Pagmulat ko ng mga mata ay isang ngiting maliwanag na araw ang sumalubong sakin
Inayos ko muna ang kama ko at naghilamos.Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko agad sina tita at tito na kumakain ng agahan
"Jade kain ka na" yaya sakin ni tita. Nilibot ko ang mata ko pero wala si Cristan. San kaya yun?
"Tita, San si Cristan?"
"Nako iha. Baka tulog pa yun ngayon" sabi ni tita habang inaasikaso niya si tito. Kahit matanda na sila, ang sweet parin nila. Napangiti nalang ako
"Tawagin ko nalang po"
Tumango lang sila sakin. Dumiretso na ako sa taas para mayaya si Cristan
Kumatok ako sa pintuan niya pero walang sumasagot
"Tan?" Nilapit ko ang tenga ko sa pintuan. Pinihit ko ang doorknob
"Bukas?" sabi ko sa isip
Binuksan ko na ang pintuan niya at nakita ko siyang nakahilata sa kanyang kama.
"Tan, kakain na"
Di parin siya sumasagot kaya lumapit na ako. Nakatalukbong siya ng kumot na parang nilalamig.
Tinignan ko ang muka niya at ang pula ng muka niya! Wag mong sabihin-
"Tan!"
"Ano ba!" sigaw niya na nanghihina.
"Ininom mo ang Juice na pineapple noh?" Inis na saad ko sa kanya. Pero di siya sumagot at nag iwas lang ng tingin. Gagang Drianna talaga yun.
Pinaupo ko siya at pinasandal sa headboard ng kama. Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya.
"Sinisinat ka. Bat mo ba kasi ininom yun"
"Umalis ka nga dito!" sabi niya tapos pilit niya akong tinutulak.
"Mainit ka nga!" Sigaw ko sa kanya pabalik. Kahit kelan talaga, ang tigas ng ulo nito
"Kaya ko ang sarili ko. Can you please get out of my room?" inis na saad niya
Napabuntong hininga nalang ako at lumabas ng kwarto niya
**
Cristan
Lumabas na siya sa kwarto ko. Ang kulit naman ng babaeng yun. Kitang kaya ko naman ang sarili ko eh. Di ko kailangan ng tulong niya.
Ayaw ko sa mga mukang pera tulad niya. Ginagamit niya lang si mama para makapag aral.
Idagdag mo pang may gusto siya sakin. Kala niya hindi ko alam ha. Halata naman eh at hindi ako manhid.
Narinig ko siya nung kausap niya si mama.
"Opo tita. Gagawin ko ang lahat para makaalala siya"
Sino yang babae?
Sa sala kasi sila at kumuha ako ng tubig dahil na uuhaw ako galing sa laro ng basketball.
Oo, may amnesia ako. Pero natatandaan ko naman sina mama at papa. Pero sabi daw ay may ilan akong hindi naalala kasi Selective amnesia ang meron ako.
"Salamat iha. Kamusta naman doon kina Tita Jenny mo?"
"okay naman po. Kaso tutulong muna ako sa kanyang magtrabaho"
Kinig ng kinig lang ako sa kanila
"sayang naman iha. Ang talino mo pa naman. Ako nalang ang magpapaaral sayo, dun ka na rin papasok sa school ni Cristan"
![](https://img.wattpad.com/cover/132735328-288-k68370.jpg)
BINABASA MO ANG
Nothing Without You [Under editing and updating]
General FictionHER I just want him to love me. But it's just a one-sided love. He knows me for being a crazy woman who always annoy him. I'm just nobody for him. He hurts me physically and emotionally, but ended up falling for him deeply. Until one day, I woke up...