Chapter 4: Ezekiel

184 46 11
                                    

Crystal

Nag ayos na ako ng gamit para makapunta na sa school. Di ako nakatulog ng mabuti kagabi dahil sa kakaisip kay Cristan.


Okay na kaya siya?


Naglakad ako papunta ng kanyang kwarto. Pinihit ko ang doorknob at tiningnan ang loob.

Wala na siya?

Baka pumunta na sa school. Dapat nagpapahinga muna yun eh, baka mabinat.

**

Nandito ako ngayon sa cafeteria at nakapila. Pasimple akong nakatitig kay Cristan at napangiti dahil may isang bote ng tubig sa gilid niya


Kumakain siya habang naglalaro sa kanyang cellphone.


Napataas naman ang kilay ko dahil pasimpleng siyang kinukunan ng litrato ng mga babae dito sa cafeteria.

Di niya napapansin dahil busy siya sa pagpindot sa kanyang cellphone

Ang daming niya talagang fangirls. Di ko naman siya masisisi dahil magaling siyang artist at nagbabasketball. As in, mapapa wow ka nalang sa mga pinta niya.

Ang realistic. Mararamdaman mo talaga ang emosyon. Yan din ang dahilan kung bakit ako mas lalong nahulog sa kanya.

Nagulat naman ako dahil may kumalabit sakin. Tumingin naman ako sa kanya na nakakunot ang noo. Well, gwapo din siya ha. Singkit ang mata, matangos na ilong at maputi.

"Ikaw na miss"

Di ko na pala namalayan na umuusad pala ang pila. Turn ko na pala.

I awkwardly smiled to him

"T-thank you"

Nag-order na ako ng dalawang rice, dalawang chicken curry at dalawang juice. Ibibigay ko ang isa kay Cristan. Sana tanggapin na niya.

Lagi niya kasing tinataponang mga pagkaing binibigay ko sa kanya. Wala namang lason to ah. Kung maglalagay ako, siguradong gayuma nalang para mahalin niya ako.

Ang tanga ko lang dahil nagpapakamartyr ako sa isang to. Well, that's how love works. It's not all about happiness.

Kilala na nga nila ako dito dahil sa pagiging martyr daw sa kanya. Di naman nila alam ang story eh. Sila kaya ang mabunggo at mabagok ang ulo.

I walk towards him, alam kong maraming mata ang sumusunod sakin. Nasanay narin akong maging apple of the eye nila eh.

"Here she comes again"

"The desperate"

"gold digger"

"mapapahiya na naman yan"

Di ko nalang pinansin yun at tumingin lang sa direksyon ni Cristan. Ngumiti ako at umupo sa tabi niya

Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sakin. Inabot ko sa kanya ang pagkain

Sana tanggapin niya.

"Leave" Malamig niyang utos sakin pero di ako natinag.

"Tan oh. Masarap to kasi mainit pa" sabi ko habang binubuksan ang pagkain sa harap niya

"I said leave" Inis niyang saad sakin

"yan kasi eh hahaha"

"pahiya ulit siya"

Nothing Without You [Under editing and updating]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon