Chapter 14: Sick Cristan

128 10 2
                                    

"HOP IN." Sabi niya nang makarating kami sa parking lot ng school. Sumakay ako sa kotse niya baka masigawan na naman ako.

Lagi ko nalang kinakain yung mga sinasabi ko. Ang rupok ko. Basta I'll just stay chillin'. Yung parang normal nalang, normal friends. Ganon, kung friends nga hehe.

"Uhm, baka ginawin ka?"

Kunot noo naman siyang napatingin sakin, hindi yata naintindihan yung sinabi ko. Tinuro ko naman yung aircon, nakabukas kasi. Nabasa pa man din siya.

Pinatay niya naman yung aircon tsaka umubo ng mahina. Tumahimik nalang ako tsaka tumingin sa labas ng bintana, umuulan parin. Baka masyado akong gabihin kapag uuwi na mamaya.

"Ah..Cristan, p-pwede naman sigurong wag na akong pumunta sa inyo? Baka kasi makaabala ako e. Ako nalang magsasabi kay Tita na marami akong g-gagawin."

Mahina kong sabi sa kanya pero hindi niya parin ako pinapansin at patuloy parin ang pagdrive. Napabuntong hininga nalang ako. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila, hindi niya parin ako kinikibo. Ba't nagtaka pa ako eh hindi naman talaga niya ako pinapansin.

Nang makababa na kami ng sasakyan ay napansin kong namumutla siya at nilalamig.

"Let's go inside. Mom's here." Nauna naman siyang pumasok at sumunod naman ako.

"Crystal!" Nagulat naman ako sa sigaw na nanggaling sa Kusina, si Manang Bitang. Bigla siyang lumapit sa'kin tsaka niyakap ako. "Nako! Kamusta ka namang bata ka?"

Ngumiti naman ako sa kanya tsaka niyakap siya pabalik. "Okay na okay syempre, Manang! Hahaha!"

"What's going on?" Isang boses ang narinig ko galing sa may hagdan. Napatingin naman ako do'n at nakita si Tita. "Jade! I'm so happy that you visit us. We missed you!" Lumapit si Tita sa'kin tsaka niyakap ako ng mahigpit.

"Namiss ko rin po kayo." Ngumiti naman ako sa kanya. Napansin ko naman na naglakad na paakyat ng hagdan si Cristan, diretso na yata ng kwarto niya.

"Oh, magkasama kayo ni Tan Tan?" Napatingin rin si Tita kung saan ako tumingin.

"A-ah, hehe opo tita. Pinasabay niya lang po ako kasi maulan tsaka alam kong miss na miss ako nitong ni Manang e. Hahaha!" Sabi ko naman tsaka niyakap yung braso ni Manang.

Napatawa naman si Tita. "Anyway, may pagkain pala diyan sa lamesa. Sabay na kayo kumain ni Tan Tan, tapos na kasi kami ni Manang kanina. Akala namin malelate ng uwi si Cristan eh." Dagdag ni Tita.

"Ah s-sige po. Tatawagin ko nalang po muna siya." Sabi ko naman tsaka tumango sila Tita at manang.

"Oh siya, magliligpit muna ako tsaka magpapahinga na." Si manang.

"I'll be in my room, iha. Just call if anything happens okay?" Sabi naman ni Tita at kita ko ang pag-aalala niya.

"Okay po." Ngiti ko para hindi na sila mag-alala.

Umakyat na ako tsaka dumiretso sa kwarto ni Cristan tsaka kumatok. Alam ko namang hindi to papayag na magsabay kaming kumain.

"Cristan?" Katok ko ulit pero walang sumasagot. Pinihit ko ang doorknob, bukas? Palagi kasing nakalock yung pinto niya. Binuksan ko naman ang pintuan at nakita kong nakahiga siya sa kama niya at nakapatong ang braso patakip sa mata. Kumatok ulit ako sa pinto kahit nakabukas na.

"Tan? Kakain na." Hindi parin siya sumagot kaya lumapit na ako.

"I-I'm c-cold." Sabi niya. Kita ko ang panginginig niya. Hindi pa rin siya nagpalit ng damit, nabasa pa naman siya kanina. Hinawakan ko ang noo niya pati narin ang leeg niya, inaapoy siya ng lagnat!

Nothing Without You [Under editing and updating]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon