Chapter 10: Downfall

180 42 9
                                    

(A/N: The time in this chapter is still fast)

Dedicated to awakenScar🌹

"Pano kung ikaw nalang" nasabi ko ng hindi namamalayan.

Kumunot naman ang noo ni Zeke "Huh? Ako yung ano?"

Nanlaki naman ang mata ko at tinakpan ko agad ang bibig ko. Pahamak talaga tong bibig ko.

"H-ha? May sinabi ba ako?" pag mamaang maangan ko.

"Ay. Guni guni ko lang siguro yun" napakamot naman siya sa batok niya.

Tumahimik lang ako at tumingin sa labas. Ang ganda palang pagmasdan kapag nasa taas ka. Ang liliit ng mga tao. Napangiti naman ako.

"Mamaya may fireworks display dito" napalingon naman ako kay Zeke

"Baka gabi pa yun eh"

"Baliw!" Napatawa naman siya habang ako nakakunot ang noo "Malamang gabi. Di makikita ang ilaw pag maliwanag pa. May nakita ka bang nagfa fireworks display ng umaga?" sarcastic niyang sagot sakin.

I pouted my lips "Malay ko ba"

Hanggang sa natapos na ang pag ikot ng ferris wheel. Bumaba na kami at nagyaya si Zeke na kumain. Nagugutom na daw siya eh. Pumunta kami sa isang fast food chain. Umupo ako at hinintay siya. Siya na kasi mismo ang nagpresintang mag order. Libre naman niya eh. Tatanggi pa ba ako sa grasya? Of course nah.

"Eto na" bigla namang nanubig ang bibig ko. Ang sarap ng foods! Burger, fried chicken with rice, fries, sundae and juice. Yummy!

"Ang sarap naman ng mga naorder mo Zeke" tsaka inayos ang mga pagkain.

"Alam ko kasing matakaw ka eh. Hahahaha!" I frowned as he laughed.

"Ewan ko sayo. At least nalibre ulit ako" I wiggled my eyebrows and chuckled.

Kinuha ko ang burger at kumagat

"Uy! May bayad yan" napatigil naman akong ngumuya.

Nag puppy eyes naman ako sa kanya. "Libre na to diba?" with matching beautiful eyes.

Binato naman niya ako ng tissue paper sa muka "Ang panget mo. Hahahaha"

"Panget daw. Neknek mo, ganda ko kaya" at ngumuya ulit.

"Ganda daw. Kaya pala di ka niya nagustuhan" nagkibit balikat lang siya at kumain.

Napatigil naman ako. That words really stabbed me.

Napansin ko ring napatigil siya.
"A-ah. Ano-"

I cut his words and smiled "It's okay. Ano ka ba" At tumawa ng pilit.

He just keep his mouth silent and continue eating. Siguro di niya napansin na nasabi niya yun sakin. Okay lang, totoo naman eh. I can't blame him. Halos kalat ba naman sa campus ang pagkagusto ko kay Cristan.

"Sorry" I heard him

I smiled at him for assurance "Okay lang nga. Kulit ng lahi mo."

"Nga pala, last time nung sa mall tayo. Cristan dragged you right? Okay ka lang ba nun?" Kunot noo niyang tanong.

Tumingin naman ako sa kanya and crookly smiled "Sus! Sanay na ako dun noh."

Tinignan niya lang ako. I let out a deep sigh. "Well, sinigawan niya ako. Di naman mawawala yun sa kanya."

"Sinigawan mo rin sana" tsaka siya uminom ng juice.

I shrugged my shoulders "Hmm. Sinagot ko lang siya pero hindi pasigaw. Pagod na kaya ako nun, plus naglaro pa tayo. Hahahaha"

Nothing Without You [Under editing and updating]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon