mo yung katulad ng mama mo, kulang na lang tumira sa Baclaran. At ipagtirik ng kandila dahil sa pagiging santa. Di na ako magtataka kung tumanda kang binata, masyado kang choosy." Sabi nya sabay alis sa tapat ng lamesa ko.

Tatawa tawa akong umiling at sinimulan na ang trabaho ko para sa araw na to.

Hindi naman ako nangangarap ng mala super model na mapapangasawa, simple lang naman ang gusto ko yung babaeng may takot sa Dios at mapagmahal sa pamilya. Simple lang diba, hindi naman ako choosy siguro sadyang hindi pa dumadating ung babaeng para sakin.


Oras na ng uwian ng harangin ako ni Bernard.

"Ano pare sama ka samin? Pupunta kami sa bar, malay mo dun mo makikilala si future girlfriend mo." Taas baba ang kilay nito habang nag aaya. Ngiti pa lang nito mukhang di na mapagkakatiwalaan.

"Salamat na lang pre. Alam mo naman hindi ako umiinom saka lasing na babae lang makikilala ko dun." Sagot ko habang abalang hinahanap ang cellphone ko.

"Oh sige kung ayaw mo papilit. Lunes na lang ulit pare, ma rape ka sana sa daan." Pahabol nitong sabi habang papalayo at nagtatawanan ang mga katrabaho kong kasama ni Bernard.

Napailing na lang ako nakangiting nakatingin sa kanila palabas ng pinto.



Nagbubukas pa lang ako ng gate namin naririnig ko na ang sigaw ng kapatid ko. "Kuya!" Masiglang sumalubong sa akin at yumakap.

"Bunso, nasan si mama?" Tanong ko dito habang hinalikan ko sa tuktok ng ulo nya, At inabot ang pasalubong ko. Masaya nitong tinignan ang dala kong doughnut para sa kanya. kahit dose anyos na to parang bata parin kung umasta.

"Nagpunta sa meeting para sa simbahan kuya, malapit na kasi pista kaya may meeting, Sunduin mo daw sya." Abala ito sa pagbubukas ng pasalubong habang papunta sa sala at tinuloy ang panonood nya.

"Ganun ba? Sige magbihis lang ako." Tumango lang ito habang nakatutok ang mata sa tv na puno ang bibig. Tumuloy ako sa kwarto para makapagbihis at puntahan si mama.




---

Sa isang gusali ramdam mo ang tensyon sa paligid, abala ang lahat tila may hinahanap.

"HANAPIN NYO! HUWAG KAYONG BABALIK NG HINDI NYO NAKIKITA!" Isang ma- autoridad na sigaw na nag uutos sa mga lalaking nagkalat sa lugar.

"YES BOSS!" Sabay sabay na sigaw ng mga kalalakihan at nagsitakbuhan sa bawat sulok ng lugar.

"BOSS PAPUNTA SYA SA ROOFTOP!" Sigaw ng isa sa mga tauhan mula sa fire exit at nag sitakbuhan papunta sa taas.

Habang ang mga tauhan nya ay nagmamadaling umakyat sa hagdan paakyat sa rooftop sya naman ay kalmadong umaakyat habang sinusuot ang kanyang leather gloves at ikinasa ang calibre 45 nyang hawak na baril. Nang marating nya ang dulo ng hagdan ay binuksan ng isang lalake ang pinto at bumungad sa paningin nya isang lalake na duguan ang ulo habang nakaluhod at umiiyak habang napapalibutan ng mga tauhan nya.

"BOSS MAAWA KAYO!! HINDI NA AKO UULIT!! Sabi ng isang lalaki habang naglakad ng nakaluhod, mabilis na yumakap sa mga binti ng tinatawag nilang boss.

"Maawa? Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay nito sa lalake. "Alam mo naman na hindi uso yan sa organisasyon, at hindi kana talaga makakaulit pagpatay kana." Kalmado pero maawtoridad nitong boses. walang bakas ng awa sa boses at mukha nito.

"Boss parang awa nyo na. Boss!!" Sigaw ng lalake at kasunod na lang ay dalawang putok ng baril ang narinig at bumagsak ng walang buhay ang lalaking nagmamakaawa.

"Linisin nyo yan." utos nya sa mga tauhan at umalis na parang walang nangyari.

Mabilis nagsikilos ang mga ito para ayusin ang bangkay ng lalake at ang iba ay sumunod sa kanilang boss.

Habang pasakay ng elevator ay tumunog ang cellphone ng isa sa tauhan.

"Boss si miss Irene po." Sabi ng lalake sabay abot ng cellphone.

"Hello Irene? Sige papunta na kami dyan." walang man reaksyon ang mukha nito matatakot ka parin dahil hindi mo malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nya.


A/N Natapos rin. Thank you sa pagtatyaga magbasa

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon