Chapter 2: Drianna

247 59 11
                                    


Habang papasok ako ng bahay ay nakita ko agad si Cristan sa may sofa kasama si Drianna. Nanonood ng movie. Yeah. He's girlfriend 'daw'.

"Dito ka na pala Jade!"

Napalingon naman ako sa narinig kong boses galing kusina at dumiretso doon.

"Hi tita!"

"How's school iha?" sabi ni tita habang gumagawa ng sandwich

"okay naman po. Kaso nakakapagod" Napatawa naman siya sa sinabi ko.

Ring~ Ring~

"ah. Wait lang pala iha. Paki hatid muna etong meryenda kina Tantan ha? Sasagutin ko muna tong tawag"

Tumango lang ako sa sinabi ni tita. Nilagay ko muna ang bag ko sa may upuan. Kinuha ko na ang meryenda nila at pumunta na sa may sala.

Naabutan ko naman na nakasandal si Drianna kay Tan na panay singhot. Kumunot naman ang noo ko at tumingin sa pinapanood nila. Psh. Daming arte, hindi naman nakakaiyak. Tyansing lang eh

I cleared my throat. Parang di napansin na nandito ako eh "Eto na pala ang meryenda niyo"

Nilapag ko na ang kanilang meryenda at tumalikod

"San ang juice?" inis na sabi ni Tan

Napahinto naman ako at tumingin sa kanila.

"Ah. Sandali lang gagawan ko kayo"

Tumalikod ulit ako nang may narinig ulit na boses

"Hm. Crystal can you make a pineapple juice?" si Drianna

Nye nye. Daming arte. I rolled my eyes secretly. Sungalngal ko yung juice sa baga mo eh.

Dumiretso na ako sa kusina baka dagdagan na naman ang utos

Kumuha na ako ng pitsel at tsaka nagtimpla ng pineapple juice. Kumuha din ako ng kalamansi at hiniwa dahil eto ang paboritong juice si Cristan.

Dami pa kasing arte ni Drianna. Akala niya naman kanyang bahay to.

Well, hindi ko rin bahay to. Nakikitira lang din naman ako dito dahil sa nangyare noon. That incident that makes him remember nothing. I wish madali lang gawin ang ipaalala sa isang tao ang mga nakalimutan nito pero mahirap pa pala sa inaakala ko.

Napabuntong hininga nalang ako. Bat ko ba kasi inaalala pa yun? Ang importante ay ngayon-

"What the fuck are you doing?!"

Napatalon naman ako ng bahagya dahil sa sigaw na 'yun. Kumunot naman ang noo ko.

Tumingin ako sa kanya at nagulat dahil galit ang mga mata nito

Pumunta siya sa kinaroroonan ko at hinawakan ang kamay ko.

"Bobo ka ba? Tingnan mo nga ang kamay mo! Nahiwa mo na oh!"

Tiningnan ko naman ang kamay ko at-shit! May dugo. Di ko na namalayan na nahiwa ko na pala ang kamay ko. Damn! Not this time.

Napapikit nalang ako at napakagat labi dahil nararamdaman ko na ang hapdi sa sugat ng kamay ko

Umalis si Cristan at bumalik dala dala ang first aid

"A-ah...Ako na" sabi ko sa kanya

Kumunot naman ang noo niya at hinagis ang first aid kit. Nabigla ako na hinagis niya ang first aid kit sakin.

"Feeling mo rin noh. Sinong nagsabi na ako gagamot sayo?"

" A-ah. Sige sandali lang. Gagamutin ko muna to at ihahatid ko na sa inyo ang meryenda niyo." Nakayuko kong sabi

Nothing Without You [Under editing and updating]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon