Chapter Eleven

2.8K 108 4
                                    

THIRD PERSON

Nag paalam na lahat ng mga tao sa reception. Kasalukuyang nag uusap si Imogen at ang mama nya.

"Siguro naman ma, magpapacheck up ka na ngayong kasal na ako." Sabi ni Imogen habang nakayakap sa ina.

"Oo naman anak. Tutupad ako sa pangako ko sayo." Masigla nitong sabi at niyakap ang anak.

"Kung kaylangan mong magpa confine magpa confine kana para sigurado." Kumalas sa pagkakayakap ang kanyang ina.

"Sinong may sabi sayo na magpapa confine ako usapan lang natin magpapa check up hindi magpapa gamot magkaiba yon anak." Nanlaki ang mata ni Imogen sa narinig.

Hindi makapaniwala sa sinabi ng ina. "Pero ma ganun na rin yon." Napasimangot ito sa pagiging tuso ng ina.

"Magkaiba yon anak, kaya bilisan mo magka anak kung gusto mo ako gumaling." Natatawang sabi ng ina.

"Ang daya mo ma. Napaka utak mo." Napasimangot na lang si Imogen sa ina.

Lumapit si Seth kay Imogen. Nakangiti itong nakatingin sa mag ina.

"Ito na pala asawa mo, sige na umalis na kayo." Sabi ng ina ni Imogen habang sinasabayan ito palabas ng reception.

"Mag iingat kayo ha, at bilisan nyo gumawa ng mga apo ko." Sabay halik sa pisngi ni Imogen.

"Aalis na po kami ma." At humalik din sa pisngi ng kanyang byenan.

Walang imikan ang dalawa habang sakay sila ng bridal car.

"Sa bahay tayo dumeretso bukas na lang tayo pumunta sa pupuntahan natin. pagod na rin kasi ako gusto ko muna makapagpahinga."  Utos ni Imogen hindi pakiusap.

"Sige ikaw ang bahala." Matipid na sagot ni Seth.

Nakarating na sila sa condo ni Imogen. Doon sila tumuloy ng gabing yon. Sakay ng elevetor ang dalawa tahimik sila parehas nagpapakiramdaman walang gustong magbukas ng pag uusapan.

Saktong tumunog ang elevator at bumukas ito. Nauna si imogen palabas at naglakad na ito papunta sa unit nya. Bubuksan nya sana ang pinto ng pigilan sya ni Seth. Napatingin sya dito at lumapit sa kanya.

Kinabahan syang lalapit sa kanya si Seth. Bigla sya nitong binuhat ng bridal style.

"Wala naman masama kung susunod tayo sa pamahiin diba." Seryoso ang mukha nito at nakatuon ang mata sa pinto. Parang tambol sa lakas ng kabog ang dibdib ni imogen. Magsasalita sana sya pero walang lumabas na salita. Nabablanko sya sa sobrang kaba.

Nag swipe ng card si Imogen at tinulak ni seth ang pinto. Pumasok sya sa loob madilim ang lugar kaya naman pinindot ni imogen ang switch ng ilaw.

Malinis at maayos na sala ang bumungad sa kanila. Black and white ang concept ng bahay ni Imogen.

"S-sige na ibaba mo na ako." Sabi ni Imogen na pilit tinatago ang kaba.

Maingat naman syang binaba ni Seth. Pagkababa nya kay Imogen ay pumunta sya sa couch at umupo.

"Kung gusto mo na magpahinga sumunod ka na lang sa kwarto. Matutulog na ako kaya sumunod ka na lang." Pagod na sabi ni Imogen at pumasok na sa kwarto.

Matagal na nakaupo si Seth sa couch nagdadalawang isip kung papasok na ba o hindi. Pumunta na sya sa loob at nakita nya si imogen na nakabihis na at mukhang tulog na.

Lumapit sya dito at tahimik na tinititigan ang maamo nyang mukha. Tinanggal nya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nito. At napadako ang tingin nya sa braso ni imogen na hindi natatakpan ng kumot.

She's the Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon